#TEGR Chapter 47: Goodbye Hugs
"This is not a good idea." Kinakabahang wika ni Cindy. Sinulyapan lang siya sandali ni Adi bago itinuon ang paningin sa harap.
"Akala ko ba gusto mong ibalik kita?" Itinigil nito ang kotse sa harap ng bahay ni Clyde. Marahas na binalingan niya ito.
"Sira ulo ka ba?! Ang gusto ko, ako lang mag-isa ang haharap at magpapaliwanag sa kanya! Bakit nandito ka pa? Malaking gulo tong ginagawa mo e." Tinanggal nito ang seatbelt. Ganoon rin ang ginawa niya.
"Nandito na tayo. Wala ka nang magagawa."
Napabuga siya ng hangin nang buksan na nito ang pinto ng kotse. Wala na nga siyang magagawa. The least thing she can do is to prepare herself. Hindi niya alam kung paano magsisimulang magpaliwanag kay Clyde. Naiwan sa bahay niya ang cellphone niya at hindi niya alam kung ilang beses nang tumawag si Clyde roon. Wala siyang ideya maliban sa nalaman niya kay Avi na ilang beses na itong nagpabalik-balik sa boutique para hanapin siya. Hindi alam ng mga ito kung alam rin ni Clyde na nawawala si Adi.
"No, we have to find her. Ilang araw na siyang nawawala. I know she has that tendency to just leave and disappear but damn it, I have a bad feeling about this. Paano nalang kung hindi naman pala siya nagbakasyon lang para mag-isip? And she should have at least left a note or a message-" Natigilan si Clyde sa ilang katok na umistorbo sa kanya.
"Sir?"
"I'm busy, Ate Bing. Can you please wait a moment?" Sagot niya sa kasambahay niyang si Ate Bing.
"Sir, may naghahanap po kasi sa inyo. Cindy daw ho ang pangalan." Lumipad ang paningin niya sa pinto at kaagad na napatayo. Walang sabi-sabing ibinaba niya ang tawag.
Pagkakita palang ni Cindy sa paparating na si Clyde ay napatayo na siya. She saw relief flooded his face. Para bang lahat ng pagod at pag-aalala sa mukha nito ay nawala nang makita siya. Ngunit unti-unting bumagal ang paglakad nito hanggang sa tumigia ul ito matapos nitong makita kung sino ang kasama niya. Kaagad na binaha ang ekspresyon nito ng pagtataka. Nakikita niyang naguguluhan ito sa nangyayari.
"Clyde, we have to talk." Diretsong wika niya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Adi. Sumeryoso ang mukha nito pagkuwan.
"Of course, but I only listen to facts, Cindy." She shivered with the intense coldness in his voice. Napalunok siya.
Nakarating sila sa mini-library nito. Umupo silang dalawa ni Adi sa magkahiwalay na couch roon. Habang si Clyde naman ay nakaupo sa mesa nito. Parehong seryoso ang dalawang lalaking kasama niya. Ni walang naglakas ng loob na magsimula ng diskusyon. Para bang hinihintay talaga siya ng mga ito na magsimula. Napabuntong-hininga siya.
"I'm sorry, Clyde." His jaw clenched as he heard the first three words she said. Para bang nagkamali siya ng napiling salita upang magsimula. "Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magpaliwanag sayo. I hate explaining. It makes me feel guilty as hell. Pero hindi mo maiintindihan lahat kung hindi ko uumpisahan mula sa simula diba?"
Hindi ito nagsalita bagkus ay hinayaan siyang magsalita. Iyon nga ang ginawa niya. Inilahad niya rito ang totoo, magmula sa kung paano sila nagkakilala ni Adrian hanggang sa magkaroon sila ng maikli at patagong relasyon. Nasa parteng iyon palang siya ngunit kitang-kita na niya ang pagdidilim ng mukha nito. He looks like he was just holding himself because of her.
Dumako siya sa parte kung saan nabuo ang kasunduan ng kanilang mga pamilya. Alam nito sa una palang na tutol siya roon ngunit hindi nito alam ang totoong dahilan. Ipinagtapat rin niya ang totoong dahilan ng pagpunta niya sa US at ang biglaan niyang pagbalik ng Pilipinas. Humingi siya rito noon ng panahon upang hayaan siyang mag-isa. Hindi siya humingi ng definite time ngunit pinagbigyan pa rin siya nito.
BINABASA MO ANG
The Ex-Girlfriend Rule
RomanceScience has laws. Schools have rules. And so as relationships. HR: Romance #254 Copyright © 2014 by June. All Rights Reserved || REVISED ||