#TEGR Chapter 16: Not Dominic
“What do you think of Jackie? She’s good at sports. Hindi siya maarte. Medyo boyish kumilos pero at least she doesn’t whine a lot about things like this, like that.”
“I think she’s too bossy.” Biglang komento nito. Lumipat ang tingin niya mula kay Jackie na nakikipag-usap sa isang tabi papunta kay Adi. Ipinakilala na niya ito kanina rito. At mukhang nagkaroon na agad ito ng impression sa babae. Halos lahat na ata ng babae roon ay naipakilala na niya ito, bilang date niya. Her date just for tonight, not romantically or whatever they call it.
“Paano mo nasabi?”
“They way she talks, she moves, I guess. She has a very strong personality. Hindi na nakakagulat kung maisip ko mang ganon siyang tao.” Napaisip siya sandali. Noong kaklase pa niya ito ay naging leader ito minsan sa isang group activity. Hindi nga lang niya ito kagrupo, ngunit nakita niya kung paano nito bigyan ng instruction ang bawat members nito na tila ba nasa isang athletic competition ang mga ito.
“I think, bossy is not the term, Adi.” Nagkibit-balikat lang ito. Siya naman ay napabuntong-hininga nalang. Naglibot muli ang mata niya sa paligid at naghanap ng maisa-suggest rito.
“How about Dollie? She’s into art. She’s very imaginative and…” She trailed off.
“Talks so loud.”
“Wag ka ngang ganyan. Mabait naman si Dollie.” Depensa niya.
“Nagsasabi lang ng totoo.”
“Oo nga. Sama ng ugali mo. Akala mo naman kung sino ka diyang gwapo.” Inirapan niya ito.
“Mamimili ba ako kung hindi?”
“Ewan ko sayo, ang arte mo!” Reklamo niya.
“Ikaw nga diyan, kanina pa reklamo ng reklamo.”
“Magrereklamo ba ako kung hindi ka maarte?” He pursed his lips and his jaw tightened. Mukhang nagtitimpi na ito. Siya din naman ay nagtitimpi lang.
“Ewan. Bahala ka na nga diyang maghanap ng babae mo.” Tumayo na siya at tinungo ang buffet table. Hindi naman siya nito pinigilan. At kahit pa noong namimili na siya ng maaaring malamon upang mawala ang inis niya rito ay nagngingitngit pa din siya. Kailan ba siya hindi mabubwisit rito ng bonggang-bongga?
“Nag-away kayo nung boyfriend mong hilaw ano?” Untag ni Dom.
“Hilaw lang. Hindi ko siya boyfriend.” Ex-boyfriend to be exact. Gusto sana niyang sabihin ngunit mas minabuti niyang itikom nalang ang bibig. Natawa naman ito.
“Ikaw naman kasi CM, ang dali mong mapikon. Patience, CM. Sige ka, ikaw rin. Di mo yan mabibingwit.”
“No thanks. Maraming isda sa Pacific Ocean.”
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
Любовные романыScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||