🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸***** Saenz
Nag mamadali ngunit maingat kaming sumugod sa hide out ng school dean namin, sino bang mag aakalang sya ang traydor sa bureau? sinong mag aakalang kaya nyang patayin ang asawa ng kapatid nya? Baliw na sya, hindi na makatwiran ang tumatakbo sa utak nya. Habang tinatahak namin ang madumi, mabaho at madilim na daan sa sirang gusali ay nakikipag barilan kami sa mga sumasalubong sa aming kalaban. Nang makarating kami sa isang kwarto ay narinig namin ang boses ni Mhar na sumisigaw at humihingi ng tulong kaya naman ay pwersahan naming sinira ang pinto, tumambad samin sina Mhar at Yvone, pareho silang nakatali pero magkatabi
"Mhar" wika ni Jofer at tumakbo para kalasin ang tali pagkatapos ay binaril ang kadena sa paa.
"Yvone" Lumapit si Zaolo kay Yvone at kinakalasan din ang tali ni Yvone nang makita ko sa kabilang sulok sina Cerrah at Jenas na magkayakap pero walang malay, nang mapansin ko ang dugo sa buong katawan ni Jenas ay nataranta ako
"Jenas!" sigaw ko at lumapit sa kanila, sumunod sakin sina Flare at Chase habang ang ibang kasamahan namin sa Civet at mga back up sa bureau ay nakikipag bakbakan sa kalaban at nakakalat sa buong building, nag babantay naman sa pinto sina Gertrude at Sendo. Pinulsuhan ko si Cerrah, buhay pa sya pero bakit si Jenas?
"Anong nangyari kay Jenas?!" tanong ko kay Mhar" May tinurok si Ma'am sa leeg ni Jenas tapos lumipas lang ang ilang sandali biglang may tumulong dugo sa mata, ilong at bibig nya" nag aalalang sagot ni Mhar at lumapit samin pero pinigilan sya ni Jofer
"Kailangan nyo nang mailikas, masyadong delikado kung macorner tayo, dead end na ang kwarto na to" paliwanag ni Jofer
"Hindi gumigising si Cerrah, Si Jenas naman sumuka ng dugo na buo buo" naiiyak na sagot ni Yvone "Okay lang sila diba?" tanong nya. "Okay lang si Jenas" Hindi kami nakasagot kaya humagulhol ng iyak si Yvone
"Jofer, mauna na kayo para ma i cover kayo nila Gertrude at Sendo" utos ko
"Pano Si Cerrah?" tanong ni Jofer
"Ako nang bahalang mag buhat sa kanya, Unconscious si Cerrah pero may pintig ang pulso nya" sagot ni Flare at pinasan si Cerrah. Tumingin ako sa relo ko,
"Limang minuto" wika ko "Kailangan nyo silang mailabas ng building sa loob ng limang minuto"
"Paano kayo ni Jenas?" tanong ni Flare
"Nag tawag na ako ng back up, siguradong makakasalubong nyo sila" wika ni Chase
"Hindi na namin kayang buhatin pa si Jenas, sobrang bigat na ng katawan nya" sagot ko. Di ko namalayang napaluha ako nang maisip na kasalukuyang nakikipag laban si Jenas kay Kamatayan. Parang nawawalan ako ng pag asa sa kundisyon ng katawan nya.
Ilang minuto lang buhat ng umalis sina Jofer, Zaolo, Mhar, Yvone, Flare, Cerrah, Sendo at Gertrude ay dumating sina Segen, Sylfaen, Faraday at Wise. Pinagtulungang bitbitin nina Faraday at Wise si Jenas habang kami nina Segen, Sylfaen at Chase ay nakikipag barilan sa mga nakakasalubong naming kalaban.
Hindi ko na natapos ang misyon ko dahil nang mailapag nila si Jenas sa loob ng ambulansya ay dinala agad sya sa ospital. Blanko na ang isip ko, Basta nang makarating kami sa ospital ay patakbong tinutulak namin ang stretcher na hinihigaan ng duguang si Jenas hanggang sa harangin ako ng isang nurse at pinag sarhan ako ng pinto. Tumingala ako sa pinto. Nasa Emergency Room na si Jenas, sinapo ko ang mukha ko at inuntog untog ang ulo sa pader habang nag susuntok rin.
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
TienerfictieBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...