Chapter 39: Forever Wife

3.1K 82 14
                                    

#TEGR Chapter 39: Forever Wife

“Clyde?”

Napaawang ang bibig niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Nanghina ang tuhod niya na kahit gusto niyang umatras at tumakbo palayo ay wala siyang lakas na gawin. Ni hindi niya malaman ang gagawin o sasabihin.

“Let go of me!” Marahas na binitawan naman ito ng lalake. Napaatras pa si Valerie at manghang tumingin sa kanilang dalawa.

“Your wife? Are you sure that woman is your wife?” Tumawa pa ito ng pagak bago bumaling sa kanya. Napalunok siyang bigla. “May asawa ka na pala, lumalandi ka pa ng boyfriend ng iba!”

Hindi siya makapagsalita. Nalunok na ata niya ang dila niya kasama ng boses niya. Kahit nakaawang ang bibig niya ay walang kahit anong tunog ang lumabas doon. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang linawin ang sinasabi nito.

Kitang-kita niya kung paano magbulung-bulungan ang mga empleyado nila roon. Pati ang mga ito ay nagulat sa nasaksihang eksena.

“May asawa na si Mam?”

“Committed na si Mam? Paano na si Sir—“

“Wag kang maingay. Alam mo namang hindi sila tao kung magturingan.”

Halu-halo ang naririnig niyang komento ng mga tao roon. Hindi siya makatingin sa mga ito ng diretso. Nawala lang ang pokus niya nang muling magsalita si Valerie.

“Ang kapal naman talaga ng mukha mo. You’re married and yet you’re flirting with my Adrian!” Dinuru-duro siya nito ngunit pinalis lang iyon ni Clyde palayo.

“What on earth are you saying?” Galit na wika ni Clyde. Ngumisi rito si Val ng nakakaloko.

“You’re saint of a wife is cheating on you. Hindi mo pa ba naiintindihan? That woman is a witch!” Muli na naman siyang susugurin nito nang pumagitna na si Clyde at itinago siya sa likuran nito.

 “Stop these shits! Damn. You are talking about my wife!” Dumagundong ang boses nito. “Get her out of here! Now!” Pinigilan nito ang mga braso ni Valerie ngunit nagpumiglas lang ang huli. Natatarantang nagsilapitan ang mga empleyado niya at pinilit itong inilabas sa boutique.

“Bitawan nyo ko! Ano ba?!” Patuloy na sigaw ni Val. She can’t take the shame that they’re earning from this anymore. Pwede naman silang mag-usap o mag-away nang walang ibang nakakakita.

“Clyde.” Tawag niya rito ngunit hindi siya nito pinansin.

“Clyde—“ Nagulat siya nang hatakin siya nito at mariing hinalikan sa harap ng mga taong naroon. Sunud-sunod na singhap ang narinig niya. Ni hindi na niya naipikit ang mga mata sa gulat.

Oh shit.

“You can’t be cheating on me baby.” Bulong nito nang maghiwalay sila. Hinaplos nito ang pisngi niya. Umiwas siya ng tingin rito at bahagyang umatras.

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon