Chapter 25: You, First

3.4K 94 1
                                    

#TEGR  Chapter 25: You, First

Hindi na naalis sa pagmumukha niya ang pagkasimangot. Paano pa kaya siya makakaalis ng sarili niyang bahay matapos ng kalokohang pinagagawa ni Adi sa labas kanina? Siguradong pinagtsitsismisan na siya ng kanyang mga kapitbahay. Dapat siguro maghanap na siya ng bagong titirhan pansamantala o kaya siguro dapat ipadala na niya ng mas maaga sa hukay ang lalakeng kasama niya. Speaking of that devil, ang hinayupak, at home na at home pa sa paghiga sa kanyang sofa habang nanonood ng t.v.

Hindi pa pala siya nakakapaglaba. Lalong nalukot ang mukha niya sa naalala.

“So what did you cook?” Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig niya iyon. Nataranta siya’t bigla nalang napaharap, para lang magulat ulit. Tumambad sa kanya ang dibdib nitong humahapit sa puting shirt nito. Mukha siyang tangang natutok ang paningin roon. Parang biglang natunaw ang utak niya at humalo sa gripo niyang pawis.

“Well?” Napakurap-kurap siya sandali. Unti-unting umakyat ang paningin niya patungo sa mukha nito. And poof! Biglang gumana ang kanina pa naka-coma at inaagiw niyang diwa. Her eyes widened as she stared at him so close to her. Anak ng tupa! Kailan pa ito nakalapit ng ganoon nang hindi man lang niya namamalayan!

“Umatras ka nga! Ang lapit mo!” She blurted out. Malakas ang hampas ng puso niya sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Tila naghuhurumentado ito sa biglaang pagkakalapit nila. And damn, they were just few inches away! Pati hangin na nasa pagitan nila mahihiyang makiraan.

Nagkibit-balikat lang ito. Utang na loob, kailan ba ito makikinig sa kanya?

“I’m hungry, what did you cook?” Tanong pa nito habang nakapamulsang nakatingin sa kanya. Hayun naman  siya’t mukhang timang na nakatingala  rito. Bigla siyang nanlamig nang lumapit pa ito sa kanya. Awtomatiko naman siyang napaatras.

“A-ano bang ginagawa mo? Wag mo nga kong lapitan—“ Natigilan siya nang lagpasan siya nito. Napaawang pa ang labi niya habang paulit-ulit na minumura ang sarili.

Assuming mo te!

“Sigurado ka bang nakakain to?” Napapikit siya ng mariin ng marinig ang sinabi nito. Right, matapos niyang ipahiya ang sarili heto naman ito at ginagatungan pa siya ng pang-aasar.

“Makikikain ka nalang, ikaw pa ang arogante. Lumayas ka nalang ng bahay ko kung wala kang ibang masabing matino.” Magkasalubong na ang kilay niya nang harapin ito. Ito man ay bumaling ang mukha para harapin siya habang hawak-hawak ang takip ng kaserola.

“Chill out. Nagtatanong lang. Last time I checked, hindi ka marunong magluto.” Sagot nito. Sinamaan niya ito ng tingin.

“Lumayas ka na nga lang sa harap ko. Nag-iinit ang ulo ko sayo.” She shoved him away and decided to just prepare him food. Madalas wala siyang konsensya pagdating rito ngunit nangangalaiti talaga siyang patunayan ritong matino ang luto niya.

Narinig niyang humila ito ng upuan sa malapit na mesa roon.

“Pinag-iinitan mo kasi ako palagi, kaya hindi ko kasalanan kung nag-iinit ka na naman—“

“Adrian!” Putol niya sa kung ano pang sasabihin nito. Hindi lang talaga niya gusto ang naririnig rito. “Just shut up, okay?” She added. She glared at him. At ang hinayupak ay nginisian pa siya. Hindi naman siya nakarinig pa ng sagot rito na siyang ipinagpasalamat niya. Wala siya sa mood para makipagtalo o makipag-asaran rito.

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon