#TEGR Chapter 27: Meeting Valerie
“So how was the plan?”
“Going great. She’s great.”
Hindi na siya nag-abalang tingnan ito. Nanatiling nasa daan ang paningin niya. Di bale nang magka-stiff neck siya wag lang niya itong makita. Mas pipiliin pa nga ata niyang baliin ang leeg niya kaysa ang lingunin ito.
“Okay.”
“Ang tipid mo naman magsalita. Di ba dapat naghuhurumentado ka na diyan kung gaano kagaling tong makasaysayan mong plano?”
“Para magkaroon ka ng makasaysayang girlfriend? Oo. I’m just too damn tired. Bukas nalang ako magpa-party.”Nagkibit-balikat lang si Adrian.
Matapos nilang maihatid si Val ay pinalipat siya nito sa passenger seat. Nagmumukha daw kasi itong gwapong driver kapag nasa likod siya. Hindi rin mayabang.
“Wag muna.” Napakunot ang noo nya sa sinabi nito. “She isn’t my girlfriend, yet.”
Hindi na niya napigilang lingunin ito dahil sa sinabi. Tinaasan pa niya ito ng kilay.
“Bakit hindi pa? Don’t tell me, natotorpe ka? Wala sa hibla ng katawan mo ang ganong DNA, Adi.”
“Paano mo nasabi? Nahimay mo na ba ang bawat hibla ng katawan ko?” Sandali pa siya nitong nilingon. At nagawa pa talagang ngumisi sa kanya ng ungas.
Sira ulo talaga.
“Don’t start Adrian.” Naningkit ang mga mata niyang nakatingin rito.
“Okay. Whatever you say, Mam.”Iyon lang ang sinabi nito.
Saka lang niya naalala na ayaw niyang lingunin ito. Tahimik na bumaling ulit siya sa bintana at hindi na nagsalita. At ang buong byahe nila ay ganun-ganon nalang kung lamunin ng nakabibinging katahimikan.
Abalang-abala sila ni Avi sa pag-iinspeksyon ng mga yari nilang damit. Siya naman ay pinagtuunan ng pansin ang mga damit na handa na nilang i-deliver. Kailangan niyang siguraduhing maganda at pulido ang pagkakayari niyon. They were aiming for a good feedback from the customers. It is very necessary to make a good impression. And sure they were trying to convince them to buy again.
“Ayos na ang lahat ng to. Lea, ikaw nang bahala rito. I’m counting on you.”
“Yes, Mam.” Tango naman ni Lea bago isa-isang kinuha ang mga damit upang ikahon. Isinunod niyang i-tsek ang supply nila ng tela. Inilista niya ang mga uri ng tela at kulay na kakailanganin nilang bilhan ng bagong supply.
Dumating ang lunch break ngunit hindi pa rin siya natatapos. Nauna nang magbreak ang ilan sa mga empleyado nila. Nilapitan naman siya ni Avi.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||