𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 65: Stroll

394 13 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Jenas

Habang nakikipag usap ang mga pinsan ko kina Coud, Athrone at Orphen ay kausap naman namin ni Cerrah si Aiola. Masaya akong nagiging close ang dalawa atleast hindi ma O OP si Cerrah kahit na friendly ang mga pinsan at kapatid ko iba pa rin yung may kakilala ka. Kaso nagpaalam sa amin si Aiola nang magkatinginan sila ni Xerces.

Nagpaliwanag na sina Nieves at Mierr sa akin tungkol sa trabaho nila kaya medyo nabawasan na rin ang hinala ko kay Coud at Athrone, Naging open pa ang buong pamilya namin sa kanila dahil kay Orphen na magaling mambudol ng tao. Masyadong friendly si Orphen kaya nakakapag taka talaga na magkaaway silang dalawa ni Sapphira. Hindi ko na rin pinapakialaman ang trip ng dalawang yun dahil ayaw kong makasira ng destiny hahah! talagang naiinis sakin si Sapphira tuwing binubulungan ko sya na bagay sila ni Orphen.

Nag aya sina Sapphira na mag stroll kahit na umuulan. Hindi sumama si Graecious dahil wala daw ang love life nya, ayaw nyang mainggit sa amin dahil puro may partner daw kami. Sina Xerces at Aiola naman ay bigla nalang nawala, inisip tuloy namin na nag me make up session ang dalawa sa isang pribadong lugar.

Nakasakay kami ni Cerrah sa Explorer, sina Orphen at Sapphira lulan ng NMax, Sina Coud angkas si Nieves lulan ng Ninja, Aerox naman ang sinasakyan nina Athrone at Mierr samantalang sina Adonis at Serene ay nakasakay sa kalalaw kasama sina Raph, Alyza at Aluza samantalang sina Eugene at Summer ay nakasakay sa XRM nang makasalubong namin sa daan sina Xerces at Aiola

"Saan kayo?" tanong ni Xerces. Malakas na ang pag bayo ng ulan at malamig na ang bugso ng hangin, basang basa na rin ang buong katawan naming lahat.

"Stroll" sagot ko "Sama kayo?"

"Tara! bawal KJ!" aya ni Eugene

"Sama na kayo, si Sir Athrone nga sumama eh" gatong ni Mierr

"Come on!" wika ni Sapphira

"Ano sama tayo?" tanong nya kay Aiola, tumungo tungo sya "Sige sige"

Sinundan nilang lahat ang ruta na pupuntahan ko, una ay pumunta kami sa tulay. Kahit malakas ang ulan ay hindi naman nag wawala ang ilog, payapa parin bagamat malakas ang daloy ng tubig, kumukulog sa paligid ngunit kumikidlat sa kabilang bundok, may mga parte ng kalangitan na madilim, ang ilan naman ay maliwanag pero naulan, ipinagpatuloy namin ang pag gagala hanggang sa umambin ambin na lang. Bumaba kami sa ilog at tumambay, nilusong namin ang hanggang binting lalim ng malinis na ilog. Nakapagtataka, umulan pero bakit malinis ang ilog? tila wala itong bahid ng kung ano mang putik at ang tubig, mainit init. Lahat kami ay lumusong, yung iba umupo, yung iba humiga habang naka unan sa bato at ang ilang lalaki ay nag linis ng gamit na motor.

"Ang init ng tubig no?" tanong ni Sapphira

"Yeah, relaxing" sagot ni Orphen habang nakahiga at nakapikit, natawa si Sapphira

"Ihi ko yan eh! hahah!" agad tumayo si Orphen

"Eewww!" nandidiring sabat nina Alyza, Mierr, Nieves at Serene

"Kadiri ka!" inis na sita ni Orphen at pinag tatapunan sya ng tubig. Nagharutan lang sila sa ilog habang ako naman ay nagmamasid, baka biglang lumaki ang ilog kaya kailangan ko silang mababalaan.
*******

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon