Kabanata 5

18 4 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang mag-asikaso ng sarili. Wala ka rin ang kapatid kong si Veron sa kwarto nang magising ako. Gusto ko sana siyang samahan pero kailangan ko pang pag-aralan ang mga papeles na ihaharap ko sa malaki naming kliyente. Si Fred lang naman ang kaharap ko kaya hindi ko na kailangang mag-ayos ng sobra.

"Sero? Come here Sero, c'mon," tawag ko sa pusa na hindi ko man lang nakita kanina.

Natapos na ako maligo pero hindi ko man lang siya nakita o narinig. Maikling short at sando lamang ang aking naisuot dahil sa kakamadali at iyon lang ang una kong nakita.

Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto at tumungo agad sa ibaba. Roon ko lamang napansin na maraming mga tao at pati ang pagtahol ng aso ni Mildred ay narinig ko rin.

Pagkarating ko sa sala ay naroon ang halos karamihan, ang iba ay nakahiga pa sa sofa at nanonood pa. Napatingin ang iba sa akin na agad ko ring nginitian.

"G-Goodmorning po," bati ko.

Yumuko agad ako nang kaunti upang mahanap ang aking alaga. Nakakahiya nga lang dahil hindi ko masagot ang mga tanong nila kung anong ginagawa ko.

"Sero? Where are you? Come with me," muling tawag ko.

Nahinto pa ako sa harap nila Sevein at nila Keus na napangiti sa akin. Babatiin ko na sana sila nang marinig ko naman ang ingay ng aking alaga. Natagpuan ko ito sa aking paanan na mahinang hinihmas ang ulo roon.

"Nakita ko sa pasilyo. Pinalabas ni Veron, kanina, para bigyan ng pagkain," mahinang saad agad ni Jairo na nakasunod kay Sero.

"Oh! Really? Thank you!"

Binuhat ko agad ang pusa at saka mahigpit na niyakap. Tumango lamang si Jairo, ngunit bago ito umalis ay binigyan ko ito ng halik sa pisngi. Nilagpasan ko na siya habang inaalo ang kuting na nilalaro ko ng aking daliri.

"Good morning tita." Panghahalik ko kay Tita Nieva, na mukhang nagulat sa ginawa ko.

Pumanhik na ako sa kusina upang kumuha lang ng maiinom, I'm not into breakfast, I prefer to eat in lunch.

Hindi na ako tuluyang nakapag-ayos ng aking sarili dahil inasikaso ko pa ang kuting. Tuluyan na ring dumating si Fred, na pormal na nakasuot ng polo, gaya ng lagi niyang sinusuot. Hindi ko ka muna siya tinawag dahil hindi ko maiwan ang pusa na nasa kusina, baka kung ano ang galawin niya.

Nang matapos ay iniwan ko na muna ang pusa kay Mildred at saka pumunta sa gawi nila Fred, kung na saan ang ibang kalalakihan.

"Let's go?" tanong ko.

Tumitig pa ito sa akin at saka nag-aalangan na tumayo. Ngumiti rin ito sa akin ngunit alam kong pilit iyon.

"Tayong dalawa lang ba?" tanong nito na tinanguan ko.

"Yes. Sa library na lang siguro tayo. Tahimik naman doon," sagot ko habang tinititigan ang mga papel na hawak ko na galing sa kaniya.

"G-Ganyan lang ang suot mo?"

"Yes. Nandito lang naman tayo sa bahay," ngiting sambit ko pero napansin ko rin ang tingin ng iba. Kinunotan ko ang mga ito dahil umiling si Lucas na nakatingin kay Fred.

"W-Why? May problema ba? Gusto mo ba sa office mismo?"

"A-Ah, hindi. Ano kasi, mas maganda kung, ano, kun—"

"Better to change your clothes, ija. May meeting kayo ng Fred. Be formal, as you always said," mahinang singit ni Tita Cecil na ikinatango ko nang dahan-dahan.

Napatingin rin ako sa sarili ko. Maikli lamang ang aking short at nakalitaw ang aking mga hita, gano'n din ang manipis kong sando. Bumalik ako ng tingin kay Fred na tumango sa akin.

"Okay. I'll be back in a minute."

Nagpalit agad ako ng damit, nagsuot na lang ako ng t-shirt at mahabang pang-ibaba. Ngayon ko lang din napagtanto na nakakahiya pala ang nangyari kanina. I wore a clothes that was almost revealed my body.

Dumiretso na ako sa library dahil naroon na raw siya. Nang makarating ay natagpuan ko itong nakaupo sa swivel chair at agad na napatingin sa akin.

"Sorry kanina."

"Ayos lang. Hmm, nandito na lahat ng kailangan mo."

Inabot nito sa akin ang brown envelope na may makapal at manipis na mga papel.

"Si Mrs. Aiva ang makikipagkita sa'yo, normally kasi, yong secretary niya ang nagpapakita sa mga deal na nangyayari. Pero ngayon, siya ang mismong makakausap mo lalo na't sa Cruise Ship mangyayari ang pirmahan. Maraming mga negosyante ang pupunta roon, mukhang naroon din sila Sevein at sila Von. Halos lahat," mahabang sanaysay nito.

Napatango ako rito dahil base sa mga sinabi niya ay nakasulat sa mga binabasa ko. A Victorian Ship. Hindi na ako magtataka. Karamihan sa mga negosyante ay pinanglalandakan ang mga bagay na mayroon sila para lang makahakot ng mga investors at kliyente. Iba pa rin ang mga kumpanya na nilalapitan talaga at kulang na lang ay triplihen ang bayad.

"Makakapunta ba si tito?" tanong ko saka muling binuksan ang isang envelope.
,
"Wala siyang sinabi. Pero ang alam ko, hahabol siya. Pipilitin niyang siya ang makapunta, pero kung hindi kakayanin ikaw na lang ang gumagawa niyan. Discussion lang naman ang mangyayari. Then, nasa iyo na raw kung pipirmahan mo," mahinang sabi nito.

Agad akong kinabahan. Ngumiti lang ako para hindi niya mahalata iyon. Malaking pangalan ang kahaharapin ko sa araw na iyon. This is the big advantages para makakuha kami lalo ng mga kliyente. But I have to be fair, and unfair at the same time. Parehas kaming may makukuhang benipisyo sa isa't-isa.

"I understand. Wait, tatawagan ko lang si tito," ngiting wika ko na nginitian niya.

Lumayo ako nang kaunti sa kaniya upang makausap si tito. Ngunit maka-ilang beses ko na siyang tinawagan pero wala pa rin. Sumuko na ako dahil baka nakapatay ang telepono niya. 

Muli akong bumalik sa pagkakaupo at doon napansin ang dalawang VIP card. Magkalapit lang ang numero at mukhang magkasunod lang. This is for room, and the other one is a ticket.

"Baka mamaya ko na lang aralin ang iba kapag natawagan ko na si tito. For now, let's eat. Sumabay ka na sa amin mananghalian. For sure, tapos na sila tita magluto."

Ngumiti lang ito sa akin at tinulungan na akong ayusin ang ibang gamit. Tahimik lang talaga siyang tao, nagiging madaldal lang kapag nandiyan sila Maru at iba niyang mga kaibigan. Si Fred ang madalas sa mansyon unlike kay Lou, na naka-destino sa Thailand. Kaya si Fred din ang inaasahan ni tito.

Nang makababa ay bahagya pa akong sinalubong ng malaking aso ni Mildred. Hindi naman siya nakakasakit dahil kapapanganak pa lang ng aso nito noon ay pinapasyal na niya ito rito, para maging pamilyar sa amin. Natakot lang ako dahil katabi nito ang aking pusa na nakatitig sa kaniya.

"Tapos na kayo?" tanong ni Sevein na binuhat agad si Sero.

"Yep. Why?"

"Wala lang. Ang bilis naman ata."

Tumawa lang ng mahina si Fred saka nilaro ang aso na nasa hagdanan, bahagya niya ring kinuha ang telepono saka nakangiting humarap doon.

"Maru, aso oh. Uuwi ka rito?" tanong ni Fred saka tumawa nang tumawa.

Napangiti na lang ako at agad na kinabahan nang magtama ang mata namin ni Sevein, nakakunot ito pero nakangiti rin. Binigyan ko lang ito ng nagtatakang tingin dahil may ibinulong ito kay Sero, at saka lumayo sa akin.

"You like him?"

Isang tanong na nangagaling sa aking gilid kaya ako napalingon. Nakangiting nakatingin sa akin si Kelly, at panay ang lipat ng tingin kay Sevein, na tinatapik nang mahina si Sero, na parang sanggol kung ituring.

Tumawa naman ako nang mahina sa harap nito. I don't know what's in her mind to ask me about that.

Hindi ko mabasa kung ano ang nasa kaniyang mga mata. Halatang gusto niyang malaman kung ano ang totoo.

"Of course..." ngiting sabi ko saka lumingon kay Sevein. "Not."

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon