#TEGR Chapter 22: Something to Ask
“Si Mam Cindy ba, okay lang?”
Sabay-sabay pa silang napalingon sa biglaang pagkatalisod nito. Mabuti na lamang at nakahawak ito sa isang mesang malapit roon. Umiling-iling si Tess.
“Hindi. Malabo.” Sagot nito sa tanong na binitawan ni Lea. Napabuntong-hininga na lamang siyang tiningnan ang kanyang bespren. Kanina pa ito tila wala sa sariling nagtatrabaho. Naroon ang katawan nito ngunit naglalakbay sa kung saang lupalop ng kalawakan ang kaluluwa nito.
Lumapit siya ritong inaayos ang sarili.
“Okay ka lang?” Tumingin ito sa kanya at tumango-tango.
“Medyo nahilo lang.”
“May problema ba? Cindy, aren’t you feeling well today? Pwede ka namang magpahinga muna. Ako na muna ang bahala rito, tutal naman palagi nalang ikaw ang naiiwan dito kapag nagkakasakit ako.” Hinawi nito ang buhok na kumawala sa pagkakapusod nito.
“I’m okay, Avi. Puyat lang ako.” Pinagmasdan niya ang mukha nito. Mukha itong matamlay at nanlalalim din ang gilid ng mata nito. The usual glow in her skin was gone. Pati ang mga mata nito ay tila ba… nag-aalala.
“Rest for a while.” She suggested.
“Okay lang ako. Marami pa tayong tatapusin.”Saad nito bago ipinagpatuloy ang naudlot na gawain. Wala na siyang nagawa para pigilan ito. Alam niyang kusa naman itong magsasabi sa kanya ng problema ngunit ipinangangamba niya kung kailan pa. Ito pa naman ang klase ng tao na hangga’t kaya nitong dalhin ang lahat mag-isa, gagawin nito, huwag lang makaabala sa ibang tao. She admires her for that but she’s often worried about her, too. May pagkakataon kasing, kahit siya ay walang ideya sa nararamdaman nito.
Nagsalin siya ng alak sa kanyang kopita.. Inisang lagok niya ang laman ng kanyang baso. Gumuhit ang mainit na likidong iyon sa lalamunan niya. Kung bakit ba naman kasi hindi na naman siya makatulog. Peste. Peste talaga.
Naroon siya sa kanyang silid. Nakaupo siya sa sahig sa gilid ng kanyang kama at nakaharap sa nakabukas na bintana. Tanaw na tanaw niya ang kalangitan na binudburan ng napakadaming mga bituin. Nakasanayan na niyang gawin iyon tuwing may iniisip siya. Hayun at naroon na naman siya sa dati niyang pwesto at nagriritwal. Inilapag niya’t iniwan sa sahig ang kopita. Nayakap pa niya ang sarili nang pumasok ang malamig na hangin mula sa labas. Pinagmasdan niya ang madilim na kalangitan kasabay nang paulit-ulit na pagbaha ng alaala ng nangyari tatlong araw na ang nakakalipas. Nakagat niya ang labi kasabay nang pagkunot ng kanyang noo.
“Ginagago ba niya ko?” Naihilamos niya ang palad sa mukha sa sobrang frustration. Hanggang sa dumako ang daliri niya sa sarili niyang labi. Agad niyang tinanggal ang kamay roon. Pakiramdam niya’y pinaglalaruan siya at ang malala pa roon, hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman.
“Lintek.” Kinagat niya ng mariin ang ibabang labi. Paano ba niya mapapatigil ang sariling mag-isip? Nasabunutan niya ang sarili. “Hindi pwede to.” She immediately closed her eyes as tears left her eyes. Kung kaya lang niyang patigilin ang luha sa pagpikit lang ng kanyang mga mata, hinding-hindi na niya ididilat pa ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||