Chapter 7: A Woman Who Hits Like A Man

4.4K 95 2
                                    

#TEGR Chapter 7: A Woman Who Hits Like A Man

“I-check nyo yong waistline. Not curvy enough. Dapat humahapit yan sa katawan. We’re aiming to show the curves here.” Ibinigay niya ang cocktail dress na iyon kay Lea. 

“And what’s this? This is too tight for someone with a waistline of 29. Bakit ganito? Pakiayos naman.” Huminga siya ng malalim bago iyon pinakawalan. 

Ayaw niyang pagalitan ang mga staffs nila ngunit nagsisimula ng uminit ang ulo niya dahil sa lalakeng prenteng-prenteng nakaupo sa isang tabi at kanina pa siya hindi tinatantanan sa pagsunud-sunod nito ng tingin sa kanya. Magmula ng palayasin niya ito ng bahay niya ay hindi na siya nito tinigilan. Pangatlong araw na nitong ginagawa iyon at hindi na siya makapagtimpi pa.

“Ganyan ba lagi yang boss nyo?” 

“Po?”

“She’s a monster, isn’t she?” Nagpanting ang tainga niya sa pabulong-bulong ngunit rinig na rinig naman niyang si Adi. Ang kapal ng mukha nitong siraan siya!

“Hindi naman po, Sir. Mabait po sila ni Mam Avi.” He snorted. She tried to ignore him but it was no use. Kapag hindi niya ito pinapansin ay gumagawa naman ito ng napakaraming paraan upang inisin siya. Papansin talaga! Bwisit!

“Yes, my sister is kind. But that woman, over there? Tsk tsk. Mabuti pa ang dinosaurs, may evidence na nag-exist through the trace of fossils. Pero ang kabaitang taglay niya, hindi matetrace ng kahit na sino pang archeologist sa mundo.” Hindi nito namalayang nasa tapat na pala siya nito. Natahimik si Jen nang mapatingin sa kanya. Napayuko na lang ito at ipinagpatuloy ang ginagawa habang ang ungas na nasa harap niya tuloy-tuloy ang litanya tungkol sa kanya. Sinipa niya ang paa nito. 

“Aray! Ano bang—Oh hi Cindy!” Saad nito pagkuwan.

“Tapos ka na bang siraan ako? Pwede ka ng umalis.” She kept her face passive. He just crinkled his nose.

“Hindi pa e—Aray! Nakakarami ka na a!” Reklamo nito nang sipain niyang muli ito.

“Go away, Adi.”

“You should be telling that to Rain.” She pursed her lips and tried to be patient. 

“Isa pa, Adi. Sasaktan na talaga kita.” Banta niya rito.

“Hindi mo pa ba ginagawa?” Maang na wika nito. She narrowed down her eyes at him. “Fine. Just accept—“

“No.” Putol niya sa sasabihin nito. Bahala ito. Wala siyang balak na sumama sa kalokohan nito. Kalokohan na nga ang makipag-usap rito. Masisira lang ang buhay niya kapag sumama siya rito.

“Then enjoy my presence sweety.” Sisipain niya sanang muli ang paa nito nang iiwas nito iyon. “Na-ah. Wala bang nagsabi sayong hindi ka naman kabayo? Kanina ka pa sipa ng sipa. Ano bang meron sa paa ko at hindi mo matigil-tigilan?”

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon