Kabanata 37

19 1 0
                                    



Mabilis ang tibok ng puso niya. Nakasandal pa rin ako sa kaniyang dibdib habang nilalandas ang daan patungo sa kaniyang isla. Gusto ko lang naman ng kausañ hanggang sa makatulog ako, ayaw niyang pumunta ng sentro kaya ako na ang pumunta. He should be glad for that.

"Dito ang daan." Turo ko sa isla nila.

"Alam ko. Tigas ng ulo," bulong niya na nginitian ko.

Ramdam ko pa rin ang hilo at hindi naman ako masyadong nasusuka. Hindi rin ako masyadong inaantok at tanging hilo lang. Maya-maya pa ay huminto ang bangka. Dahan-dahan siyang umalis sa tabi ko kaya napakapit ako at napakapit sa bangka. Naramdaman ko ang pag-usog ng bangka at sa kasamaang palad ay agad na napatumba ngunit may sumalo agad sa akin. Then again, here he is.

"Ayos ka lang? Nandito na tayo. Tara na, ipapasan kita," sabi nitong kinuha ang braso ko saka ipinulupot sa kaniyang leeg.

Nakasubsob lamang ako sa leeg niyang habang dinaramdam ang paghinga niya na mas malalim pa sa dagat. Nahihirapan ba siya?

"Mabigat ba ako?" bulong ko sa tenga niya.

"Medyo. Mabubuhat ba kita kung mabigat ka?" he sarcastic responses.

"Sorry. I might have to be scheduled my workout tomorrow."

"Walang gym dito. Saan ka mag-wo-work out?"

"Somewhere, samahan mo ako," bulong ko muli.

Hindi na siya sumagot, bahagya kong iminulat ang aking mata at napansin na nasa isang liblib na lugar kami, may kadiliman ngunit may naaaninag ako liwanag na parang galing sa gasera.

"You have to take a bath later," utos ko sa kaniya dahil buong araw siyang nagtrabaho at nasa ilalim pa ng arawan.

"Bakit na naman?" masungit na saad nito na kinunotan ko at bahagyang kinurot ang pisngi.

"Of course! You smells like steels, sand or what! Amoy buhangin ka kaya," bulong ko at narinig ang mahinang pagtawa niya.

"Ganyan ba kayong mga umiinom? Nagsasabi ng totoo?" tanong nito ngunit hindi ko na siya sinagot.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa isang kubo na pamilyar sa akin. Parang nakita ko na ito. Rito ba siya nakatira?

Agad niyang binuksan ang gasera sa gilid, mas lalo akong napakapit nang umakyat ito sa maiksing hagdanan at hanggang sa makarating sa itaas ay doon niya lang ako tinapik.

"Alis na riyan, nandito na tayo."

"Sa bahay mo?" tanong ko at tumango ito.

Nakangiting umalis ako sa kaniyang likuran, mabilis pa sa alas-kwatro ang pagyakap ko sa kaniyang tagiliran. I don't know what to do, basta basta ko na lang ito ginagawa at hindi ko na naman ma-kontrol.

"Wala akong aricon dito, wala ring kama. Sa banig lang ako natutulog, hindi malambot ang unan dito, manipis lang din ang kumot—"

"It's okay. I want to try," bulong ko rito.

Pumasok na kami sa loob, ngunit halos maduling ako dahil sa sobrang dilim. Napalingon ako sa gilid nang buksan niya ang dalawang gasera na inilagay niya malapit sa pinto at sa bintana na nasa dulo.

Inalalayan ako nitong maupo at agad na binigyan ng tubig. Inilibot ko lang ang aking paningin, gawa lahat sa kawayan, kahit na kaunti lang ang naaaninag ko ay malinis naman ang buong paligid, kaunti lang ang gamit na talagang mga importante lang. Sa dulong bahagi ng kanan ko ay naroon ang kaniyang higaan.

"What are you doing?" tanong ko sa lalaking nakatalikod sa akin.

"Lututuan ka," sagot nito.

Paulit-ulit aking umiling. "You don't have to. Busog ako."

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon