Rija point of viewLumipas naman ang ilang araw kung saan nasa byahe pa din kami at yung dalawa tulog, si Gabriel parin ang magmaneho ngunit pinapalitan namin pag magpapahinga na siya,kaya kinatok yung sasakyan para magsignal na ihinto at mukha naman nakuha ni Gabriel ang signal ko.
Kaya naman bumaba ako nang dahan dahan para di magising ang dalawa ang cute tingnan nang dalawa dahil magkatabi sila at magkadikit ang ulo na parang mga bata. Pagkababa ko agad naman akong pumunta sa harapan. Gabi na at madilim at wala pa tulog si Gabriel ngayong araw kaya ako nalang muna magmaneho.
"Bakit?" tanong ni Gabriel.
"Ako na magmamaneho" sabi ko sakanya at halata naman ang pagkalito sa mukha niya dahil hindi pa ako nagpriprisinta magmaneho nung mga nakaraang araw.
"Alam mo ba ang papunta doon? Ilang araw na at ayaw mo naman magmaneho?" tanong nito pero mahahalata mo sa mukha niya ang pagod kaya nginitian ko siya.
"Hindi pero may nahanap ako mapa papunta doon kaya ako nalang, magtiwala ka sa akin" sabi ko .
"Delikado, baka maligaw lang tayo sa gagawin mo , bakit hindi nalang si Trimore?" sabi niya.
"Tulog si Trimore wag na natin istorbohin saka hindi yan di tayo maliligaw ako nalang diyan" pagpupumilit ko at tiningnan niya naman ako.
"Sige siguradohin mo" sabi niya kaya naman bumaba siya tinapik ko yung balikad niya nang unakyat ako kay Lora, hinimas ko iti para malaman kung pagod na siya ngunit mukhang hindi pa kaya napangiti nalang ako.
"Sigurado ka ba?" tanong niya nang nasa harap ko na siya at nakatingin sa akin nang deretsiyo.
"Oo" sabi ko sakanya habang nakangiti.
"Pumasok ka na mukha pagod ka na rin" dugtong na sabi ko sakanya at nginitian at halata ang pagtataka niya ngunit agad naman siya naglakad papunta sa likod upang pumasok
Narinig ko na nakasakay na siya kaya nagdesisyon na akong paandarin ang sasakyan.
"Hiya!" mahinahon na sigaw ko.
*A HOURS LATER
Mag-uumaga na at makikita ko sa malayo yung bayan napangiti ako dahil nakarating na rin kami. Ngunit nawala agad ang ngiti ko nang hininto ko yung sasakyan kasi may narinig ako nangyayari sa loob, bumaba ako at tiningnan ang nangyayari sa loob at di ko inaasahan nakita ko hawak ni Glent sa leeg si Gabriel at pinipigilan naman siya ni Trimore , nagulat ako sa nakita ko.
"Anong kaguluhan ito?!" sigaw na tanong ko sakanila at sa akin napunta ang attensiyon nila binitawan ni Glent si Gabriel at agad naman ako pinuntahan ni Glent at nagtaka ako .
"May masakit ba sayo?" tanong nito at nagtaka naman ako lalo , tiningnan ko siya nang may halong pagtataka.
"Huh? Ano naman ang dahilan at magkakaroon nang sakit sa katawan ko? Mayroon ba may sakit sa inyo?" tanong ko sakanila. Ngunit binigyan lang nila ako nang sagot na hindi.
"Hindi , dahil ako ang nakita niya nakaupo sa pwesto mo at hindi ikaw kaya nagalit siya at agad ako inatake" sabi ni Gabriel at nagtaka naman ako kinunot ko ang noo ko kay Glent ngunit tiningnan niya nang mariin si Gabriel.
"Hindi mo dapat hinahayaan ang isang babae na magmamaneho nang buong gabi! Isang kahibangan" sabi ni Glent sa madiin na tono. Kinurot ko si Glent.
"Ako ang nagsabi sa kanya" sabi ko kay Glent at tiningnan niya ako na may pagtataka.
"Bakit mo naman ginawa ang ganong bagay? Sana ginising mo nalang ako baka magkasakit ka" bulong na tanong nito sa akin.
"Tingnan mo si Rija naman pala ang nagdesisyon" sabi ni Trimore. bumaba naman siya sa sasakyan at halata sa mukha niya na bagong gising siya dahil kinakamot niya yung ulo niya habang humihigab.
BINABASA MO ANG
I Reincarnated In a Book
FantasiThis story is about reincarnation in a book. Our main character which is a girl she is a weeb and a full time book worm she love book so much. One day her favorite book destroyed which is she became frustrated then had a accident. She woke up on a s...