#TEGR Chapter 35: Soaked
Saturday.
Matapos niyang diligan ang mga halaman na nasa mga paso ay agad siyang naligo at nagbihis. Nalaman kasi nilang nagkasakit si Alex. Alam din nilang naroon na si Rain at inaalagaan ito. Marahil ay malapit na rin itong atakahin sa puso sa pag-aalala. Knowing Rain and his sick overprotectiveness when it comes to Alex.
Nagdesisyon silang dalawin si Alex sa bahay nito. Nauna na roon ang magkapatid na Montez kasama si Chance. Sinabi naman niyang susunod siya. Kailangan lang talaga niyang diligan ang mga naghihikahos sa tubig na mga halaman niya.
Halos mapatalon siya sa gulat paglabas niya ng pinto. Napahawak pa siya sa hamba ng pintuan at gulat na nakatingin kay Adrian.
“What are you doing here?”
“Sinusundo ka.” Tumaas ang kilay niya. Agad naman nitong dinugtungan ang sinabi. “Utos ng kapatid ko.” Kaswal na sagot nito.
“Ang sabi ko kay Avi, susunod ako, hindi magpapasundo. Saan sa mga sinabi ko ang hindi nyo naintindihan?” Maang na napatingin siya rito.Umayos na din sya ng tayo.
“Ano pa bang ginagawa mo rito?” She just rolled her eyes off him.
“I have just watered my plants. Masama?”
“Plants?” Ulit nito. Tumingin ito sa paligid at maang na tiningnan siya bago itinuro ang mga halamang nasa paso.
“You call these plants? Sigurado ka ba? They looked like fertilizers to me.” Naningkit ang mga mata niya rito.
“Fertilizers?”
“Fertilizers. Pataba sa lupa. Hindi mo ba nakikita? Tuyot na tuyot na. Mas mapapakinabangan pa to ng lupa kaysa tawaging halaman.” Lumapit pa ito sa isang paso doon at tiningnan iyon.
“Hoy Adrian, wag mong nilalait ang mga halaman ko. Kapag nalanta yang mga yan, ikaw ang gagawin kong fertilizers.” Masungit na sagot niya.
“Wag mo akong sisihin kung malanta yang mga halaman mong matagal nang malnourished.” Aapila palang sana siya nang tawagin nitong malnourished ang mga halaman niya nang maglakad ito palapit sa kanya.
“Tara na, mamaya ka na magluksa sa mga halaman mo.” Hinablot nito ang kamay niya at kinaladkad siya palabas.
“Teka nga! Let’s get this clear, hindi malnourished ang mga halaman ko.” Pagpupumilit niya.
“If you say so. Now how about we drop this discussion about your dying malnourished plants?” Sinuntok niya ang braso nitong kumakaladkad sa kanya. Tumigil sila sa kotse nito pagkuwan.
“Damn it, Adrian! Hindi nga sila malnourished!” Ngumisi lang ito sa kanya bago siya itinulak papasok sa loob ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomantikScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||