#TEGR Chapter 12: Cinderella
Parang siya pa ang nanlamig nang ibuhos nito ang orange juice sa hindi pa nagagalaw at halos kalalapag lang sa mesa sa canteen, na isang plato ng spaghetti. Napangiwi siya ng bahagya nang makitang natalsikan pa ang maputing uniform nito ng orange juice.
“Maldita ka talaga! Anong sinabi mo sa kuya mo ha? Nakipagbreak siya sakin! Sayo lang naman nakikinig yon!” Matinis na wika ng babaeng nagbuhos ng juice. Nanatiling nakayuko lang ang babaeng natatandaan niyang kapareho lang niya ng year. Halos linggo-linggo ay nakikita niya itong inaaway ng iba’t ibang babae. Kumakalat pa nga ang balitang, maldita, malandi at warfreak ito kaya kung sinu-sino nalang ang nababangga.
“Pipi ka ba? Ba’t hindi ka nagsasalita?” The girl kept her face blank and kept staring at her plate. Lumipat ang tingin niya sa babaeng sa tingin niya ay fourth year high school na. Isang taon pala kung ganoon ang tanda nito sa kanila. Tumawa ito ng nakakaloko pagkuwan. “Pipi ka na nga, hindi ka pa maganda! Naiinsecure ka siguro sa akin kaya sinisiraan mo ako sa kuya mo. Wag kang mag-alala, magkakaroon ka rin ng ate na di hamak na mas maganda sayo. Magkakabalikan din naman kami.” Confident na sabi nito. Hinawi pa nito ang buhok na tila isa itong model ng shampoo. “O, kumain ka na, panget.” Hindi niya inasahan ang sumunod na pangyayari. Nakita nalang niyang malakas na iniusog ng fourth year na estudyante ang plato sa babaeng nagngangalang Avrill Montez. Tumapon ang laman nyon sa damit nito.
“Oops, dumulas yong plate.” Maarteng wika ng babae at saka taas-noong umalis ng canteen. Agad na lumakas ang bulung-bulungan.. Tila naghihintayan ang iba pang mga babae roon kung sino ang unang lalapit. Ngunit nanatiling walang imik na nakaupo roon ang kawawang babae. Tumayo siya sa kanyang upuan, kasabay nyon ang paglapit ng kung sinu-sinong babaeng galing sa iba’t ibang year at section kay Avrill at inialok rito ang pakikisampatya at panyo ng mga ito na sa hula niya ay palabas lang.
“Okay ka lang ba, Vrill? Gusto mo ba samahan kita sa kuya mo?”
“Grabe naman yon. Siya kaya ang maldita. Isumbong natin sa kuya mo nang di na magkabalikan.”
“Oo nga. Pag nagkabalikan yon, aawayin ka lang non lagi. Dapat di sila magkabalikan.” Iilan lang yon sa narinig niya bago siya makarating sa pinto. Bago siya lumabas ay tinapunan muna niya ito ng huling sulyap mula sa mesang pinagkukumpulan ng mga estudyante. Hindi man lang ito tumitingala sa mga babaeng nakapalibot rito. Naiiling na umalis siya.
Bumalik siya sa canteen pagkatapos ng mahigit labing limang minuto ngunit hindi na niya natagpuan doon ang pakay. Ngunit naabutan niya roon iyong ilang babaeng natatandaan niyang lumapit rito kanino. Nagtatawanan ang mga ito habang nag-uusap.
“Sa tingin mo, magkakabalikan yong si Jillian saka si Adrian?”
“Hindi. Sa tingin mo hahayaan ko yung malditang yon?” Wika ng babaeng ang buhok ay nakakulot ng maarte sa dulo. Nilalaro pa nito iyon ng daliri nito.
“Anong gagawin mo?”
“Alam nyo namang pinakamamahal na tunay ni Adrian yung bunso niyang kapatid. Don ako kakapit. Gusto niya ng babaeng gusto ng socially inept sister niya.”
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||