Kabanata 18

12 4 0
                                    

Sinikap kong maagang gumising upang asikasuhin ang ilang bagay. Hindi rin naman ako nakatulog nang maayos dahil sa rami ng iniisip ko. O baka talaga iniisip ko ang mga bagay na iyon na matagal ko nang tinatakasan.

Hindi ako sigurado kung makakasunod ba sa akin si Nikasha, sa opisina. Nagpaalam kasi ito na may lakad sila ni Maru, kaya hindi na rin ako kumontra. Wala akong masyadong gagawib maliban na lang sa kausapin ang ilan sa mga empleyado namin na baka ma-huli ang pagdating ng mga sweldo nila.

Isang mahinang pagkatok ang narinig ko mula sa pinto kaya dali-dali akong tumayo upang buksan iyon, bumungad sa akin si Kevin, nakaayos ito at pormal na pormal ang suot. Ngumiti ito sa akin na sinuklian ko rin ng pag-ngiti.

"Pasensya na nahuli ako, si lola kasi e," nahihiyang sabi nito na tinawanan ko lang nang mahina.

"Wala yon, upo ka muna rito. Ayan na ba lahat? Bakit ang bilis naman ata?" pagtataka ko sa kontratang pinasuyo ko muna sa kaniya upang ipapirma sa may-ari ng Defg hij Company na pagmamay-ari ng isang Singaporean, na naka base lang din dito.

"Ewan ko rin kung bakit pumayag agad. Gusto ka pa nga niyang makausap ng personal o di kaya ang tito mo. Overall, maayos naman ang lahat, kaso nga lang, gusto sana niya na magsimula agad this month," mahinang sabi nito na ikinaalarma ko.

Naupo ako sa swivel chair at saka tiningnan ang mga dokumento. Magandang simula na rin ito lalo na't maraming bumibili ng mga property, hindi ko lang maiwasang magtaka dahil masyado silang nagmamadali, na halos ilang buwan kung abutin ang mga dokumento bago magsimula.

"Gagawa sila ng pabrika, malapit ito sa Sejas River, idurugtong nila iyon sa kalapit na lupa na binili nila, sampung ektarya ang lawak ng pabrika at iba pa yon sa bibilhin nila sa atin," pagpapaliwanag nito.

Hindi ako puwedeng pumirma na lang agad. Masyadong nakapagtataka lalo na't pabrika iyon at sa tabi pa ng ilog. Maraming iba't-ibang likido ang puwede nilang ilabas na diretso roon at pwedeng ikasira ng ilog.

Pero negosyo ito. Kailangang naming magbenta, pero paano ang mga taong nakatira malapit doon?

"Pag-aari ng gobyerno ang lupa roon diba? Paano sila gagawa non kung sakop ng sampung ektarya ang mga taong nakatira doon?" pagtataka ko at wala na akong nakuhang sagot.

Hindi na rin ako nagsalita at mas lalong inisip ang mga puwedeng gawin. Mas lalong nagulo ang utak ko dahil dito, sayang naman kung tatanggihan namin siya dahil malaki rin ang puwede naming makuha roon. 

Imbes na makipagtalo ay nagpasya na lang akong ipahinga ang aking utak. Umalis na rin naman si Kevin, kaya mananatili na lang ako rito ng ilang oras at hintaying magdilim.

"M-Magpapaliwang ako, Ren. Hindi ko alam ang mga nangyari—"

Umalingawngaw ang isang boses ng lalaki sa aking utak, literal na hindi ko naimulat ang aking mga mata dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay nagliliyab ang aking katawan sa tuwing naririnig ang boses niya. Para akong minumulto.

"M-Maniwala ka sa akin, hindi ko alam. Wala akong alam sa mga nangyari, maniwala ka sa akin. S-Sorry, hindi ko alam..."

"F-Fred," mahinang anas ko kasabay nang aking pagmulat.

Halos sumasabay ang paggalaw ng aking balikat sa aking dibdib, dinaig ko pa ang tumakbo na ilang kilometro para hingalin ng ganito. Agad kong pinunasan ang aking noo na namamasa na at saka tumindig. Gano'n na lang ang pagkatuliro ko nang maalala ang mga sinabi ni Veron sa akin noon bago ako umalis.

"Basta, ayan na ang mga suotin mo. Bagay naman sa'yo lahat e. Wear your confidence pa rin noh. Tapos pala, nilagyan ko ng camera yong wallet mo pati damit mo, para naman makita ko yong lugar hihi..."

The Rain Calmness | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon