🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸*****Cerrah
Habang hindi pa time ng lecture ay sinulit ko ang oras sa pag re revise ng minutes of meeting, nuong mga nakaraang araw kasi ay tinatamad akong magsulat kaya puro steno ang ginawa ko na hindi naman maintindihan ng President namin everytime na mag rereport sya sa Student Council, bigla ko nanamang naalala si Aleeiah at inimagine na sa tuwing nagkikita sila ni Jenas ay pinag pipiyestahan ng mata nya ang malandi kong ... future husband
"Cerrah" napaangat ako ng ulo nang tawagin ako ni Ma'am Ceema
"Po?" tanong ko
"Bakit magkatabi kayo?" nginuso nya si Jenas, hindi kami magkatabi ni Jenas sa subject na ito, nagtabi lang kami kasi pinipilit nya akong i revise ang sulat ko dahil pinapagilitan daw sya ng Student Council President na si Aleeiah, pft! as if naman hindi ko alam na kaya sya palaging pinapagalitan kasi tigang na tigang na sa kanya, kakainis! "Kayo na no?" lumaki ang mata ko sa sinabi ni Ma'am at tumingin sa naka headset na si Jenas
"Ayyyiiee" kilig na sinundot ako ni jhec sa tagiliran
"Hala Ma'am hindi po" deny ko, ewan ko ba kung namumula ako sa kahihiyan
"Uy! blushing!" pang aasar ni Yvone. Hindi naririnig ni Jenas na sya ang pinag uusapan namin dahil mas naririnig ko pa ang pinapatugtog nya kahit naka headset pa sya sa sobrang lakas ng volume bukod don ay nakayuko sya dahil nagsusulat pa sya. Bigla syang may inabot na papel sakin
"O pirmahan mo" utos nya at nagpatuloy parin sa ginagawa nya
"O, bat may papel na inabot? Love letter yan no?" natatawang trip ni Ma'am sakin, nagtawanan din sina Yvone, Jhec, Hazel, Khim at Nova. Sina Ivy, Jofer, Mhar at Zaolo kasi ay busy sa kani-kanilang trip sa buhay
"Oh my Goshhhh" napahawak ako sa bibig ko sa hiya "Grabe ka Ma'am"
"Excuse me Ma'am Cee" kumatok si Sir Omar sa pinto kaya napatingin kami sa kanya, thank goodness umextra si sir, nakalusot ako sa trip ni Ma'am, lumapit si Sir kay Ma'am para mag abot ng papel pero bago pa nya maibigay ay napatingin sya samin
"Ohws? kayo na?" tanong nya sa akin, napanganga ako sa bigla habang ang mga taksil kong kaibigan ay gumagatong sa trip nila Ma'am
"Diba? kahit si Sir napansin na kayo na" biro ni Ma'am
"Hindi po talaga" depensa ko
"Bagay kayo" wika ni Sir sabay senyas sa kamay ng mag tabi pa kayo para sweet
"Nakakainis kayo" oh! lupa lamunin mo ako!
"Sa ilalim ng puting ilaw!" biglang kumanta ng climax si Jenas, lahat kami sa room ay napatingin kay Jenas "Sa dilaw na buwan!" Ang galing pala kumanta nito? medyo husky ang boses nya pero... ang ganda pakinggan, hindi garalgal o basag, hindi rin sintunado, parang style nya sa pagkanta na nakaka akit talaga, pero kahit ang sarap pakinggan ang boses nya ay nagtawanan kami dahil hindi yata nya napansin na naka headset sya at napalakas ang pagkanta nya, hindi rin nya napapansin ang pagtatawanan namin dahil nakayuko parin sya
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
Roman pour AdolescentsBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...