Chapter 20: Text Message

3.1K 84 0
                                    

#TEGR Chapter 20: Text Message

Huminga siya ng malalim sa hindi niya mabilang na pagkakataon. Tama ba itong gagawin niya? Oo ang  sinisigaw ng isang parte ng isip niya ngunit bakit hindi maganda ang pakiramdam niya sa bagay na iyon? Nagi-guilty ba siya? Juice naman! Ngayon pa ba siya tatamaan ng ganoon kung kailang ayos na lahat at tanging siya nalang ang hinihintay na kumilos?

‘Wala kang superego, Cindy. Wala!’

“Oo na!” Bulalas niya.

“What?” Natigilan siya sa tinig na iyon. Nang lingunin niya iyon ay natagpuan niya si Adrian na maang na nakatingin sa kanya. Nakahawak ito sa manibela at akmang paandarin sana ang sasakyan nang bumulalas siya.

“H-Ha? Bakit? May sinabi ba ‘ko? Wala akong sinabi!” Wala sa sariling saad niya.

“Kasasabi mo lang na ‘oo na’. Wala naman akong tinatanong sayo.” Nagsimula nang umandar ang kotse nitong sinasakyan nila.

“I did?” Naiiling na nakatingin lang ito sa daan.

“You skipped lunch again, don’t you?” Ibinuka niya ang bibig upang magpalusot ngunit itinikom nalang ulit niya iyon at sandaling napaisip. Iniliko nito ang sasakyan.

“T-teka lang! San tayo pupunta?” Natatarantang wika niya. Great, umaayon talaga ang lahat sa plano niya. Pakipukpok nga ang ulo niya. Bakit sila lumiko?!

“May alam akong malapit na resto rito.”

“Wait, what?” Hindi makapaniwalang wika niya. Napaisip siya. Anong gagawin niya? Kailangan nilang dumaan doon sa kabila. Oh shit. Lagot siya kay Christina. “Kumain ako ng lunch.” Biglang sabi niya.  Sinulyapan lang siya nito sandali. And the way he looked at her, tells her he didn’t believe her.

“Busog ako, Adrian. Kaya iliko mo na to sa kabila.”

“Sigurado ka ba diyan?”

“Oo. I don’t want to be late. Naghihintay sa akin si Avi doon.” His lips formed into a thin line as he stared at the road. Walang salitang iniliko nito ang sasakyan ngunit hindi ito bumalik sa daan nila kanina. He’s taking the other way. Oh shit! Tinamaan na ng magaling!

Nagsimula na siyang magpanic. Nasa kabilang kalye pa si Christina. Ang plano ay dapat makikita nila ito roon at kunwaring nasiraan ito ng sasakyan. Isasabay sana nila ito sa sasakyan. Plantsado ang plano. Bababa siya ng kotse at kakausapin ito. Ipipilit niyang isabay ito sa sasakyan ni Adi at kunwari’y tatanggi ito ngunit sasama din naman. Lilipat siya sa likod at hahayaan itong umupo sa front seat, katabi ni Adi. And boom! Nasa ibang daan sila ngayon. Great. Just great!

“Wait!” Sigaw niya. Nagulat pa ito sa biglaang pagsigaw niya. The car slowed down a bit. Nang tingnan siya nito ay tila nagkauntugan na lahat ng brain cells niya. Anak ng putakte, hindi siya makapag-isip! Say something. Anything. Damn it, Cindy! You’re f—cking screwed!

The Ex-Girlfriend RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon