🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸***** Cerrah
Nang makarating kami sa bahay ay hindi na nagtaka pa si Daddy kung saan kami galing, siguro iniisip nya na naka costume lang kami. Hindi ko na ikinuwento pa kay Daddy ang nangyari, naisip kong di nya ako titigilang kuwestiyunin kung malaman nyang na kidnap kami, pagod na pagod na ako at gusto ko munang mag pahinga. Balak kong bukas nalang sabihin sa kanya kasabay ng pagpunta ng mga pulis.
Nagising ako bigla sa sobrang uhaw, Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko 4:45 am palang, tumayo ako sa kama para kumuha ng tubig sa ibaba. Pag diretso ko sa kusina ay uminom ako, kumuha rin ako ng reserbang tubig na dadalhin ko sana sa kwarto pero bagopa man ako makapasok sa kwarto ko ay narinig ko ang galit na sigaw ni Daddy sa opisina nya, dahan dahan akong lumapit sa pinto. Sa totoo lang ay sound proof ang office ni Dad pero dahil sa hindi nakasara ng husto ang pinto at bahagyang nakauwang ay naririnig ko ang usapan niya kay... pag silip ko ay nakatayo si Jenas sa harapan ni Dad, sinilip ko ang nangyayari sa loob
"Ipinag katiwala ko sayo ang anak ko Jenas! hinayaan kong gawin mo lahat ng gusto mo sa anak ko alang alang sa ikakatagumpay ng plano! Ipinangako mong poprotektahan mo si Cerrah pero bakit napunta sya sa kamay ng kalaban?!" galit na galit si Daddy habang si Jenas ay tahimik lang. plano? poprotektahan? kalaban? kinakabahan ako sa usapan nila. "Sabihin mo Rivera, paano ako mag wi witness at tatalikod sa sindikato kung ang pag iiwanan ko sa anak ko ay pababayaan lang sya?"
"Hindi ko pinabayaan si Cerrah" matigas ang tono ni Jenas
"Hindi? anong nangyari sa inyo? kamuntik muntikan na kayong mamatay ah!" sigaw ni Dad "Pumayag akong magpanggap ka na magiging asawa ka nya para mas mabantayan mo sya ng husto pero nabigo ka parin!" sigaw ni Dad, nanikip ang dibdib ko sa kirot na naramdaman ko nang marinig ang sinabi ni Daddy "Binigyan mo ako ng dahilan na mag dalawang isip kung mag titiwala ako sa abilidad nyo o hindi"
"Dad" bigla akong umeksena sa dalawa, parehong nabigla si Dad at Jenas sa bigla kong pagpasok sa kwarto "What are you talking about? anong plano, pagpapanggap, kalaban?" salitan kong tiningnan sina Daddy at Jenas "Anong nililihim nyo sakin? bakit nyo ako niloloko"
"Anak, we're just talking about business, bakit naman kita lolokohin?" deny ni Daddy
"Stop lying Dad! narinig ko ang usapan nyo! All I want from you is to clarify everything!" sigaw ko "Both of you needs to explain what is happening right now!" I looked at Jenas "Especially you Jenas, I want to talk to you in private"
"Lumabas ka muna Rivera" utos ni Dad, napanganga ako, sa ikalawang pagkakataon ay narinig ko nanaman ang word na RIVERA, sinundan ko ng tingin si Jenas hanggang sa makalabas sya ng office, Rivera? pati ba naman sa apelyedo nag sinungaling sya? umupo si Daddy sa upuan nya at natahimik.
"Talk" utos ko
"I'm involved to a syndicate" wika ni Dad, natigilan ako "Human traficking Syndicate where our group recruit women promising them a better job abroad but the truth is, We're going to sell them to be a s*x worker" pag amin ni Daddy.
"I can't believe you can do such things Dad" naiiyak kong wika "You're a monster"
"Yes, I am Cerrah" sagot ni Daddy "I became a monster since you're mother died"
"I thought, iniwan lang tayo ni Mom at inisip mo nalang na patay na sya para maka move on ka?" tanong ko
"She's not your biological Mom, She's your Home Nurse" sagot ni Dad
"Daddy nalilito ako, ano ba talagang nangyayari? ano ba talagang kwento ng buhay ko, buhay mo? buhay nating lahat dito?" tanong ko "Please be honest to me, I'm tired of being stupid Dad"
"Hindi maganda ang buhay natin nuon Cerrah, Mahirap lang ako gayun din ang Mommy mo, Nang ipanganak si Cyan-" di ko pinatapos ang kwento ni Daddy
"Who's Cyan?" tanong ko
"He's your older brother" sagot ni Dad. Napangiti ako, madami pala talaga akong hindi alam sa buhay ko. "Nang ipanganak si Cyan ay naranasan namin kung gaano kahirap maging magulang kaya natuto akong mag negosyo pero palaging nalulugi. Kaya naman nang ipagbuntis ka ng Mommy mo ay pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko ipaparanas sayo ang mga pagkukulang namin na naranasan ng kuya mo. Kahit masama ay natuto akong mag nakaw para may maiuwing pag kain gabi gabi" nanatili parin akong nakatitig kay Daddy "Hanggang sa mapunta ako sa sindikato nuong una ay bilang tauhan lang, sumunod ay naging kanang kamay ako, hanggang sa bigyan ako ng sariling sakop at maging boss sa sariling grupo. Naging mayaman tayo, naging maayos ang buhay natin pero sa di inaasahang pagkakataon ay naaksidente ang sinasakyan nyong kotse nang sunduin kayo ng Mommy nyo sa school. Dead on arrival ang Mommy at Kuya pati ang Yaya nyo habang ikaw naman ay nabulag dala ng mga bubog na tumusok sa mata mo. Sobra kang na trauma non, hindi ka nag sasalita, hindi ka kumikibo o kumakain ng maayos hanggang sa isang araw ay tinawagan kami ng doctor na mayroong willing na mag donate ng cornea sa iyo" duon ay naalala ko si Astrid at ang Cornea ng Mommy nya
"Did you know them?" tanong ko "Yung family ng nag donate ng cornea sakin?"
"No" sagot ni Daddy "Iyon ang kundisyon ng pamilya ng nag donate sayo. Huwag ipaalam ang tungkol sa kanila at maglaan ako ng tatlong oras kada araw para makalaro ka ng anak nya. Hindi ako pwedeng magpakita, at hindi ko pwedeng makita ang bata na nakikipaglaro sayo. Sinunod ko ang kundisyon nila dahil iyon ang nakakatulong sayo na maka recover agad, palaging sinasabi ng doctor at nurse na aktibo ka tuwing kasama mo ang bata. Nang madischarge ka ay lumipat tayo ng tirahan after that lalo kang tumamlay, palagi mong napapanaginipan ang Mommy mo, gabi gabi kang umiiyak kaya nag pasya akong bumalik sa sindikato para pumayag na turukan ka ng nanochip na nag lalaman ng ledger dahil alam ko ang side effects non, Mawawalan ka ng ala ala pero hindi ko inakalang maliit na portion lang pala ng memories mo ang mawawala, pumanig lang sakin ang pagkakataon dahil sumaktong ang nabura sa ala-ala mo ay ang aksidente at lahat ng may kinalaman sa Mommy at Kuya mo " kwento ni Daddy. Parang baliktad, dapat ang pamilya ng donor ang walang alam tungkol sa pinagbigyan ng organ.
"How about Jenas? ano sya sa buhay natin?" tanong ko
"He's your personal bodyguard" sagot ni Daddy
"Why do I need a body guard?" tanong ko
"Kinuha ko si Jenas para bantayan ka, Nagpasya akong tumiwalag sa grupo at mag witness nang malaman kong hindi aksidente ang kinamatay ng Mommy at kuya mo."
"Pero bakit kailangan pang magpanggap na ipapakasal ako sa kanya?!" galit kong tanong
"Dahil hindi ka mababantayan ni Jenas kung palagi mong kasama ang boyfriend mo Cerrah" sagot ni Daddy "Ayaw kong malaman mo ang sikretong tinatago ko dahil natatakot akong pati ikaw ay iiwan ako, ayaw kong masira ang imahe mo sa school nyo, isang taon na lang ga graduate ka na, kung sakaling pumutok ang pangalan ko bilang isang sindikato, gusto kong wala ka na sa eskwelahang tumitingala sa imahe mo, ayaw kong ma bully ka, ayaw kong mawalan ka ng self confidence"
"That's it" pag pigil ko kay Daddy "Thank you for telling the truth, now I need to confront Jenas" padabog kong isinara ang pinto ng opisina ni Dad
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
Novela JuvenilBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...