#TEGR Chapter 43: Ticket
“Kamusta?” Bungad na tanong sa kanya ni Romeo nang muli silang magkita sa isa sa mga fastfood sa mall. Kakatapos lang niyang maggrocery nang makaramdam siya ng gutom. Kaysa umuwi at magluto ay dumiretso nalang siya sa isa sa mga fastfood roon. She then bumped into Romeo.
“Okay lang.” Maikling sagot niya.
“I heard, nagkita na kayo?” Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkain. “Naikuwento lang sakin ni Dad. Kayo raw palagi ang laman ng usapan nila Tito at Dad.” Tukoy nito sa ama nito at sa ama ni Clyde. Dahan-dahan siyang tumango. Inaasahan na rin niya iyon nang oras na magkita ulit sila ni Clyde. Inaasahan na rin niyang bubuksan na naman ng mga ito ang usapan tungkol sa kasal nila.
Humingi siya noon ng panahon at space para sa sarili niya matapos mai-settle ang kasunduan sa dalawang panig ng pamilya. They willingly gave it to her. Hindi siya pinakialaman ng mga ito. Kahit noong makagraduate siya at magtayo ng sariling negosyo. Even her, staying in the Philippines. Pinabayaan siya ng mga ito sa kapritso niya.
Ngayong nagkita na naman sila ni Clyde siguradong mauungkat na naman ang tungkol sa kasunduan.
“So wala na bang atrasan yan?” Tanong nito.
“Hindi ko alam. Parang ganun na nga.” Sagot niya. Alam nito at ng buong pamilya nito ang tungkol sa kanila ni Clyde. Although it wasn’t official, they knew about them getting married. Noong malaman pa ng mga ito ay tinawanan siya ng mga ito. They took it as ridiculous news, of course. Nakisakay nalang siya sa mga ito kahit alam niya sa sarili niyang seryosong bagay iyon.
“Bestman ako?”
“Di pwede. Magagalit si Romuel sakin.”
“O edi gawin mo siyang maid of honor.” Natawa siya sa suhestyon nito.
“Siraulo ka talaga. Gawin kitang pari diyan e.” Maang na tiningnan naman siya nito.
“Gusto mo bang magmadre si Janine at makagawa kami ng kasalanan?” Muli siyang natawa rito.
“Ewan ko sayo, Romeo.” Binalingan niya ang pagkain. At sandali silang natahimik. Tumingin siya sa labas. Marami-raming tao ang nagdaraan. May mangilan-ngilang batang naglalakad habang pinipilit na huwag lumagpas sa guhit ng tiles.
“CM,” untag sa kanya ni Romeo. Tumingin siya rito. Seryoso naman itong nakatingin lang sa kanya. “Seryoso ka na talaga?” Sandali niya itong pinakatitigan. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam pa rin siya ng guilt. Lalo na kapag sumagot siya ng ‘hindi’.
“Oo. Ata. Ewan. Pwede rin.” Halo-halong sagot niya. Kumunot ang noo nito at sumandal ito sa kinauupuan.
“Ang labo mo sumagot.”
“Okay lang yan. Malabo ka rin namang kausap.”
“Pero di nga, seryoso. Magpapasakal ka talaga don?” Kumunot ng bahagya ang noo niya. May halong disgusto kasi sa tono ng boses nito.
“Bakit? Ayaw mo ba? Gusto mo ikaw na magpakasal sa kanya.” Biro niya rito. Umasim ang mukha nito na ikinangiti niya. “Okay naman si Clyde a.” She assured him.
He snorted and crossed his arms.
“So you don’t want the mythical merman because you’ve got yourself a crocodile? I didn’t know you have a thing on lizards.”
Hindi na bago sa kanya ang pagkaayaw nito kay Clyde. Hindi rin niya alam ang buong kwento ngunit may naikwento noon sa kanya si Romuel na nakipagsuntukan raw itong Romeo. But no, she doesn’t know the story behind it.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||