Chapter 4: X, Why And Z

4.9K 124 6
                                    

#TEGR Chapter 4: X, Why And Z

“Lea, ikaw nang bahala rito ha? Iiwan ko na sayo to. You know what to do.” Binigyan niya ng tipid na ngiti ito nang tumango ito sa kanya. Kinuha nito ang mga bagong design na hawak niya bago siya nito tinalikuran. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha. Dapat talaga kanina pa siya nag-ipit ng buhok. Hindi bale at pauwi na rin naman siya. Hinablot niya ang kanyang bag sa isang tabi at tumalikod na upang magtungo sa pinto nang bigla nalang siyang halos tumilapon sa pagkakabangga sa isang matigas na bagay.

“Ack!” Nagulat pa siya nang may biglang umabot sa braso niya dahilan upang hindi siya matuluyan sa pagkakatumba. Magpapasalamat pa lang sana siya rito ngunit agad din niyang binawi sa isip ang kalokohang iyon nang mapagtanto niya kung sino iyon. Binawi niya ang braso rito.

“Bakit ba kasi paharang-harang ka diyan?” Inis na sabi niya. Lalagpasan palang sana niya ito nang agad din itong humarang sa daraanan niya. Tinaasan niya ito ng kilay.

“Do you mind?”

“I do. In fact, a lot.”

“Ano na naman bang problema mo?” Pinagkrus pa niya ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. Ni hindi man lang ito natinag sa pagkakatayo sa harap niya.

“Ikaw ang may problema satin rito.” Maang na itinuro niya ang sarili.

“Ako? Paanong ako?” Napapraning na ata ang isang ito. Siya pa ngayon ang may problema. Hindi naman siya ang humaharang sa daan ng iba. Lalong hindi naman sila naglalaro ng patintero. This is getting ridiculous!

“Oo. Ikaw. Ikaw yong bumusina kanina samin ni Lalie.” Crap. Namukhaan ata siya nito. Balak lang naman sana niya itong asarin. And it looks like she has succeeded. He looks really pissed off. Big time.

“Sino?” Painosenteng tanong niya. Sinubukan niyang muling lagpasan ito ngunit muli lang itong humarang sa kanya. Sinubukan niya sa kabila, ganoon lang din ang ginawa nito. At nagsisimula na siyang mairita rito.

“Padaan nga!” Inis na wika niya.

“You’re not going anywhere. Hindi pa nga tayo tapos mag-usap.”

“Ano na naman bang pag-uusapan natin? Lagi nalang tayong nag-uusap!” Inis na wika niya. Alam niyang nakuha na nila ang atensyon ng ilang kasama nila doon ngunit wala na siyang pakialam. Sanay naman ang mga ito sa ganoong eksena nila.

“Eh ano bang gusto mong gawin natin?” Agad na lumipad ang tingin niya rito. She doesn’t like that teasing tone he’s using. And she doesn’t like where this converstation is going.

“Ewan ko sayo. Tabi!” She shoved him away as she walked passed him.

“Cindy, you can’t just turn your back on me. We’re not yet through!” Hindi niya ito pinansin, bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Malapit na siya sa kanyang kotse nang pigilan siya nito sa isang niyang braso.

“Ano ba?!” Angil niya rito.

“We’re not yet done!” Mariing sabi nito. Hinarap niya ito at pinakatitigan kasabay nang pagbitaw ng mga salitang agad din niyang pinagsisihan.

“Yes, we are!” She exclaimed. Pareho silang natigilan at nanatiling nakamasid sa isa’t isa. Sigurado siyang pareho lang sila ng iniisip sa mga oras na iyon. It was that thing six years ago. Nakamove on na siya ngunit lalong lumalala ang pagkairita niya rito sa bawat araw na nagtatagpo ang landas nila. Ito kasi ang nagpapaalala sa kanya ng mga bagay na dapat sana ay hindi na niya gaanong naalala. But no, she can still remember every little thing that happened. Malinaw na malinaw sa kanya yon. He’s making it hard for her to forget everything about it. Kahit pa sabihin niyang nakamove on na siya at kayang-kaya niyang harapin ito nang wala na siyang nararamdaman. Iyon na marahil ang pinanggalingan ng pagkairita niya rito.

“We’re not.” Nagulat siya sa isinagot nito pagkuwan. “And we will never be, unless you make it clear to me, why did you do that.” Tumawa siya ng pagak.

“Do what?” Hindi ito nagsalita. Nakatitig lang ito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mailing sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Sinubukan niyang kumalas sa pagkakahawak nito sa braso niya ngunit lalo lang iyong humigpit.

“Why Cindy? Bakit ginawa mo yon? When I can’t even think of a proper reason for you to do that to me!” Kinabahan siya. Hindi na niya nagugustuhan ang nangyayari. Ni hindi nga siya sigurado kung ano ba talaga ang tinatanong nitong ginawa niya.

“Adi, I don’t understand—“

“Yes, you do!”

“I don’t. So will you stop now?!” Hindi na niya napigilan pang tumaas ang boses niya. “Stop and let me go.” Mariing utos niya rito. Gaya ng inaasahan niya, ay hindi siya nito sinunod.

“You still hate confrontation, don’t you? Still the old Cindy huh?” Binitawan siya nito ngunit hindi niya napigilan ang pag-alpas ng galit sa sinabi nito. Wala itong karapatang magsalita na para bang kinilala siya nito.

“And you’re still the old demanding asshole, Adrian.”

“I never claimed to be a good guy, anyway.”

“You should be. You’ll never be good enough anyway.” She could see the shot of anger through his eyes. Mabuti nang magalit ito sa kanya para naman matuto itong dumista-distansya. Tinalikuran na niya ito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kanyang kotse malapit sa kanila. Hindi ito natinag sa pagkakatayo roon. Nang makarating siya sa kanyang kotse ay ibinukas niya ang pinto nyon. Bago siya sa pumasok sa sariling sasakyan ay naisipan niyang pagbigyan ito.

“And just so you know, pinagtitripan ko lang kayo kanina. It didn’t occur to me that you do cheap stuffs. Sa kotse na ngayon, Adi? Hindi ba pwedeng maghotel nalang kayo? Pasalamat ka nga, ako lang ang nakakita sa inyo. Paano nalang pala kung kasama ko ang kapatid mo?” She rolled her eyes off at him as she rides her own car. Pinasibad niya ang sasakyang iyon palayo rito.

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon