𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 61: Moon, Sun, Kiel, Janus

371 12 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Jenas

Hindi na ako inantok nang maramdaman kong bumibilis ang takbo ng bus, kailangan kong maging aware dahil baka inaantok narin ang driver kaya sa mga sumunod na bus stop ay inalam ko muna kung natutulog ang driver kapag break nya.

"Cerrah gising na" pag gising ko kay Cerrah

"Hmmmm" parang ayaw pang dumilat ni Cerrah

"We're here" wika ko, agad syang nag mulat ng mata at tumingin sa weist watch nya

"It's only 3 a.m akala ko ba 12 hours ang biyahe?" tanong ni Cerrah

"Bumilis yung pagpapatakbo sa bus" sagot ko,

"Excuse po" wika ng batang babae na dadaan pababa ng bus, umusog ako ng kaunti

"Tara na, tayo nalang ang naiwan dito, kukunin ko pa yung mga bagahe natin sa baba baka tangayin nila" wika ko. Sumunod sa akin ang antok na antok na si Cerrah. Pag baba namin at nang nakuha ko na ang mga bagahe ay umupo muna kami sa guest section ng terminal "Mag check in muna tayo sa motel na malapit dito"

"Ano?! bakit naman?" tanong ni Cerrah

"Mamayang 10 a.m pa ang 1st trip ng jeep na sasakyan natin papunta samin, kailangan pa nating bumiyahe ng 2 hours lulan ng jeep" paliwanag ko "Willing ka bang mag hintay dito?"

"Nang naka upo?" tanong ni Cerrah "No way! mag motel na tayo nang makahiga ako ng maayos, ang sakit sakit na ng likod at balakang ko"

******
Nag palipas kami ng oras sa isang motel malapit sa terminal ng jeep na sasakyan namin, natulog kami ng hanggang alas otso ng umaga bago kami lumabas para mag almusal, nag picture taking pa si Cerrah bago kami bumalik sa motel para kunin ang mga baggage at mag check out nang 9:30 a.m Pag dating ng jeep na sasakyan namin ay inaya ko si Cerrah na sa ibabaw kami sumakay dahil ma so suffocate kami sa loob ng jeep. Kahit nasisikatan ng araw ay hindi naman alintana ni Cerrah ang init dahil sa preskong hangin at magagandang tanawin. Nag eenjoy din sya dahil first time lang rin daw nyang sumakay sa ibabaw ng jeep, Namangha pa sya nang pag bigyan ng driver ang request ko na i sakay ang jeep sa malaking balsa para itawid sa ilog kahit na may madadaanan namang matibay nang tulay. Mabuti nalang at malapit na kamag anak ni tatay ang driver kaya pumayag sya ng walang kapalit, tuwang tuwa si tiyo sa pag dating ko at lalo syang natuwa dahil may bitbit akong babae.

"Anong sabi ng tito mo kanina?" tanong ni Cerrah habang nag lalagay naman ako ng bagahe sa loob ng tricycle

"Tinatanong nya kung kailan ang kasal natin" bagot kong sagot. Natawa si Cerrah sa narinig nya "Sinabi ko na sayo, mag a assume yung mga tao dito na aasawahin kita, bago ka pa makapag paliwanag naitatak na nila sa isip nila na kaya kita inuwi para asawahin"

"Ako nang bahala mag paliwanag wag mo nang istressin ang sarili mo mapapanot ka ng maaga nyan" biro ni Cerrah

"Jan ka sa loob, sa back ride na ako" utos ko.

***** Cerrah

Pag baba namin ng tricycle ay tumambad sa akin ang isang malaking grill na gate, kitang kita ang laki at lawak ng malinis, maaliwalas, presko at magandang lote na may mga tanim na iba't ibang makukulay na bulaklak, kitang kita ko rin ang maraming paru paro na nalipad sa mga tanim

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon