Chapter 37: Sorry

3.2K 90 2
                                    

Iminulat niya ang mga mata nang makarinig siya ng sumipol. Natagpuan niyang nakapalibot sa kanya sina Chance, Rain, Avi at si Alex na nakabalot sa kumot.

“Hanep ka pala bro, mag-alaga. Hindi mo lang inaasikaso, dinadamayan mo rin.” Naiiling na wika ni Chance.

Lumapit si Avi sa kanya— kumunot ang noo niya nang lagpasan siya nito at dumiretso sa kabilang panig ng kama. Nang bumaling siya roon ay nagulat pa siya nang makita niyang nakahiga sa tabi niya si Adrian.

What the heck!

“How are you, kuya?” Sinalat pa ni Avi ang noo nito gamit ang isang palad.

“I’m fine. I’m fine.” Nanghihinang wika nito. Umupo ito at sumandal bago bumaling sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya. Ano bang nangyari? Bigla nalang kasi siyang nahilo kanina at nagdilim ng tuluyan ang paningin niya. Ang huli niyang natatandaan ay nagkakagulo na sa loob ng silid ni Alex. May nagpapatawag ng maid at may natatarantang tumatawag sa pangalan niya.

“A-Anong nangyari?” Namamalat na sabi niya. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkauhaw. She can feel her throat dry. Nang subukan niyang kumilos ay napapikit pa siya nang biglang tila umikot ng 360 degrees ang paligid.

May humawak sa braso niya at inalalayan siyang sumandal din. Huli na nang malaman niyang si Adrian iyon at nakasandal pa siya mismo rito. Nang magtangka siyang umalis ay lalo lang siyang nahilo. Helpless. Wala siyang nagawa kundi ang sumandal rito.

Pumikit siya ng mariin matapos makita ang satisfied at nakakalokong ngisian ng mga nasa harap niya.

Pustisong pula nga naman o.

Hindi na to mauulit.

“Nawalan ka ng malay. Sabi nong doctor kanina, sobrang pagod saka fever. Tapos, nagpapalipas ka pa ng gutom kaya nanghina ng husto yang katawan mo. Bigla ka nalang nagshut-down pagkatapos mong itulak si kuya.”

Lumipad ang tingin niya kay Adrian matapos sabihin iyon ni Avi. Tinulak niya si Adrian? Napakurap-kurap pa siya nang magbalik lahat ang alaala niya.

Oo nga pala. Bigla nalang kasing parang timang itong idinikit ang noo sa kanya. By instinct, itinulak niya ito sabay bangon. Nahilo siya at tuluyang nagblack out ang paningin.

“E’ anong nangyari sa kanya?” Turo niya kay Adrian.

Parang tuksong kusang naglitawan ang nakakalokong ngisi ng mga ito. Nakagat niya ang sariling dila at pinagalitan ang sarili. She shouldn’t have said anything.

Stupid.

Tumikhim si Chance sapagkat wala atang balak magsalita ang mga kasama nila roon maliban sa pagbibigay sa kanya ng mapanuksong ngiti.

“May sinat lang. Balak ka atang damayan, ayaw pang mahiga kanina—“

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon