#TEGR Chapter 8: Keep Your Words
Hindi na niya mabilang kung ilang beses na ba siyang napabuntong-hininga. Nasa kalagitnaan sila ng pagdidiwang ng kaarawan ni Lea. Binigyan niya ito ng day off ng araw na iyon ngunit inimbita naman siya nito. Hindi na siya nakaangal nang sumang-ayon si Avi na pumunta sila. Naidahilan na niya’t lahat ngunit ang kinabagsakan nila ay sa pagdiriwang pa rin na iyon. At utang na loob! Gusto na niyang umuwi!
Paanong hindi niya gugustuhing umuwi, e’ ang damuhong Adi na iyon ay naroon din pala! Hindi nakasama si Avi dahil sinisinat na pala ito kanina pa. Kaya marahil naroon ang hudyong iyon! Ang kaso lang nananadya pa ata ang mga kasama nila at pinagtabi sila. Hindi niya tuloy maiwasang magduda. Hindi pa ba halata na ayaw niyang makasama ito at makalanghap ng parehong hanging nilalanghap din nito?
Ang ipinuputok pa ng mga litid niya ay panay ang tukso ng mga ito sa kanilang dalawa. Mananahimik na lang sana siya kung hindi lang talaga ipinanganak na sira ulo ang lalakeng iyon. Ginagatungan pa kasi nito ang bawat tukso ng mga ito.
“Guys, hinay-hinay naman, mahirap magpigil ng kilig. Baka biglang matumba si Mam Cindy at mangisay diyan sa sahig.” Narinig niyang wika ni Lea. Bumaling siya rito mula sa nilalantakang pizza.
“Mabuti nalang Lea, birthday mo ngayon ano? Baka ikaw ang mangisay diyan pag nawalan ka ng trabaho.”
“Kaya nga po nilulubus-lubos ko na e.” Nagtawanan pa ang mga ito na ikinailing nalang niya. Saan ba nahahawa ng kabaliwan itong mga kasama niya? Sigurado naman siyang matino siya. Simple lamang ang selebrasyong iyon. May videoke at kaunting handaan. Mayroon ding nakahaing mga alak sa harap nila. Kukuha sana siya ng isa nang may pumalo sa kamay niya. Napataas ang kilay niya nang mapatingin kay Adi. Aba! Wag nitong sasabihing naroon din ito para pagbawalan siya sa pag-inom! Sinamaan niya ito ng tingin.
“Uuuy! Concern si Sir o!” Tukso ng mga ito. She ignored them. Tinaasan lang niya ng kilay si Adi.
“Bawal.” Saad nito.
“Hindi ko alam na ikaw na pala ang Daddy ko.” Sarkastikong sagot niya.
“Hot sugar Daddy? Ay bet!” Singit ni Julie, kasamahan ni Lea sa trabaho. Dito lumipat ang mata niyang nanlilisik na kung makatingin.
“Ano kamo?”
“Ma-mainit yong beer mam! Kukuha lang akong yelo.” Biglang sabi nito at nagmamadaling umalis. Habang ang mga kasama naman ng mga ito ay patay malisya lang ngunit halata naman sa mga hilatsa ng pagmumukha, ang pinipigil na ngiti. Ibinaling nalang niya ang pansin sa alak na nasa harap niya. She extended her hand to get it again but Adi slapped her hand away.
“Bawal nga. Wag ka ngang makulit.” Nakukulitan nang saway nito. Inis na binalingan naman niya ito.
“Ikaw diyan ang wag makulit. Wag ka ngang nakikialam!”
“Paanong hindi ako makikialam, ibinilin ka sakin ng kapatid ko?”
“Bakit niya ako ibibilin sayo e, hindi naman ako alagang pusa rito?” Doon na nagsimula ang palitan nila ng pasaring sa isa’t isa. Nagdidilim na talaga ang paningin niya sa kulit ng lahi nito. At sa tingin niya, gayundin ito sa katigasan ng ulo niya. Gusto lang naman niyang uminom! Ano bang mali roon? Hindi naman siya magpapaka-wasted a! Natigil lang ang giyera nila ng mga salita nila nang makarinig siya ng bulung-bulungan. Mukhang napansin din iyon ni Adi at maging ito ay natahimik.
“World War Z na naman to.”
“Last week pa yong Z. Naubos na lahat ng letra sa alphabet, hindi pa din sila nagsasawang mag-away.”
“Hindi naman talaga maiiwasan na hindi sila mag-away e. Pagnagkikita sila lagi silang nagbabanggaan.” Natahimik siya pagkuwan. She let out a deep sigh. Tama ang mga ito. Hindi maganda kung mananatili siya roon. Magbabangayan at magbabangayan lang sila roon ni Adi. Hindi niya gustong masira ang gabi ni Lea. Dumako ang paningin niya sa babae na nakatingin sa kanya. Hindi niya ito kakikitaan ng pagkaasiwa o pagkainis ngunit wala siyang balak hintaying mangyari iyon. Her presence gave too much show for tonight. It’s better for her to leave now. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan kasabay nang pagtuon sa kanya ng mga tingin ng mga ito.
“Uuwi na ko. Salamat sa pag-imbita pero ayokong masira lang tong celebration niyo.” Natahimik ang mga ito. She then turned to Lea. Mukhang uneasy na ito sa mga nagaganap. “Happy Birthday. Enjoy the rest of the night.” Ngumiti siya ng tipid bago naglakad paalis. Narinig pa niyang tinawag siya ng kurimaw na lalakeng iyon ngunit hindi niya ito pinansin at tuluy-tuloy lang sa paglalakad.
“Cindy!” Malakas na tawag nito. Binilisan niya ang paglalakad. Sinusundan ba siya nito?
“Cindy, wait!”
“Cindy! Cindy! Cindy!” Sunud-sunod na tawag nito sa pangalan niya. Napapatingin pa sa kanila ang mangilan-ngilang taong nagdaraan. Saka lang niya naramdaman ang mainit na palad nitong humawak sa braso nya. Anak ng timawa talaga to o! Sinong nagbigay ng permiso ritong hawakan siya?
“Ano? Ano? Ano?!” Naiinis na wika niya rito.
“Ano na naman bang pumasok sa kukute mo at nagwalk out ka? You made them feel bad!” Nag-init ang bumbunan niya sa sinabi nito. Tinatanong ba talaga nito kung anong nasa isip niya? Hala sige! Papatulan niya ito.
“Gusto mong malaman kung anong nasa isip ko ngayon?”
“Oo.” Walang kagatul-gatol na sagot nito.
“Naiisip kong ihagis ka sa ilog pasig! Masaya ka na? Pwede mo na ba akong iwan?” Tinitigan siya nito pagkuwan na ikinailang naman niya. Ano na naman bang ginawa niya at kung makatitig ito ay parang nakapatay siya.
“Diretsuhin mo nga ako. Ano bang ikinagagalit mo sakin? Lahat nalang ng gawin ko, ultimo paghinga ko, inis na inis ka. What’s wrong with you?”
“What’s wrong with me? Wow!” Sarkastikong sagot niya. “Hindi mo ba naiisip kung ano munang mali sayo bago ako? Ikaw, diretsuhin mo ko. Ano bang problema mo sakin at hindi mo pa din ako tinatantanan? Sinabi ko na sayo, hindi kita tutulungan. Alam mong lagi tayong nag-aala-clash of the titans pero dikit ka pa rin ng dikit ka sakin, pati linta mahihiya na sayo! So now tell me, Adi, what’s wrong with you?”
“Nauna akong magtanong.” Natawa siya ng pagak.
“Aba! hindi ako na-inform na paunahan pala to.” Pumiksi siya mula sa pagkakahawak nito at tinalikuran ito. Hahakbang palang sana siya ng muli itong magsalita.
“Do you really want me to leave you alone? Hindi ako lalapit sayo within five meters. Hindi kita kakausapin o kahit tingnan ka hindi ko gagawin. I can do that.” Nanatili siyang nakatalikod rito. “Tulungan mo lang ako.” Dugtong nito. He sounds really desperate. Masakit na ang ulo niya kakaisip. Pagod na siya kakataboy rito. Hindi na niya alam kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin sa lalakeng ito maliban sa ihagis ito sa ilog pasig. Hindi siya nakasagot agad. Pinanood lang niya ang ilang sasakyang nagdadaan sa kalsada. Napabuga siya ng hangin pagkuwan.
“You better freakin keep your words, Adrian.” Iyon lang ang sinabi niya bago siya nagsimulang humakbang palayo. Narinig pa niyang nagpasalamat ito. Pasalamat nalang din siya at hindi na siya nito sinundan. Baka mabigwasan na talaga niya ito kahit pa kapatid ito ng bestfriend niya.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||