Chapter 11 : Kigdom of Heberlo

376 24 0
                                    


Rija point of view
Nakarating kami nang ligtas dito sa lugar nang Heberlo mga tatlo araw na byahe ang dinaan namin at ang sakit nang batang baba ko ngunit mamamngha ka sa lugar na ito kung ikukumpara sa kaharaian namin malaki ito at mukhang mas civilisado. Ngunit di ko kakayanin ang stress sa isang ito.

"Ginoo ,sigurado ka ayaw mo maging personal na kawal ko? Isa magandang embitasyon ito" tanong sa akin ni Gabriel, di ko siya tinitingnan at inaayos na lamang ang gamit ko wala yung mga kawal niya at nauna umalis kasama din nung ibang tao dito nagpaiwan siya dahil gusto niya ako kulitin

"Ayoko" sabi ko sa malalim na boses, at tumaan nalang sa harap niya. Bumababa na ako sa sasakyan nang di siya pinapansin at gumagawa nang kahit anong pagkakamali na magbigay nang clue kung sino ako , ang dami ko na talaga problema at yung iba gagawan ko palang nang paraan. Nang nasa labas ako huminga ako nang malalim at nagunat.Binabalak ko na maglakad upang umpisahan ang plano ko sa lugar na ito. Bibili ako nang mga armas at syempre libro na rin na magandang babasahin at yung isang libro na ninananis ko.

"Gagawin kitang kawal ko! Wala pa kahit isa ang tumangi sa akin" mayabang na sabi nito habang naglalakad ako paalis. Nang makaramdam ako nang kakaibang feeling isang feeling nung naramdaman ko nung nakaraang araw , konti lang ngayon ang mga kawal kaya naman agad akong bumalik sa pwesto ni Gabriel at sakto isang pana ang papunta sa direkyon namin sakto sakto ito sa posisyon namin kaya naman hinanda ko ang aking sarili para pigilan ito.

"Protektahan ang prinsepe!" sigaw nang isa sa mga kawal at sinundan nila ang nagpapana, at yung iba umalis mga tatlo kawal ang natira dito. Kasama ako sa nakatabi kay Gabriel.

"Maraming salamat" sabi nang isa sa mga kawal tinaguan ko na lamang ito, mukhang nasugatan yata ako doon.  Nakita ko nakatingin si Gabriel sa sugat ko kaya tinakpan ko ito nang isang kamay.

"Mamaya, pumunta ka sa palasiyo para magamot ang sugat mo" sabi  ni Gabriel. I looked at him. Mukhang wala na yung kalaban kaya lumayo ako nang konti sa kanya.

"Maliit na sugat lang ito" sabi ko at magtatangka na sana umalis nang humarang ang tatlo natitira kawal. Nagulat ako dahil pinigilan nila ako.

"Pag sinabi ko sasama ka sasama ka" sabi nito nang deretsiyo. Nainis ako kaya naman hinarap ko siya at tiningnan nang deretsiyo.

"Bakit niyo ba ako pinuwepersa ang sabi ko ayoko nga marunong ba kayo makinig?" sabi ko at pilit na magahahanap nang daan sa tatlo kawal.

"Gagamutin muna namin ang sugat mo saka ka namin hahayaan umalis at samahan mo na kami protektahan ang prinsepe papunta palasyo isa itong kautusan at nakatungtong ka sa lugar namin" sabi nang isa sa mga kawal tiningnan ko siya.

"At bakit ko naman gagawin yun? Wala ba kayo mga kawal na maari pumrotekta sa prinsepe niyo at isa pang commoner ang gusto niyo mag alalay alam ko labag sa batas yun !" pagkokontra ko sa nila,wala akong time sa kanila.

"Para sa kapakanan nang lahat ito at hindi nakasulat sa batas ang pagpwersa kung isang kautusan" sabi niya.  Nakatingin siya sa akin nang deretsiyo. I looked at him straight and nakataas ang kilay ko kanya desidido desidido itong kawal na ito.

"Sige" sabi ko at hindi na nagpumiglas, umalis naman sila sa harapan ko at makikita mo sa itsura ni Glent ang pagiging mayabang, tiningnan ko ito nang masama.

Inabutan nila ako nang isang espada at pana , nakita ko si Glent na kumikilos bilang prinsepe isang kilos maharlika marahil na sa lugar na kami nang Heberlo o marahil dahil marami na tao. Isang magarbong karwahe ang dumating, binalot ko nang tela ang sugat ko. Pumasok si Gabriel sa karwahe at sumunod naman ang tatlo guwardiya sa loob, hindi ako papasok doon kasi di naman nila sinabi baka hanngang dito lang ang pagaasis ko.

I Reincarnated In a BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon