Kabanata 53

24 1 0
                                    


"Ayos ka lang ba talaga? Hindi na lang ako papasok, Ren—"

"Pumasok ka, ayos lang ako."

Pinilit kong ngumiti sa lalaking kanina pa ako tinititigan at palakad-lakad sa aking harapan. Dahan-dahan itong lumapit sa akin saka sumilip sa bintana.

"Maaga akong uuwi mamaya, ibibilin na lang kita kay Nanang," sabi nitong hinalikan ang aking pisngi. "I love you."

"I love you," ngiting sagot ko saka niya isinara ang pinto.

Roon lamang akong nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay wala na siya. Hindi na niya makikita kung paano ako ngumiwi sa tuwing kumikirot ang aking balakang, ilang linggo na akong nagsusuka at sumasakit ang dibdib, mabuti na lamang at nangyayari lang iyon kapag wala siya. Plus the fact that I don't have an interest now in sex thingy. I know he thinking too much because of my behavior.

I'm delayed for almost two months! Oh Fred!

Pinilit kong makabangon sa higaan at sinimulang mag-ayos ng mga kumot. Nakatambak na rin ang mga labahin na ipagbubukas ko na lang siguro. Naging abala rin kasi si Fred sa pag-aayos ng dingding sa kwarto dahil puwede raw na magiba iyon kung hindi agad maaayos. Napansin ko ang mga kalyo sa aking kamay, for the first time in my life that I have this kind of stuff, masyado akong nawili sa pagbuburda na pinagkakakitaan ko, tinuruan ako ni Nanang at alam ko na kung bakit mahilig si Veron sa mga designs dahil sa sobrang gaan sa mata. Napanguso na lang ako nang matapat ako sa salamin, may umbok na ang aking tiyan at hindi ko alam kung napapansin na ba iyon ni Fred dahil madalas niyang hinihimas iyon.

Tuwing gabi ay alam kong sinusubukan niyang magtanong tungkol sa tiyan ko pero hindi pa ako sigurado. Mas lalo pa akong na-stress nang malaman ko na posibleng walong buwan na lang o isang taon na lang at matatapos na ang pabrikang ginagawa. Malaki ang pisibilidad na mawalan na naman siya ng trabaho.

Matapos kong makapaglinis ay kahit tanghaling tapat, pumunta ako sa bahay ni Nanang, may buhat iyong bata na kaniyang pinapatulog kaya hindi ko alam kung tutuloy ba ako. Tumalikod na lang ako at baka mamaya na lang bumalik pero narinig ko agad ang boses nito.

"Ija? May problema ba?" tanong nito kaya ako napaharap.

Kurot-kurot ang aking daliri at saka ngumiti sa kaniya. Hindi ko alam kung problema ba ang isang 'to dahil hindi ako nakapaghanda, although alam kong ganito ang mangyayari dahil wala kaming proteksyon ni Fred habang ilang beses na ginagawa iyon.

"Puwede ko po ba kayo makausap? Kahit sandali?" tanong ko.

"Oo naman, halika't pumasok ka sa loob, ibibigay ko lang ang batang ito sa kaniyang ina," alok nito na hinila ang aking kamay.

Mahilig sa bata si Nanang, malimit kong makita na nilalaro at inaalagaan niya ang mga bata sa lugar namin. Simple lang ang bahay nila, kumpleto ang mga gamit na mukhang luma pa. Hindi rin nagtagal ay bumalik si Nanang na may dalang maliit na garapon at kulay berde ang laman nito, malayo pa lang ay sobrang bango na.

"Halika't, mahiga ka muna. Mukhang alam ko na ang pinunta mo rito, naghihintay lang akong kausapin mo."

Literal na napamaang ako dahil sa sinabi niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniyang sinabi, nahiga ako sa malambot na bagay at saka niya nilagyan ng gamot ang aking tiyan, mabango ang aromang iyon at banayad na hinimas sa aking tiyan.

"Alam ba ng iyong asawa na buntis ka? May umbok na rin ito kahit papaano," nakangiting sabi nito na inilingan ko.

"Hindi po kasi ako sigurado Nanang, e, baka umasa lang po yon, pero dalawang buwan na po aking hindi dinadatnan," sagot ko na kaniyang ikinatigil.

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon