#TEGR Chapter 42: I'm Done
She was on the edge of giving up. But then, she remembered her family. She remembered everything that happened. She remembered how things ended. It took all her might to pull away. Malakas na tinulak niya ito palayo. She was running out of breath when she looked at him.
“Stop it Adrian!”
“Oh, where’s the slap, Cinderella?” Pang-aasar pa nito. Kinuyom niya ang kanyang kamao ngunit nagtimpi siya. Hindi na niya papatulan pa ito.
“Tumigil ka na, Adrian. Tapos na ‘to. A little confession won’t change anything.” Mahinanong wika niya. Tumiim ang bagang nito.
“Well, it changes everything now, Cindy. Iyon ang hindi mo mababago.” Huminga siya ng malalim at tinitigan ito.
“I came here because you deserve to know. Hindi ako nandito para makipagbalikan. Wala ng tayo, Adi. Kahit kailan hindi na yun mababago.” Magsasalita palang sana ito nang muling magring ang cellphone niyang nababad na sa buhangin. Pareho pa silang napatingin roon. Yumuko siya at pinulot iyon. She answered the call.
“H-hello?”
“Where are you, Cindy? I’m worried, baby.” Tumingin siya kay Adrian pagkatapos ay umiwas rin.
“Naglakad lang ako. Babalik—“ Natigil sa ere ang sasabihin niya nang hawakan ni Adrian ang kamay niya. Pinilit niya itong bawiin. She glared at him. “Babalik na rin ako.”
“Sunduin kita?”
“Hindi na. Malapit na rin naman ako.” Sagot niya. Nang akmang magsasalita si Adrian ay mabilis niyang naitakip ang kamay sa bibig nito upang maagapan itong gumawa ng ingay. Tinanggal nito ang kamay niya.
“I’m hangin up.” Paalam niya kay Clyde bago pinutol ang tawag.
“Cindy.”
“What?” Inis na wika niya kay Adi. Hindi ito nagsalita kaya siya na ang nagsalita sa kanila. “This is over, Adrian. I’m trying to fix things. Wag mo ng guluhin ang mga bagay na magulo na. Isipin mo ang kapatid mo. Ayoko siyang madamay rito.” Naitikom nito ang bibig nang banggitin niya ang kapatid nito. She always knew, Avi was one of his weakness. He loves her sister so much, he’d do anything for her.
Isa pa, hindi rin malabong madamay ang mga ito kapag nakigulo pa si Adrian. This is not only about her and Clyde. It’s also about their families’ future relationship. Ayaw niyang malagay sa alanganin ang dignidad ng kanyang ama. She knew how much this means to their family. She can’t simply throw it all away.
She went back to the cottage. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya sa katatapos lang na paghaharap nila ni Adrian. But she must admit, to finally confessed everything about him, made her feel better. Pakiramdam niya nahulas ang bigat ng dibdib niya. Pakiramdam niya, she found peace by telling him her secrets.
Ngunit alam niyang hindi pa roon nagtatapos ang lahat. Ikinagulat rin niya ang biglang pagbu-burst out nito. She didn’t really anticipated his temper would go to that extent. He must really be angry ealier.
“Anong nangyari?” Usisa ni Avi sa kanya.
“Wag mo ng itanong.” Sagot niya. It should answer her question that things didn’t go well. Tinapik-tapik siya nito ng bahagya sa balikat.
“Okay lang yan. I’m sure, he’ll be okay.” Tumango siya rito. Pagkatapos ay natanaw na niya si Clyde na patakbong palapit sa kanya.
“He’s here.” Usal niya. Tumingin rin doon si Avi.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||