#TEGR Chapter 24: Misis
Maaga palang ay sinimulan na ni Cindy ang mga gawaing bahay. Araw ng linggo kaya naman wala siyang pasok. Napagpasyahan niyang maglinis muna ng buong bahay bago pa dumating ang asungot na si Adrian. And no, she wasn’t cleaning the house because of him. Natural lang na maglinis siya ng bahay na siya lang ang nakatira.
Inuna niyang punasan ang mga bintana at salamin. Pagkatapos ay nagwalis siya upang maisama ang mga alikabok na naglaglagan sa pagpupunas niya ng mga salamin at bintana. Isinunod naman niya ang pagma-mop ng sahig.
Nasa kalagitnaan palang siya ng pagluluto nang mayroong nagdoorbell. Awtomatikong napadako ang tingin niya sa wall clock. Pasado alas dyis y media palang ng umaga. Ang usapan nila ni Adrian ay ala-una ng tanghali. Masyado naman atang advance ang orasan nito?
Hinawi niya ang kurtina ng bintana malapit sa kanyang pinto upang tingnan kung sino ang nasa labas ng bahay niya. Hindi naman kataasan ang gate ng bahay niya kaya kitang-kita niya kung sino ang nasa labas. Muli siyang tumingin sa orasan. Balak na naman ba siya nitong bwisitin ng maaga?
Hindi.
Hindi siya papayag.
Ala-una ang usapan nila. Hindi siya papayag na madagdagan ang oras na maghuhurumentado na naman siya dahil rito. Mapapaaga talaga ang kamatayan niya nang dahil sa lalakeng ito! Bahala itong maghintay!
Imbis na pagbuksan ito ay bumalik siya sa kusina at ipinagpatuloy ang ginagawa. At wala pa man ding limang minuto ay muli na namang tumunog ang doorbell ng bahay niya. Ipinagsawalang bahala niya iyon at hindi pinansin. Matapos magring ng tatlong beses pa iyon ay kusa na ring tumigil ito. Iyon ang akala niya.
Cellphone naman niya ang sumunod na nag-ring. Wala talaga itong kasawaan sa buhay! Gaya ng ginawa niya kanina ay hindi din niya iyon pinansin. Nakalapag sa mesa ang cellphone niya. At nadidistract siya sa ginagawa sa pagriring lang niyon. Di rin nagtagal ay inis na dinampot niya ang nakakarinding nagriring na cellphone niya.
“Ano?!” Bulyaw niya sa kabilang linya.
“Where are you?” Shockingly he was calm on the other side. Samantalang siya, wala na atang pag-asang kumalma.
“Wala kang pakialam! Mag-aalas onse palang, ang sabi ko ala-una ng tanghali. Hindi ko sinabing pumunta ka kung kailan mo gusto!” Inis na sagot niya bago ito pinutulan ng linya.
Pagod na siya’t heto pa ito at ginagambala siya. Hindi ba pwedeng matahimik ang kaluluwa niya kahit ngayong umaga lang?
Muli siyang bumalik sa kanyang ginagawa. Nilinis niya ang kusina at lababo matapos niyang patayin ang gas stove. Hindi pa man din siya natatapos ay nagring na naman ang cellphone niya. Naihampas niya ang kamay sa tiled sink in niya.
“Aray!” Napaigik siya dahil sa ginawa. Nang tingnan niya ang kamay ay namumula iyon.
Pucha talaga!
Padabog na kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag ni Adi.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||