𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 17 : Acquaintance Party

547 22 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** CERRAH

Mabilis lang na dumaan ang araw Acquaintance Party na!

Sa Reception ay nagulat ang lahat ng estudyante nang biglang mag flashmob ang Course ng BSCS from 1st year to Fourthyear. Pero syempre kaming mga officers ay hindi kasali kasi kami ang choreo at taga cue nila ngayon.
Nang nasa ballroom na kami ay nagpasya akong umupo sa sulok para ipahinga ang paa ko, grabe sobrang nakakapagod pero enjoy naman, Iginala ko ang paningin ko para hanapin si Jenas, nasan na kaya yung lalaking yon? kanina pa hindi nagpakita, talagang tinotoo nyang magtatago sya para hindi sya mapasayaw sa flashmob, kinakantsawan kasi sya nila Mhar na sumayaw dahil sya ang president ayun, nagtago ano ba yan KJ!

Nagkanya kanya ang mga kasama ko na sina Argz, Rej, Roiuie, Mae, Czacarly, Gelo at Vivyd. Sila ang itinuring kong kaibigan since 1st year pero sila pa ang nang iwan sa akin sa ere mga walang hiya, hahah sarcasm!

Hinihilot hilot ko ang binti ko nang lapitan ako nina Nova, Hazel, Khim, Jhec, Yvone at Ivy bitbit ang kanikanilang juice.

"Haay salamat umalis na sila" wika ni Jhec at umupo sa sofa, masayang tumabi sa akin si Yvone

"Cerrah, I made this bracelet for you! it's a symbol of our friendship" wika nya at kinuha ang kamay ko para isuot sa aking wrist.

"Tha- thank you Yvone" nahihiya kong pasalamat, grabe, baka mag selos sakin sina Hazel dahil binigyan ako ni Yvone ng bracelet

"Ang sweet nya diba?" tanong ni Khim "Sya lang gumawa nyan" wika nya sabay taas ng wrist nya, may roon din syang bracelet, isa isa ring itinaas nina Jhec, Hazel, Nova at Ivy ang wrist nila kaya nakita ko rin na may bracelet sila.

"Lahat tayo meron nyan kahit yung apat na harot" natatawang wika ni Yvone patungkol kina Mhar, Jenas, Zaolo at Jofer "Kaso iba iba ang kulay depende sa personality natin"

"Bakit hindi kayo mag sayaw sa stage?" tanong ko

"Kasi ayaw mo" sagot ni Nova

"Ha?! naku! mag enjoy lang kayo okay naman ako dito eh" sagot ko

"Okay lang din kami dito" nakangiting sagot ni Jhec

"Tama, mas nakaka enjoy yung nakaupo lang dito hindi ako mapapagod" wika ni Ivy at naka de kwatro sa upuan.

"No girls, enjoy your night. I'm really fine here" pilit ko

"Alone?" tanong nila "There's no freaking way na iiwan ka naming mag isa dito"

"Kapag kasama mo ang BF mo or si Jenas baka may chance na umalis kami" wika ni Ivy "Wala kaming tiwala sa mga lalaki dito. Pare pareho lang ang hilatsa ng bituka"

"Except me" biglang sumabat si Champ bitbit ang kanyang juice "Hindi ako kagaya ng mga lalaki mga inday, hindi ako pumapatol sa mga girls, for me cannibalism yun" Natawa kami sa biro ni Champ

"Kapag BF mo ang kasama mo hindi parin ako aalis dito pero kapag si Jenas magtitiwala ako" pagdidiin ni Hazel

"Move on day!" tinapik ni Champ si Hazel

"Move on?" tanong ko

"He's my ex" sagot ni Hazel at nag pamaywang "We've been in a relationship For 4 freaking years yet he cheated on me" Medyo natigilan ako, ako ba ang dahilan ng break up nila? "Don't worry Cerrah yung best friend ko ang nang ahas sakin" nakahinga ako ng maluwang sa narinig ko.

"Parang gusto ko nang sumayaw" tumayo si Jhec "Wait nyo lang ako, kukunin ko lang si Jenas"

"Alam mo kung nasaan sya?" tanong ko

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon