𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 63: Excuse Love Birds

385 9 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Cerrah

Lunch time ko nakilala ang Papa, Lolo at Lola ni Jenas, bukas daw ay pupunta naman kami sa bahay ng mga Salcedo para makilala ang iba pang miyembro ng pamilya. Sobrang bait ng family ni Jenas talagang hindi ko pinag sisisihan na sumama dahil ito ang pinaka masayang pangyayari ng aking buhay.

Nag kwentuhan kami ng mga pinsan ni Jenas buong maghapon sa kwarto namin habang si Jenas naman ay natutulog lang sa kama. Mabuti na lang at hindi nagrereklamo si Jenas sa ingay namin at gulo dahil ang ilan sa mga pinsan ni Jenas ay naghaharutan din sa kama na hinihigaan nya.

Duon ay nalaman kong si Orphen, kaibigan ng kinakapatid kong si Xerces ay Boss slash mortal enemy ni Sapphira 😂😂 Sina Mierr at Nieves naman ay nagtatrabaho sa sa magkapatid na Athrone De Silva at Coud Van Heilden na pinsang buo naman ni Orphen. Trivia pa na katunggali ni Xerces si Coud sa business na distillery. 🤣🤣 Ang liit ng mundo 🤣 Tapos si Graecious GF ng kuya ni Xenon, Big Brother ni Xerces. oh diba? maliit talaga ang mundo? mag pinsan ang jowa ng magkapatid? 🤣🤣🤣

Natatawa kami kay Nieves sa tuwing tinatawagan sya ni Coud dahil kahit pinayagan nya si Nieves ay maya't maya nya itong minomonitor na kung umasta ay nobyo nito pero based nga sa kuwento ni Nieves 'Ex BF' nya si Coud, sya rin ang lalaking kumuha ng virginity nya at muntik namang maging BF ni Mierr si Athrone kung nuong panahon na iyon ay legal age na si Mierr.

Kinagabihan...

Nag request ang mga girls na matulog kami sa iisang kwarto, hiwalay sa mga boys. Nag stay muna kami sa mansion ng mga Salcedo dahil mas malaki at malawak ang mga guest room duon kaya naman nakilala ko na ang iba pa nilang kamag anak. Tila Family reunion ang nangyari dahil sa nagkasama sama ulit sila. Inakala nilang may mga hindi makakarating dahil wala namang nag sabi na mag babaksyon sila pero mas nasurpresa pa silang lahat na biglang nag uwian ang mga kamag anak nilang nakatira sa ibang lugar. Nakilala ko sa Dinner sina Lolo Kiel, Lola Sun, kamukhang kamukha talaga ni Lola Moon, Nakilala ko ang Mommy ni Alyza na si Tita Megan, Daddy nila Alyza, Aluza at Aiola na si Tito Kifer, Parents nina Graecious at Sapphira na sina Tita Sabrina at Tito Marco, Parents ni Serene na sina Tita Sharina at Tito Alfred pati ang Tita Solen kasama ang Nobyo nitong si Tito Alfie (Uncle ng mag pinsang Adonis at Eugene) Si Adonis ay Bf ni Serene while Alyza and Eugene ay nasa stage pa ng pagiging MU Malanding Ugnayan. Si Raph ay friend nina Adonis na kalandian naman si Summer na friend nila Serene at Alyza.

Nasa guest room kami nagpapahinga nang...

"Ha?" napatingin ako sa salamin "Hindi naman ah!" sigaw ni Aiola napatingin kaming lahat sa kanya.

"Kanina mo pa sinusuklay ang buhok mo tapos nakatulala ka pa, nag da drugs ka ba?" tanong ni Sapphira na nag gugupit ng kuko sa kamay, natawa kami sa reaction ni Aiola, namumula na nahihiya 🤣

"Baka nami miss agad si Xerces" biro ni Serene na nag ta type sa laptop

"Oii, itigil mo muna ang trabaho" sita ni Nieves at dinaganan si Serene

"Wait masisira ang laptop ko" itinabi ni Serene ang gadget sa side table nya

"Wag kang mag alala nasa kabilang kwarto lang yun" wika ni Graecious

"Ligo tayo sa ilog!" aya ni Mierr

"Gabi na" sagot ni Aluza

"Masarap maligo ngayon, mainit ang tubig" gatong ni Sapphira "Tara!"

"Motor nalang sana tayo" wika ni Mierr

"Ayaw ko, baka hablutin ako ng zombie" sagot ni Aiola.

"Nilamon ka na ng systema ng mga zombies" sagot ni Sapphira

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon