Chapter 23: Stay or Eat

3.5K 88 4
                                    

#TEGR  Chapter 23: Stay or Eat

Napasandal si Cindy sa kanyang upuan habang tinititigan ang sariling phone na nasa kanyang mesa. Naroon siya sa kanyang opisina at hindi na mapakali matapos niyang mabasa ang text message ni Dom. The message went like this.

From: Dominic

CM, what on earth happened? Naglasing si Christina kagabi. She was shockingly wasted last night. Hindi namin siya maawat sa kakaiyak. And she was begging us to talk to you. Ano bang nangyari? Nag-away ba kayo? Call me.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi niya alam kung paano niya aayusin ito. She shouldn’t have gave her false hope. Hindi rin naman niya maaaring ipagtulakan at ipilit ito kay Adrian. Napahilot na lamang siya sa kanyang magkabilang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa napasok niyang gulo. Bakit ba palagi na lang niyang itinatapon ang sarili niya sa gulong di naman dapat niya pinapasok.

She knew it from the start that the next word would be 'trouble' the moment she agreed to help Adrian. Nagsisimula na niyang maranasan ang lahat ng ‘trouble’ na iyon.

Ano bang katangahan ang pumasok sa isip niya?

Nagpasya siyang tumayo muna at lumabas ng kanyang opisina. Kailangan niyang ilipat ang atensyon sa mas mahahalagang bagay. Ang buhol-buhol na problema niya ang hindi niya kailangan sa ngayon. Lalo pa’t mas naging abala na sila sa pagbubukas ng bagong branch ng kanilang boutique. Iyon dapat ang mas pinagtutuunan niya ng pansin.

Tumayo na siya’t hinablot ang cellphone sa mesa saka diretsong nagtungo sa pinto. Pagkabukas palang niya ng pinto ay bumungad na sa kanya ang di magkaundagagang mga empleyado nila. Mukhang kakailanganin na rin nilang kumuha ng dagdag tao sa dumadaming customer nila.

Muling naagaw ang atensyon niya nang magvibrate ang kanyang phone. Agad siyang napatingin sa cellphone na hawak-hawak niya. Nang tingnan niya kung sino ang nagpadala sa kanya ng isa pang text message ay napagtanto niyang si Romeo pala iyon. Binuksan niya’t binasa ang laman ng text message nito.

From: Romeo

Hey. Something important came up. Can we talk?

 

Sandali siyang napatitig roon. May kutob na siya kung ano ang pag-uusapan nila ngunit bigla pa rin siyang kinabahan. Alam na alam niya kung para saan ang kabang iyon. And surely it wasn’t because of Christina.

Nagreply naman siya rito kaagad.

To: Romeo

Okay. Set the time and place. I’ll be there. :)

Nanginginig ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa kanyang phone. Bigla nalang humigpit ang pagkakahawak niya roon kahit pa nanginginig ang mga kamay niya. Dumating na ba ang oras na ayaw na sana niyang dumating pa?

Sana hindi.

Sana nagkamali lang siya.

Sana nasobrahan lang siya sa pag-iisip.

Sana—

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon