Chapter 41: What Went Wrong

3.7K 121 17
                                    

#TEGR Chapter 41: What Went Wrong

 W A R N I N G

*Joke lang. Hahaha.

Her lips parted as she stared at his warm hand holding hers. Agad na binawi niya ang nanlalamig na kamay. Ilang beses niyang namura ng paulit-ulit si Adrian sa kanyang isip.

What does he think he’s doing?

Binabawian ba siya nito?

“I’m not used to wearing jewelries.” Dahilan niya nang tingnan niya si Clyde. Sa klase ng tinging ibinibigay nito sa kanya, ay alam na niyang, hindi totoo ang sinabi niya. Ayaw lang niyang mapahiya si Clyde sa harap ng mga kaibigan nila.

She didn’t want to wear the ring. It only reminds her of her mistakes. Gusto niyang mabuhay ng parang isang normal na Cindy, habang hindi pa dumarating ang araw na iyon. Isa pa, mas makakakuha lang siya ng atensyon kung makikita ng mga itong may suot siyang singsing.

“I understand. But that doesn’t mean you’re not wearing it soon.” Tumango siya nang bigyan siya nito ng mapag-unawang ngiti. She heard Adrian snorted. Bumaling siya rito at sinamaan ito ng tingin.

“What?” Asik niya.

“What?” Balik-tanong din nito.

Pa-inosente pa ang sira-ulong to.

“O’ wag niyong sabihing mag-aaway na naman kayo? Awat na.” Paalala ni Avi.

Bumaling si Adi sa bintana na tila ba may ka-intere-interesanteng bagay roon. Pinakatitigan niya ito at hindi niya malaman kung namalikmata lang ba siya nang makita ang repleksyon nila sa bintana.

Napakislot pa siya nang akbayan siya ni Clyde. Naalis ang paningin niya kay Adrian nang lumingon siya kay Clyde. Hindi na siya nagtangka pang bumaling ulit roon ngunit hindi naman matigil ang utak niya sa pag-iisip sa nakita niyang repleksyon sa bintana.

‘Weird. I think  I saw him staring at me.

Nasa isang cottage sila nina Avi matapos nilang takasan ang mga lalakeng kasama nila. Hindi na sila nag-abalang magpaalam pa. Sigurado naman kasing aarangkada na naman ang pagka-clingy ng hinayupak na si Chance kapag nagkataon. Ayaw niyang may asong susunod-sunod sa kanila.

“So mag-e-explain ka na ba o sa dahas pa kita dadaanin?”

Tiningnan niya ito. Both of them were wearing a bikini with a shirt over and shorts. Nakaupo sila sa papag na naroon. Mukhang oras na para aminin niya ang lahat rito. Bumuntong-hininga siya at hinarap ito.

“Bago ako magsalita, magpramis ka muna na patatapusin mo ang lahat ng sasabihin ko, iintindihin kahit hindi mo maintindihan at please, wag ka sanang magagalit.”

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon