Chapter 30: Who's Drunk?

3K 84 1
                                    

“Rain, isa pang banat mo, uupakan na kita.” Banta ni Cindy kay Rain.

Kanina pa kasi siya pinagtitripan ng hinayupak. Kung bakit ba naman kasi iniwan ni Alex sa kanila ang sira ulong iyon. Baka daw maiuwi ng mga bisita nito. Kapag nainis na talaga siya ng bonggang-bongga, ipapabalot na niya ito at ipapa-take out sa kahit na sinong unang mahagip ng mata niya.

“Why can’t you just admit that there’s something going on between you, two? You’re just too dense to see it.”

“Why can’t you just shut up and leave me alone?”

Tumawa ito.

“Naiinis ka dahil totoo.”

“Naiinis ako dahil ang kulit mo.” Magsasalita pa sana si Rain nang pasakan ni Avi ang bibig nito ng cupcake na naroon.

“Manahimik ka nalang diyan, Rain. Bago ka pa ipadala niyan sa pinakamalapit na punerarya dito.” Wika ni Avi. Natatawang nakikinig lang si Chance sa kanila. Napaubo-ubo lang si Rain sa ginawang pagpasak ng pagkain sa bibig nito ni Avi.

Inabutan naman ito ng tubig ni Chance.

Nagpapalinga-linga siya sa paligid nang may parating na waiter na may dala na namang mga kopita ng alak. Hindi na niya namalayan kung nakailan na ba siya nyon. Basta ang alam niya, gustung-gusto niya ang mainit na pagguhit nyon sa lalamunan niya. Akmang kukuha siya ng isa nang pigilan siya ni Avi.

“Cindy, that’s enough. I don’t wanna hang out with any drunk people tonight.”

“It’s okay, Avrill. Pwede naman natin siyang iwan sa kuya mo.” Singit ni Chance. Ngumisi pa ang loko.

“Hindi mangyayari yon.” Nakapoker face na sagot niya.

“Ang alin? Ang malasing ka o yung maiwan ka kay Adi?” Nakangisi pang saad nito. Pinalo ito ni Avi sa braso.

“Isa ka pa. Magpinsan talaga kayo.” Saway nito kay Chance. Bigla namang naging charming ang pagmumukha nito na para bang nagpapacute ito kay Avi.

“Pero nagsasaggest lang naman ako.” He even pouted his lips. Iniikot lang niya ang mga mata sa ginagawa nito.

Ugh. Men.

Sa dami ng nainom bigla nalang siyang nakaramdam ng pangangailangang pumunta sa comfort room. Nagpaalam siya sa mga ito. At ang walanghiyang Rain ay di pa rin siya tinatantanan kahit na nang paalis na siya.

“Oh reasons! You’re just going to find Adi and that woman with him. Go ahead. No one’s stopping y—“

“Shut up!” Putol niya sasabihin nito bago ito tinalikuran. Narinig pa niyang nag-apir ang damuhong magpinsan habang pinagagalitan ang mga ito ni Avi.

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon