Chapter 6: Ex, Y And Z

4.9K 104 5
                                    

#TEGR Chapter 6: Ex, Y And Z

Humihikab pa siyang nagtungo sa pinto ng kanyang silid kahit na nakapaghilamos na siya’t lahat. Pakiramdam niya ay gusto nalang niya ulit bumalik sa kanyang kama at tuluyang yakapin ang karisma ng antok na umaakit sa kanya. At oo, abnormal man kahit sa isipan niya, naaakit siya sa kanyang kama. Gusto niyang magpagulong-gulong doon at damhin ang kalambutan at init na hatid nyon. And yes, her bed is the best damn place in the world! It always offers her comfort and rest. Oh how she loves her bed!

Itinukod pa niya sandali ang ulo niya sa pinto. Nakikipagtalo pa siya sa isipan niya kung babalik ba siya sa kanyang kama o babalik nga siya. Wala siyang ibang choice, kung hindi lang sana nasagap ng kanyang ilong ang nakakagutom na amoy na iyon. Napadilat ang mga antok na antok na niyang mga mata. At lalong aware siyang lumalaki na ang bagahe ng kanyang mga mata sa bawat pagpupuyat niya sa trabaho.

“Ah… nagugutom na ko.” Napalabi siya. Gutom na siya. Ngunit tinatamad pa siyang magluto. Ano bang susundin niya? Ang isinisigaw ng katawan niya? O ang isinisigaw ng sikmura niya? Napabuntong-hininga siya pagkuwan. Lalabas na siya ng kanyang silid upang magluto at upang masimulan na niyang maglinis ng buong bahay. Weekend na kaya naman kailangan na niyang gawin ang mga gawaing bahay na nakasanayan na niyang gawin. Pati ang paglalaba ng kanyang damit ay pinatulan na rin niya. Kung tutuusin kayang-kaya naman niyang kumuha ng taong gagawa ng mga bagay na iyon para sa kanya. Ngunit pakiramdam niya ay lalo siyang tatamarin sa buhay kapag ginawa niya iyon. She needs to work out her muscle. Kahit pa tila nag-evaporate na ang mga maskels niya sa pagod.

At iyon nga ang ginawa niya. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kusina para lang mapasigaw sa nadatnan niya.

“Lintek ka Adi! Ba’t nandito ka?!” Turo niya rito. Her eyes widened. Just what the hell is he doing inside her house? Paano ito nakapasok? Paano ito nakapagluto? Paanong bagay rito ang apron na suot nito? Paanong— Lintek! Nasan na ba yong kutsilyo?!

“Goodmorning din!”

“What do you think you’re doing here?!” Malakas na tanong niya rito.

“Cooking?”

“Lintek! Alam ko! Hindi ako tanga!”

“Chill out. Sumasagot lang ako.” Naningkit ang mga mata niya rito.

“Well, sumasagot ka na parang tanga.” His lips formed into a thin line. Nameywang pa ito. She can’t help herself not to notice how good that poor apron look with him wearing it.

“I’m cooking you a breakfast, and this is what I get. Wow, you’re very much welcome, Cindy.”

“I didn’t ask you to!”

“Well, at least say thank you!” Nagtagisan sila ng titig at gustung-gusto na niyang batuhin ito ng mga platong nakahain sa mesa.

“Umasa ka forever.” Sagot niya. Naglakad pa siya papunta rito at binangga ito paalis sa counter kung saan ito nakasandal. “Tabi nga diyan!” Sumunod naman ito.

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon