𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 13 : Salvador - Superior of Civil Elite

665 22 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Nalaman ni Carl Anthony BuenaVista tungkol sa nangyayari sa bureau kaya naman ay nagdoble ingat sya at nag hire pa ng maraming gwardiya sa buong kabahayan at mismong bodyguards nila ay nadoble pa ng bilang. Pinayagan nya akong umalis ng kahit isang gabi lang para pumunta sa burol ng mga Superiors namin na pinatay.

Nang nasa funeral na ako ay maraming tao ang nakaupo sa upuan, mula sila sa iba't ibang department at sector, yung iba ay hindi ko na talaga kilala, Nakahilera naman ang mga kabaong ng namatay na 12 superiors namin habang nasa harapang parte ng upuan ang mga nag dadalamhati nilang pamilya.

"Jenas" biglang tawag sa akin ng pamilyar na boses, si Saenz iyon. Nilingon ko sya kasama si Gertrude.

"Nasaan si Salvador?" tanong ko

Tinuro ni Getrude ang nasa pang limang kabaong, paglingon ko ay walang pamilya ang nakaupo para ipagdalamhati ang kanyang bangkay. Lumapit kaming tatlo sa kabaong ni Salvador

"Sigurado akong hindi makakarating sina Flare at Chase" wika ni Gertrude habang naglalakad kami "Inimbita ako kanina ni Astrid sa bahay nila at ang masasabi ko lang ay talagang mahigpit ang bantay nila" Naiiintindihan ko, sina Flare at Chase ay kasalukuyang penetrating agent, pumasok sila sa lungga ng kalaban para makapagtiktik at makakalap ng ebidensya at impormasyon tungkol sa kalakaran ng kalaban samantalang ako ay parang bodyguard na ng anak ni Carl Anthony na si Cerrah Jane at sina Saenz at Gertrude naman ay ang taga balance sa amin, sa aming lahat sina Chase at Flare ang nasa kritikal na misyon, duon sila nilagay ni Salvador kaya alam kong maiintindihan nya kung bakit wala ang dalawang paburito nyang bataan.

Huminto kami sa tapat ng kabaong ni Salvador at tiningnan ang pagkakahimlay nya. Parang kailan lang ay magkausap pa kami pero ngayon ay wala na sya. Nabigla ako nang may umakbay sa akin, paglingon ko ay sina Sylfaen, Diether, Blake at Blass mga kasamahan ko sa training kasunod nila sina Segen, Ren, Sagara, Argel, Wise at Sendo na hawak din ni Salvador pero na destino sa opisina. May bitbit silang mga bulaklak. napakamot ako ng ulo, Oo nga pala, nalimutan kong magdala ng bulaklak. Walang nag salita ni isa sa amin, matama lang kaming nakatingin sa kabaong ni Salvador. Alam kong ayaw ng mga kasama ko na ipakitang apektado sila sa pagkamatay ng Superior namin, alam naming nasa loob lang ng bureau ang kalaban at matamang nagmamasid sa amin, alam iyon ng bawat isang tao na nasa loob ng purenarya, Kung makita ng kalaban na nasisiraan kami ng loob ay lulubusin nila ang pagkakataong mahina at vulnerable kami pagmagkataon ay talagang mauubos kaming lahat at mawawalan ng saysay ang ipinaglalaban namin. Hustisya para sa mga mahal namin sa buhay na naapektohan ng sindikatong tinatrabaho namin at paghihiganti. Nang bigyan kami ng command ni Sir Kutaro na mag disperse para maiwasan ang pagkaka expose ng mga itsura namin sa loob ng Organisasyon ay napagpasyahan naming magkakagrupo sa Civet Elite (Pangalan ng Grupo na hawak ni Salvador, iba rin ang pangalan ng grupo na hawak ng iba pang Superiors) na magsama sama sa iisang lugar para makapag usap usap ng masinsinan. Tumuloy kami sa rest house ni Sendo di kalayuan sa pinaggalingan namin.

Nakahiga ako sa isang Boho sofa habang si Segen naman ay naka salampak sa Safari rug habang naka sandal ang likod sa sofa na hinihigaan ko, Si Blake naman ay pilit na sinisiksik ang katawan sa isang Boho arm chair habang sina Diether, Sylfaen at Sagara ay nasa Rheims mini bar at umiinom ng alak habang nakatayo at si Ren naman ay nakaupo sa Rheims chair habang naka patong ang ulo sa mini bar. Si Sendo ay naka upo sa isang plush armchair. Dumating si Gertrude bitbit ang tray ng pagkain kasama si Saenz dala ang tray ng inumin. Inilapag nila ang dala sa arabeque table. Umupo si Saenz ng pa indian sit sa Safari rug. Mula naman sa pagkakahiga sa Safari rug ay umupo si Argel para kumuha ng inumin. Si Blass naman ay galing sa Alexadria Bookcase bitbit ang isang makapal na libro ay umupo  sa paanan ko.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon