#TEGR Chapter 38: Garden
Naiwan siya kasama ng iba pa roon sa bahay nila Alex. Samantalang si Adrian, kahit na may sinat pa ay sumama kay Valerie. Hindi nila mapatigil at mapakalma. Panay ang iyak nito at pagsugod sa kanila. Partikular sa kanya. Adi tried to calmed her down. He even tried to protect her. Lalo na noong sugurin siya ni Val upang sabunutan. Nanlaban naman siya ngunit sadyang mahina ang katawan niya kahit man lang ang maitulak ito.
“Ayos ka lang ba bespren?” Lumapit sa kanya si Avi at sinalat ang noo niya. Nahihilo pa siya sa nangyaring engkwentro nila ni Val. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit ito naroroon.
“Bakit nandito si Valerie?” Balik tanong niya. Nag-iwas ng tingin si Avi sa kanya. Hindi rin makatingin sina Alex at si Rain. At si Chance na pasimpleng naglalakad palayo sa silid.
“Chance.” Bigla itong napatigil sa ginagawa at unti-unting lumingon sa kanya. Tumikhim ito at nagpatay malisya.
“I’ll get you something to drink.” Saad nito bago mabilis na umalis. Dinaig pa ang ninja kung mawala. Muli siyang bumaling kina Avi.
“Pinapunta niyo siya rito? Seriously, Avi? Ano to, planado?” Sunud-sunod na wika niya.
“Hindi!” Biglang singit ni Alex. “Nagkataon lang. The idea just came so…” She trailed off. Naglikut-likot ang mga mata nito sa paligid.
“I told you this is a bad idea.” Narinig niyang mahinang sabi ni Rain kay Alex.
“Wala ka kayang sinabi.”
Napabuntong-hininga na lang siya. Ayaw niyang kagalitan ang mga ito. Lalo na si Alex dahil kagagaling lang nito sa sakit. The original purpose is to visit her. Hindi lang talaga niya inaasahan na magkakaganito. Sumakit lang tuloy lalo ang ulo niya. Wala na rin siyang lakas para magsermon kay Avi. Mga kalokohan talaga ng babaeng ito, hindi na maawat.
Now what is she going to do?
“Bespren, I’m sorry. It’s my idea. I just don’t like her. And I heard, ayaw na din sa kanya ni kuya. I just made it easy for everyone—“ Natahimik ito nang sulyapan niya ito ng di natutuwang tingin.
“Kanino mo naman nakuha yan?”
“Via Chance?”
“Tsismoso ng boypren mo. Itapon mo na nga yan sa ilog.”
Natigilan siya sandali habang sapo-sapo ang noo. Wait. Kung alam naman pala ni Chance bakit hindi nito tinutulungan si Adrian? Bakit sa kanya pa humihingi ito ng tulong? Hindi maganda ang pakiramdam niya. It feels like there’s something else she doesn’t know. Something wrong is going on.
Napangiwi siya nang biglang kumirot na naman ang ulo niya. Lalong bumigat ang pakiramdam niya.
“Magpahinga ka muna.” Saad ni Alex. Umiling siya ng bahagya.
“Uuwi na ko.”
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||