#TEGR THIS IS IT NG BONGGANG BONGGANG BOMBONG.
Inayos ni Cindy ang bag na sukbit-sukbit sa balikat niya. Her eyes were a little tired. Wala pa siyang tulog magmula kahapon ng umaga.
Nakatayo siya sa Lungsod na kilala bilang "The City that never sleeps." In fact, Ang Time Square ay mas aktibo at mas maliwanag pa kaysa sa ibang lungsod doon. Napapalibutan siya ng mga nagtataasang mga building pati na ng mga abalang mga tao kahit na sa ganoong kaagang oras.
It's almost 5:00 A.M in the morning. And Philippines is twelve hours ahead of New York City. She has to make a call to someone important. Afterall, this is a very significant day.
"Hello."
"Cindy!" She immediately recognized the voice. Masiglang boses ni Avi ang bumungad sa kanya.
"Avi? Did I dial the wrong number or what?"
"No, no bespren! This is his number. Naiwan kasi niya yung phone niya rito. Kanina pa siya aligaga. Ay naku, you should have seen his face! Parang kambing na hindi makapangitlog."
Kaagad siyang natawa sa sinabi nito. Mabagal siyang naglakad habang pinagmamasdan ang paligid.
"Pero hindi naman nangingitlog ang kambing." Sagot niya.
"Kaya nga e! He's seriously going insane."
"That would have been a very interesting sight." Narinig niya ang mahinang buntong-hininga nito.
"Kung nandito ka lang kasi sana... Wait. You received the wedding invitation, right?"
"Yeah. Sorry. Sa binyag nalang ako babawi." Biro niya.
Sandaling natahimik ito sa kabilang linya na inakala niyang magsisimula na ang kasal. May mga naririnig siyang mga nagsasalita at nagtatawag sa kabilang linya. Marahil ay abalang-abala na ang lahat para sa pagsisimula ng kasal.
"Avi? Are you still there?" Matagal bago ito sumagot.
"Ah, yes. Sorry for that. Tinatawag kasi yung mga bridesmaids eh."
"It's okay, I understand. Mukhang magsisimula na rin naman."
"Yeah, anytime soon." She answered. Sandaling parang nag-alinlangan itong magsalita ulit. "Ahm... Cindy?"
"Hm?"
"It's been four years, right? Okay ka na ba?"
Inilibot niya ang paningin kasabay nang malalim na paghugot niya ng buntong-hininga. Hindi na talaga niya matatakasan ang mga ganoong tanong. Better answer it than leave it hangin.
"I'm better, Avi."
"Thank you." She can practically perceived her smiling while saying that. "
"No worries, bespren."
"Can't help it, Cindy. Almost four years tayong walang matinong communication! Like the hell! Paano ka nakasurvive nang hindi nakakausap ang isang tulad ko?"
"Iyon na nga. Hindi ko nakausap ang isang tulad mo. I finally took a break from being a crazy woman. Thanks to you."
"That... is very mean, my dear." Natawa siya sa sagot nito. She can even imagine her, pouting.
"I miss you, Avi."
"I freakin miss you too." Nag-iwan ng ngiti sa mukha niya iyon. "And I'm very happy to know that you're doing better. Kasi si kuya, okay na rin siya. And I'm sure he will be even better soon."
Mahinang napatango siya kahit alam niyang hindi naman siya nakikita ni Avi.
"I know. I know, Avi." She heard someone talking from the background. Pati na ang pagtugtog ng wedding march.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||