#TEGR Chapter 19: Think About It
Gaya nga ng iniisip niya ay hindi siya dapat sumama pa roon. Hindi siya dapat naroon. Walang dahilan para umapak ang mga paa niya sa lugar na iyon. Nakaupo sila malapit sa unahan ng stage. Katabi niya sa upuan si Adrian habang katabi naman nito sa kabila si Christina. Ramdam na ramdam niya ang sampal ng pagka-out of place. Paano ba naman ay lahat ng nakikita niyang naroon ay nakasuot ng mamahalin at magagandang damit. Nakaayos ang mga ito na tila pinaghandaang mabuti iyon. Samantalang siya ay simpleng blouse at slacks lang ang suot. Para siyang isang dukha na itinabi sa mga maharlika. Hindi naman problema ang ayos ni Adrian. Nakabusiness suit ito at dalang-dala iyon. Hindi na tuloy niya maiwasan ang mailang at maconcious.
Nakadagdag pa sa pagkailang niya na tila isa siyang ligaw na kaluluwa roon. Oo nga, naliligaw na ang kaluluwa niya roon sapagkat hindi siya dapat naroon. Ngunit pakiramdam niya ay dinaig pa niya ang multo sapagkat hindi man lang makita o maramdaman ang existence niya sa naturang lugar. Halos buong show ay si Christina at Adrian lang ang magkausap. Hindi naman siya nag-abala pang makisali sa kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito. Napapabusangot lang talaga ang mukha niya sa maya’t mayang paghahagikgikan ng dalawa samantalang heto siya at basang-basa sa umuulang self-conciousness niya.
Nakahinga din siya ng maluwag nang matapos ang naturang fashion show na siya palang inorganisa ni Christina. Pinilit niyang ngumiti at pasiglahin ang aura nang pasalamatan siya nito sa pagpunta. Ayaw naman niyang isiping hindi siya nag-enjoy, kahit iyon pa ang totoo. Pagkatapos ng lahat ay pinaghirapan nito iyon.
“CM, can I talk to you for a second?” Nakangiting wika nito nang paalis sila. Napatingin siya kay Adrian na kay Christina nakatingin. Napabuntong-hininga siya pagkuwan nang magbawi ng tingin rito. Ano ba kasing itinitingin niya?
“S-sure.” Sagot niya. Iginaya siya nito sa isang sulok kung saan wala masyadong tao. Abala ang lahat sa kanya-kanyang pagbabatian at pagpupurihan.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, CM, may itatanong kasi ako sayo. Wag ka sanang magagalit.” Panimula nito. Napalunok naman siya. Anong itatanong nito?
“A-ano ba yon?” Kinakabahang tanong niya. Tila nag-alinlangan pa ito sandali. Ibinuka nito ang bibig upang magsalita ngunit agad din iyong isinara na tila iniisip kung anong salita ang gagamitin. Huminga muna ito ng malalim pagkuwan bago itinuloy ang sasabihin.
“Wala ba talaga kayong relasyon ni Adrian?” Natigalgal siya sa tanong na iyon. Bakit ba lahat nalang nag-iisip na mayroong something sa kanilang dalawa? Dahil ba isinama niya itong date niya? Dahil ba magkasama sila ngayon? O dahil madumi lang talaga mag-isip ang mga ito?
“Ano bang klaseng tanong yan, Cris. Akala ko naman napakaseryosong bagay yan.” Tumawa pa siya ng bahagya. And yet it came as a nervous laugh. She tried to make the atmosphere light.
“Seryoso kasi para sa akin to, CM.” Pinakatitigan niya ito. Walang bakas ng pagbibiro o panunudyo sa mukha nito. Patay, mukhang may napasok na naman siyang gulo. Wala na siyang nagawa kundi ang magpakaseryoso.
“Cris, I don’t know but why do I feel like you’re interested with… that guy?” Nag-iwas ito ng tingin. Napabutong-hininga siya. Sinasabi na nga ba niya.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomansaScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||