Chapter 44: Intoxicated Guess

2.6K 100 7
                                    

#TEGR Chapter 44: Intoxicated Guess

The last twenty four hours was beyond crazy. Hindi siya nakatulog sa pag-iisip. Pati ang mga mata niyang naghuhumiyaw na ng puyat ay sumakit na sa kakatitig niya sa kisame. She tried to contact her parents to ask for help. But then, she realized, this is what they want. For her to go back.

“Bespren are you okay? Mukha kang zombie na naagawan ng pagkain.” Mula sa pagkakayukyok ay tumingin siya sa kay Avi. Mabuti pa ito at fresh na fresh. Pinakatitigan niya ito. “Cindy, hindi ka naman zombie di ba? So please, tigilan mo yang pagtitig mo na para bang utak ko ang pinag-iinteresan mo.”

Ipinikit niya ang mga mata at muling yumukyok. Halos wala siyang lakas na magtrabaho. Kung maaari lang siyang humingi ng day off ay ginawa na niya. But then she remembered that it was a busy month for them. She needs to work.

“Ano ba kasing problema?” Hindi siya nagsalita. “Iyon pa rin bang plane ticket?” Hindi uli siya sumagot. Bumuntong-hininga ito pagkuwan. Naikwento na niya rito ang tungkol sa bagay na iyon.

“Ano bang gusto mong gawin ko? Ipapakidnap na ba kita?” Suhestyon nito. Umiling siya kahit na nakayukyok pa rin sa mesa. “Eh ano nga?”

“Patayin mo ako at ilibing sa tuktok ng Mt. Everest.” Sagot niya.

“Ano ka, sinuswerte? Pareho pa tayong malilibing doon.” Umalis siya sa pagkakayukyok at umayos ng upo. Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung anong dapat niyang gawin. It was inevitable, anyway. Wala na siyang magagawa kundi ang harapin ang lintik na tadhana niya.

“I’m okay.” Saad niya pagkuwan. Tinaasan lang siya ng kilay ni Avi.

“This is what you call okay? Sige nga, ano bang ibig sabihin sayo ng okay?”

“Dying, probably.”

“That sucks.” Katahimikan ang bumalot sa kanila ng ilang sandali bago muling nagsalita si Avi. “Bespren, if you don’t want it then leave it.”

Malungkot na ngumiti siya rito.

“Avi, I’m trying really hard not to get hurt again. And I don’t wanna drag anyone into this mess.” Magsasalita pa ulit sana ito nang unahan na niya ito. “Kahit ikaw pa.”

Itinikom nito ang bibig at napapabuntong-hiningang napasandal sa kinauupuan.

Pagkapasok palang sa bahay niya ay kaagad na hinanap ng kamay niya ang switch ng ilaw. Nahahapong napaupo siya sa sofa. Ginulo niya ang kanina pa niyang magulong buhok. Ipinikit niya ang mga mata at sumandal. Pagod na ang katawan niya pero ang isip niya, hayun at daig pa ang nakadroga.

Natagpuan nalang niya ang sariling nakasalampak sa sahig at nakasandal sa sofa habang may hawak-hawak na basong may lamang alak. Gusto niyang kumalma ang isip niya kahit ngayong gabi lang. At magagawa lang niya iyon kung makakatulog siya nang hindi siya paulit-ulit at paikot-ikot na nag-iisip.

Sandali siyang napatitig sa kabuuan ng kanyang tinitirhan. Ngayon lang niya napansin kung gaano katahimik at katamlay ng atmosphere roon. Parang isang malungkot na malungkot na tao ang nakatira roon.

Pero hindi naman ako ganoon kalungkot, di ba?

Napabuntong-hininga siya.

Sino bang inuuto niya?

Nagsalin siya ulit ng alak matapos maubos ang laman ng baso niya. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal sa pages-session mag-isa at sa pag-oopen forum kasama ang konsensya niya. Nang makaramdam ng hilo ay inihiga niya ang ulo sa sofa. Napatitig siya sa kisame gamit ang mga namumungay na mata.

Kung makatulog siya roon, okay lang iyon. Mag-isa lang naman siya roon. Walang magagalit sa kanya. Walang mag-aalala na baka magka-stiff neck siya roon o baka mabali ang leeg niya. Wala siyang maabala. Napangiti siya ng wala sa sarili.

Ang galing din pala niya. Kaya niyang mag-isa. Hanggang kailan kaya siya tatagal ng mag-isa? Unti-unting nabura ang ngiti niya nang maalala ang mga magulang. Ipinikit niya ang mga mata at inalala ang mukha ng mga ito. Ipinatong pa niya ang isang braso sa kanyang braso.

Aminin man niya o hindi, alam niya sa sarili niyang nami-miss niya ang mga magulang niya. Nami-miss niya ang pagdating sa bahay nang sasalubungin siya ng ina at ng luto nito. Nami-miss niya ang kanyang amang mahilig siyang pangaralan at paalalahanan sa mga bagay-bagay.

Nami-miss niyang makarinig ng ingay. Nami-miss niyang may nanggugulo sa boring niyang buhay. Nami-miss niyang sumigaw at makipag-away. Ang dami nga niyang nami-miss. Pero sa dinami-rami niyon, iisa lang naman talaga ang tinutumbok niyon.

“And I’m done with him. I could finally go on with my life. Yey.” Natawa siya ng pagak pagkatapos.

“Says who?”

“Said by who-f—cking-cares. Geez, I’m drunk as hell.” She mumbled. She felt the sofa where she was resting her head, moved. But then she didn’t bother to budge. Pakiramdam niya unti-unti na syang hinihila ng antok. Iyon naman ang gusto niya, ang magpa-akit sa tawag ng mahimbing na tulog.

“So this is how you deal with it?” She can hear frustration in his voice. Nagsalubong ang kilay niya ngunit nanatiling nakapatong sa kanyang mga mata ang braso niya.

“Yeah. What can I do? I’m gonna marry a very sweet and caring man, and here I am, completely wretched. Probably because of karma, huh?”

“Probably because you don’t love him.”

“I know.” She whispered. Her voice was too low, she almost failed recognized herself.

“Who do you love, then?” Hindi siya nagsalita. She almost can’t understand what he was saying. It was all fuzzy and confusing.

She felt a feather-light touch brushed her hair. Or maybe just her mere imagination.

“Who do you love, Cindy?” She heard him whisper. She scrunched up her nose and pushed him away.

“Damn it. Ang ingay mo. Matutulog na ko.” Masungit na sagot niya.

“You can’t sleep yet. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” She heard soft chuckles. Tinanggal niya ang braso sa pagkakapatong sa ulo niya. Sinubukan niyang aninagin ang sinumang asungot na umiistorbo sa tulog niya.

“Get lost.”

“Who, Cindy? Who do you love?” Someone pinched her cheek causing her to open her eyes and see nothing but blurry vision.

“None of your damn business.” Kumunot ang noo niya at napasimangot.

“How about I guess?”

“A-hah.” She heard him cleared his throat.

“Starts with A?”

“A-hah.”

“Followed by D?”

“A-hah.” She closed her eyes as her eyelids became too heavy to handle.

“And then R?”

“You’re quite good at this, aren’t you?” She teased.

“And I?”

“Getting closer.”

“Let me guess. Aldrin?” She frowned. She opened her sleepy eyes, even when everything seems to be hazy. She wasn’t sure but it’s as if she saw him grinning. Suddenly everything went out of focus. She closed her eyes and hissed.

“It’s Adrian, you dumbass.” 

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon