#TEGR Chapter 2: Call Him Maybe
Kanina pa siya nagcoconcentrate sa pagkakabit ng beads sa gown na hawak niya. Siya na ang gumawa nyon upang makahabol sila sa deadline. Masakit na ang batok niya sa kakayuko at ang daliri niya sa di na niya mabilang na pagkakataong natusok siya ng karayom. Samantalang ang bespren niya, ayon at kanina pa wala sa sarili. Panay ang sulyap nito sa pintuan at panay din ang kakabubuntong-hininga. Siya man ay napabuga na rin ng hangin sa ginagawa nito. Sandaling tumingala siya upang maibsan ang pananakit ng kanyang batok bago sandaling sinulyapan itong muli. Nakatingin na naman ito sa pintuan. Naiiling na ipinagpatuloy niya ang ginagawa.
“Bespren, malala ka na.” Hindi ito nagsalita. Nagpatuloy naman siya. “If you missed him, then see him. Ilang araw mo nang tinitiis yan.” Muli, hindi ito kumibo. Sintayog talaga ng puno ng niyog ang pride nito. Sa hula niya ay tanging pride nalang nito ang naiwang dahilan sa ginagawa nitong pagtitiis na hindi makita si Chance. Sigurado naman siyang alam nito ang balitang nagkasakit ang lalake. Hindi lang siya siguro kung alam din nitong nagkasakit ang binata ng dahil rin rito. Ilang minuto pa ang lumipas nang untagin siya nito.
“Cindy.” Hindi na siya nag-abalang tingnan ito. Ramdam naman niyang nakatitig ito sa kanya. Nagising na kaya ito sa katotohanan?
“Yep?”
“Nababaliw na ata ako.” Hindi niya napigilang matawa sa sinabi nito. Nilingon niya ito at nakitang nakasimangot ito sa kanya. Marahil ay iniisip nitong pinagtatawanan niya ang dilemma nito. Which is, somewhat true.
“Nababaliw ka na nga.” Tatawa-tawang saad lang niya. Hindi na niya iyon dinugtungan. Hahayaan nalang muna niyang i-figure out nitong mag-isa ang dapat nitong gawin.
“Yon lang?” maang na wika nito. Napataas ang kilay niya. Sinulyapan niya ito sandali mula sa ginagawang pagkakabit ng beads.
“Anong yon lang?”
“Yon lang ang sasabihin mo?” Napakunoot ang noo niya. Bahagya pa siyang napangiwi dahil masakit na talaga ang leeg niya. Ibinaba na muna niya ang ginagawa. Ah… masakit na talaga ang batok niya. Hinilot niya muna iyon sandali saka bumaling rito. Halata sa ekspresyon nito ang pagkabalisa at pagkalito. Gusto nalang niya tuloy na matawa sa kaibigan. Malayong-malayo ito noon sa Avi na kilala niya. Halos isumpa pa nito noon si Chance na kulang nalang ay ipatapon nito ang lalake sa tribo ng mga aswang. Ngunit tila bigla nalang na-shake ang mundo at nauntog ito. Hinahanap-hanap kasi nito ang presensya ng lalake.
“Avi, just what exactly is your problem? Ang gulo mo na kausap.” Sagot niya rito. Natigilan ito at lalong lumalim ang kalungkutan ng mga mata nito.
“I don’t know. I don’t know Cindy.” Tila nanghihinang napasandal ito sa kinauupuan. Hawak-hawak pa din nito ang lapis nitong pinangguguhit sa mga obra maestro nito. Nitong mga nakaraang araw kasi ay ayaw na nitong naglalagi sa opisina nito. Kaya naman doon sa opisina niya ito nag-aala-iskwater. Tumingala pa ito sa kisame ngunit tila hindi naman kisame ang nakikita nito. Siya man ay nakitingala din. Wala naman siyang nakikitang butiki sa itaas. Wala namang butas roon. Wala ring langgam na nag-aala-spiderman. Siguradong siya man ay maa-amaze kung sakaling sa kisame pa siya makakakita ng langgam. Nagkasya na lamang siya sa pagsandal sa kanyang kinauupuan at pagtitig rito habang tila ini-examine nito ang kabuuan ng kisame nila.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||