𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 1 : The Plan

3.3K 35 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

*****JENAS

Habang nag aaral ako sa kolehiyo ay sikreto akong sinasanay ni Salvador para sa isang malaking misyon kapalit nuon ay ang arawang pasahod nya sa akin na iniipon ko para makabawi sa pagkalugi ng negosyo ng magulang ko. Kahit hindi nila sinasabi sa akin na nahihirapan na sila at nangangailangan ng tulong ay gusto ko paring maging parte ng ikagagaan ng buhay nila, ayaw kong maging pabigat sa pamilya kaya lihim akong nagtatrabaho bilang espiya sa under cover agent na si Salvador. Sa unang misyon namin na sugurin ang isang drug cartel ay naging successful, maraming pumuri sa sector namin (Civet Elite) dahil sa grupo nag mula ang intel at plano kung paano namin susugurin ang mga kalaban, salamat sa kaibigan naming si Saenz na tinitiis ang gabi gabing parusa ni Salvador dahil palaging huli sa training. Dahil sa kanya ay napilay ang sindikato, dahil din sa kanya ay natunton namin ang nobya kong matagal nang nawawala pero dapat ba akong matuwa? sa kabila ng magandang performance namin ay hinagpis ng puso ko, bakit? nakita ko sa operasyon ang walang buhay kong nobya, isang taon na syang nawawala, isang taon kong hinahanap at iniimbestigahan, nandito lang pala sya. Isang kabiguan sa akin ang hindi ko nailigtas sa kapahamakan ang babaeng pinakamamahal ko. Kung mas maaga kaming nakapunta ay baka naabutan namin syang buhay, pero huli na ang lahat. Paanong sa dinamirami ng impormasyong nakalap ko ay ni hindi ko man lang nalaman ang tungkol kay Savanna?

Ngayon ay naatasan nanaman ako sa pangalawang misyon, related ulit sa sindikatong may kagagawan ng pagkamatay ni Savanna. Kaya kahit delikado ay tinanggap ko ang misyon para maipag higanti ko ang babaeng ipinagkait nila sa akin.

*Flashback*
"Ang ikalawang misyon mo ay si Carl Anthony BuenaVista, isa syang miyembro ng sidikatong matagal nang minomonitor ng isa ko pang grupo, nag babalak syang tumalikod sa sindikato at mag witness kaya nalalagay sa alanganin ang buhay nya" Paliwanag ni Salvador habang tinitingnan ko ang files nya. "Ang misyon mo, Bago namin palabasin na namatay sa aksidente si Carl Anthony ay lalantad ka bilang mapapangasawa ng anak nya pero ang totoo ay itatakas namin sya at papatirahin sa isang safehouse, inaalala nya ang kaligtasan ng anak nyang si Cerrah Jane BuenaVista" tiningnan ko ang letrato ni Cerrah, maganda sya pero bata pa napangisi ako "Uulitin ko Rivera, Bago palabasing patay si Carl Anthony ay ipapakilala ka nya bilang mapapangasawa ni Cerrah. Yun ang gusto nya, anu't ano man ang mangyari ay kailangang mapalambot mo ang puso ng anak nya at binilin ni Carl na kahit humantong pa iyon sa mapa-ibig mo si Cerrah para maprotektahan sya. Hindi sya puwedeng makampante na may nobyo si Cerrah na kung sinu sino lang ikaw ang gusto nya at pinili nya na gumawa ng misyon" napatingin ako kay Salvador "Hindi mo trabaho si Carl, ang trabaho mo ay si Cerrah, kailangang mapanatili mong ligtas ang anak ni Carl hanggang sa muli natin syang palitawin para mag witness, kapag mapahamak si Cerrah ay mananatili syang tahimik kahit patayin sya ng sindikato nakasalalay sa sa iyo ang ikakatagumpay ng misyon natin" Sinarado ko ang files at ibinalik iyon kay Salvador
"Okay" iyon ang tanging sagot ko, ayaw kong mag dala ng mga gamit na ikapapahamak ko, isa na ang files na yan, mabuti na ang nag iingat "Oo nga pala, paano ako nakilala ni Carl Anthony BuenaVista?"
"Inalam nya ang files nyo at para sa kanya ikaw lang ang may potensyal sa plano" Paliwanag ni Salvador "Wag kang mag alala, may mag baback up sayo sa eskwelahan" wika pa ni Salvador
"Eskwelahan?" tanong ko
"Mag aaral ka ulit" sagot ni Salvador
"Pinagraduate mo ako para mag aral ulit?" tanong ko
"Sina Flare at Chase ay naka pasok na sa teritoryo ni Apollo Abellana, at ayon sa intel ko ay pag aaralin din sila ni Apollo sa darating na pasukan para protektahan ang anak nyang si Astrid Artemis Abellana" wika ni Salvador "Hindi ka ba nag tataka? Sina Carl Anthony at Apollo ay parehong under survaillance natin, pareho silang nangangating tumalikod sa sindikatong kinabibilangan nila at pareho nilang gustong maprotektahan ang anak nila, ibig sabihin, pag mapahamak ang anak nila ay masisira ang plano natin, hindi sila makikipag cooperate sa atin kapag may mangyaring masama sa dalawang tatawagin nating PRINSESA"

*End of Flashback*

Bagot akong nakatunganga sa harapan ng gate ng pamilya BuenaVista habang naka upo sa hood ng kotse ko. Grabe naman tong misyon ko, magpapanggap ako na Bachelor Billionaire haha tapos mag aasawa agad, ano kayang reaksyon ng magulang at mga kapatid ko kung malaman nilang ikakasal ako hahah!? pero... wala silang alam tungkol sa trabaho kong ito, ang alam nila busy ako sa pag mamanage ng negosyong naipundar ko.
"Sir kanina pa po nakatambay sa labas ng gate yung lalaki nakaupo sa bunganga ng kotse" narinig ko ang boses ng isang babae na tila nagtatago sa loob ng gate at sumisilip sa butas, hindi ko sya pinansin "Sir gwapo eh kaso parang t*nga lang" napatingin ako sa kinaroroonan ng boses anong parang t*nga lang? biglang bumukas ang gate at lumabas ang security guard
"Sir bakit ka po nakaharang sa drive way? bawal po yan, nakakaabala ka po sa dadaan" sita sa akin ng security guard na alam kong handang makipag putukan ng baril kung malagay sa alanganin.
"Nanjan ba si Carl Anthony BuenaVista paki sabi ako si Jenas Rivaii yung papakasalan ng anak nya" bagot kong sagot, muli ay pumasok ang gwardiya at sinara ang gate, maya maya ay lumabas siya habang ang mga kasambahay naman ay binubuksan ang gate
"Sir pumasok na daw kayo pero kailangang ang driver namin ang mag maneho ng sasakyan mo at kailangan kapkapan kita" wika ng gwardiya, tinaas ko ang kamay ko na tila naka surrender
"Sure" sagot ko. Nang makapa na nya ang katawan ko ay sinundan nya ako hanggang sa makapasok sa bahay. Hinatid nya ako sa isang opisina at duon ay pinapasok nya ako.
"Maupo ka" wika ng lalaking naka upo sa swivel chair at namumukhaan kong sya si Carl Anthony BuenaVista "Jenas Rivaii?"
"Ako nga" sagot ko.
"Siguro naman alam mo na ang plano" wika ng lalaki
"Alam ko na, napag aralan at napaghandaan ko na" sagot ko "Takdang araw na lang ng pagkamatay mo ang hinihintay ko bago kami kumilos"
"Gawin mo ang lahat para ma protektahan ang anak ko, sya na lang ang natitirang kayamanan ko" wika ng lalaki hindi man literal na nag mamakaawa ay alam kong hinihiling nyang alagaan ko ang anak nya. "Kung kinakailangang masaktan ang damdamin ng anak ko ay titiisin ko kaysa naman makuha sya ng kalaban. Wala akong pakialam kung isipin nyang mapapangasawa ka nya basta gusto ko palagi kayong magkasama para palagi mo syang mabantayan"
"Walang problema sa akin yan kahit ibuwis ko pa ang buhay ko basta susunod ka sa usapan" sagot ko "Ayaw ko sa bahag ang buntot" lumapit sya sa akin at nakipag shake hands
"Salamat" wika nya "Sana mapagpasensyahan mo ang anak ko"
"Sa tono ng boses mo mukhang matigas ang ulo ng anak mo" nakangisi kong wika
"Medyo" sagot nya.
"Mukhang iyon ang hindi ko napag handaan" wika ko. "Nasaan na sya? ipakilala mo na ako sa kanya nang matapos natin ng maaga ang getting to know each other namin" bagot kong wika "Sya nga pala Carl Anthony, Kahit na ipapakilala mo ako bilang future husband ng anak mo, wag mong isiping magiging sweet ako sa kanya dahil hindi ako mahilig sa vanilla romance"

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

Civet Elite Group Members

Superior: Quivenn 'Salvador' Alvarez
Flare Cardinal (Fleyr)
Chase Alvarez (Cheys)
Saenz Saenz-Fortalejo (Sa-enz)
Jenas Rivaii Rivera (Je-nas)
Getrude Woodrow (Jer-trud)
Sylfaen Deliora (Sil-feyn)
Segen Montefalco (Seg-en)
Blake Baltazar (Bleyk)
Blass Baltazar (Blas)
Sendo Akira (Sen-do)
Sagara Yu (Sa-ga-ra)
Argel Marquez (Ar-jel)
Diether Barrios (Di-ter)
Wise Sky (Wa-is) (Ways)-tagalog
Ren Ichika
Kira Alabama

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

Cast

Cerrah Jane BuenaVista
Astrid Artemis Abellana
Jenas Rivaii Rivera as Jenas Rivaii
Flare Cardinal as Flare Coldblood
Chase Alvarez as Chase Tracker
Saenz Fortalejo as Saenz Saenz
Gertrude Woodrow as Jenah Mayer
Mhar Thomas
Yvone Dean-Thomas
Jofer Capriano
Zaolo Malvar
Nova
Hazel
Khim
Jhec
Ivy
Sendo Akira

other

Carl Anthony Buenavista
Argz
Czacarly
Rej
Roiwie
Mae
Champ
Aleeiah Sanchez -Student Council President
Ysabel Flores -Criminology Course Muse
Liana

Agatha Eclaveria Thomas - School Dean
Kutaro Thomas
Marian Dean-Thomas
Quivenn 'Salvador' Alvarez
Savanna
Kira Alabama

Extra
Akiko Crisostomo
Kit
Troy
King

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon