Kabanata 51

27 1 0
                                    


Halos hindi binitawan ni Fred ang kamay ko kahit na nasa loob na kami ng barko, hindi ko maiwabg matakot dahil sa dagat na kalmado naman ang alon, wala na akong tiwala kahit sa tubig. Nakasandal lamang ako sa kaniyang dibdib habang nasa byahe kami. Gladly, nakuha ko ang mga gamit ko sa kotse na hindi ko nailabas noon, may mga damit pa akong nadala at ang sarili kong pera.

Inamin din sa akin nito na si tito mismo ang pumunta sa pinagtatrabahuan niya para maka-usap siya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit dahil talagang pinilit niya si Fred na lumayo sa akin, na sasagutin ni tito ang pag-uwi ni Fred sa malayong probinsya, iwanan lang ako. Si Fred pa ang nangumbinsi sa akin na gusto lang akong mapabuti ni tito, pero hindi. Makasarili silang lahat. Kumpanya lang ang iniisip niya. Ayaw man akong isama ni Fred ay wala na siyang nagawa dahil ako na ang kusang nagmakaawa sa kaniya... ilayo niya lang ako sa syudad na iyon.

"Malapit na tayo, tapos kain muna tayo bago tayo pumunta roon, may kalayuan pa kasi papunta sa bahay," bulong nito habang hinihipan ang aking tenga upang mainitan.

Mabuti na lang at nakayakap sa akin si Fred at dahil humabol lamang kami sa barko, sa lapag kami naupo, kasama ang mga taong nais ding umuwi. Hindi ko alam kung paano ilarawan ang mga taong nakapalibot sa akin. Ang mga taong mahihirap na mukhang magiging kauri ko na rin. Wala na akong karapatan sa mansyon at ginusto kong makuha nila iyon. Pero hindi ko ibinigay ang perang inipin at pinaghirapan ko. May pinag-aralan ako, nakatapos kami ni Fred, kaya kampante akong mabilis lang kaming makahanap ng trabaho at magiging maayos ang buhay namin... kahit isa na akong ganap na mahirap.

Maya-maya pa ay napadilat na ako dahil sa pagtapik ni Fred sa akin, sinundan ko ang tingin nito, isa-isa nang nasisipaglabasan ang mga taong kasamahan namin kaya hinila na ako ni Fred. Dinig ko agad ang ingay ng ilan na para bang may tinatawag na kung ano, ang ibang mga kalalakihan ay may hinihilang isang sisidlan na may mga gumagalaw pang isda. Malansa ang amoy ngunit nakayanan kong amoyin.

Seryoso lang kaming kumain, bumili ito ng kape ay tinapay, sa maingay na parte ng lugar na pinagbababaan namin, hindi ko maiwasang mamangha sa mga tao. They are so productive, and you must've hardworking in this kind of place. Maging masipag kung gusto mong mabuhay. They're smiling despite of the sweat that runnings on their body.

Ngunit naagaw ng aking atensyon ang isang lalaking nasa gilid na kumikindat, nakangiti na animo'y nang-aasar kaya ako natawa. Naiiling na lumingon ito sa likuran kung saan ako nakatingin kanina. Muling bumalik ang tingin sa akin saka nangunot.

"Gusto mong magtinda ng isda?" tanong nito na sabay naming tinawanan.

"Why not? New experience," sagot ko saka ito humigop ng kape.

"Hmm, kung gusto mong umuwi pabalik sa inyo, sabihin mo lang sa akin, ihahatid kita," seryosong saad nito at saka ngumiti sa akin.

Alerto akong umiling at saka hinimas ang hita niya. "Babalik lang ako, kapag tinanggap ka na nila," bulong ko at bahagya siyang napapikit.

Natatawang inalis ko ang kamay sa hita niya at mabilis nitong inilagay ang bag sa mismong hita nito. Nailing na lang ako kasabay nang pamumula niya. Ilang minuto rin matapos naming kumain ay bumyahe ulit kami. May mga sasakyan naman dito at maayos ang kalsada, may ilang mga naglalakad na mukhang nga trabahador dahil base sa una naming nadaanan, may ginagawang pabrika roon. Napansin ko ang mga bundok allsa dulong bahagi, sobrang liit nito kaya siguradong sobrang layo nito sa amin. Sa dalawang magkabilaan ay mga bukid na. May mga bahay na nakatayo at sobrang kaunti lang. Base na rin sa kuwento ni Fred, dumadayo pa ang mga taga-dulo para lang bumili ng mga pagkain dahil halos wala pa sa lima ang palengke rito. At sa lugar na pupuntahan namin ay kakaiba raw kung ikukumpara dito.

"May mga tao naman roon, medyo tabi-tabi ang bahay, hindi naman literal na kubo iyon, parang normal na bahay lang din sa syudad, sa pagkakatanda ko may kalakihan naman iyon, wala nga lang kama." Pangungurot nito sa kamay ko habang nasa sasakyan kami. "Pero okay doon, tahimik, masayahin ang mga tao, matatanda na siguro ang ilan doon dahil sobrang bata ko pa no'ng umalis kami. Sana lang nandoon pa 'yong susi kung saan nilalagay ni papa madalas iyon," dugtong nito, pero imbes na magsalita, hinalikan ko lang ito sa pisngi saka sumandal sa kaniyang balikat.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon