#TEGR Chapter 48: Inebriated Confession
Pinagmasdan ni Cindy ang kwarto niya. Ilang taon din siyang nasanay na natulog roon. Hindi niya akalaing mamimiss din pala niyang makita ang kwarto niya. Iiwan niya ang ibang gamit niya. Nakapag-empake na rin siya at sa tingin niya nakuha na lahat ng kakailanganin niya.
Inayos muna niya ang kanyang kama. Hindi niya alam kung ilang taon ang bibilangin niya para makabalik ulit roon. O baka nga hindi na. Hindi niya alam.
Hila-hila ang mga bagahe niya ay lumabas siya ng kwarto at isinara iyon. Hindi niya napansing naipit ang manggas ng kanyang damit dahilan para matastas iyon. Dismayadong napatingin siya sa kanyang damit. Paborito pa naman niyang damit iyon.
Bumalik siya sa loob ng kanyang kwarto at dumiretso sa kanyang cabinet. Doon nalang siya kukuha ng panibagong damit kaysa maghagilap pa siya sa mga damit na nasa bagahe niya. Magugulo lang ang mga damit na naempake na niya. Pagkabukas palang niya ng cabinet ay kaagad na hinagilap ng kanyang mga mata ang damit na matitipuhan niyang ipangpalit. Hindi sinasadyang dumako ang paningin niya sa ibaba kung saan nakasuksok ang isang pamilyar na shoe box.
Imbes na kunin iyong puting blouse na nasa harap niya ay yumuko siya at kinuha ang lumang shoe box. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang dati niyang gamit na black shoes noong nasa high school pa siya. Iyon din ang parehong sapatos na ibinato niya sa nagsusunog-bagang si Adi noon. Luma na ang sapatos na iyon. Halatang napaglipasan na ng panahon.
Nawala na rin sa isip niya ang tungkol sa sapatos. Six years na ding naglulungga sa cabinet niya ang shoe box na iyon. Panahon na siguro para patahimikin niya ang alaala non. Kumuha siya ng malinis na papel at nagsulat.
To that human being who suffered a lot from me:
I forgot to say 'I'm sorry'. And I am. Sorry for all the trouble, for being a bother and a constant headache. Although, I wasn't really sorry for being a part of your tale, cause I guess, all stories are meant to be created. They only differ with how they ended. Some are tragic. Some went well. And some are just left unanswered of what could have been. And maybe, we're just too lucky; we belong in the last category.
PS: It'll get better soon. Believe me.
-C.
Itinupi niya ang papel at inilagay sa loob ng shoe box. Ngayon, ang kailangan nalang niyang gawin ay ang ilibing iyon kasabay ng lahat ng alaala na kaakibat niyon.
Puno ng pag-aalala ang mukha ni Avi nang dumating si Chance. Kaagad na nilapitan niya ito. He doesn't want to see her that way. Looking at her, she's clearly on the verge of crying.
"Chance, anong gagawin ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko e." Nahihirapang wika nito.
"Hush, Avrill. Everything will be okay, trust me." He hugged her tight to give her assurance. Nang humiwalay siya rito ay tila kumalma na ito ng kaunti. "Now, where is he?" Tanong niya na ang tinutukoy ay si Adi.
"He's in his room. Kanina ko pa siya pinipilit na tumigil na pero parang wala siyang naririnig."
"Kakausapin namin siya. Don't worry, okay?" Tumango-tango ito. Nakarinig sila ng paparating na yabag. Sigurado siyang si Rain na iyon.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||