🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸*****JENAS
Hindi ko alam kung anong sasabihin sakin ni Carl Anthony kung malaman nya nanamang nalagay sa panganib ang unica hija nya. 😐😑😔 masesermonan nanaman ako.
"Nasaan si Cerrah?!" 😱 boses ni Carl Anthony yun ah! nasa main entrance na sya ng bureau, ramdam ko na ang aura nya 😫😫😫 tumayo ako para i kondisyon ang mga biceps at abs ko. Sigurado ako hmn! 🤔 papasalubungan ako ng banat ni Carl Anthony. Pag tingin ko sa pasilyo ay tumatakbo palapit sakin si Carl pero nabigla ako sa ginawa nya tinapik nya ako sa balikat at mahinahong tinanong. "Nasaan si Cerrah? anak?" 🤭🤗☺️😊 Nakakabiglang reaction naman yan Deddey 🤭🤭
"Nasa loob po. Kinakausap na for statement" sagot ko. Naks! first time kong mag PO kay Carl Anthony ah!
"Haayy" payapa syang umupo sa upuan at huminga ng malalim. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo "Napano yang ulo mo?" tanong nya sa naka benda kong ulo
"Wala" sagot ko
"Nasa alanganin kayong sitwasyon tapos may gana ka pang magpabagok ng ulo" reklamo nya. Sinesermonan nya ba ako o nag bibiro lang?
"Hindi ko kontrolado ang sitwasyon Carl" bagot kong sagot at sumilip sa isang tinted na bintana kahit na hindi ko makita ang nasa loob ng kwarto ay sinadya kong ipakita ang presensya ko para mawala ang takot ni Cerrah. "Dapat maging proud ka sa kanya dahil kung hindi ako nabagok hindi magagawang mapatay ni Cerrah ang kalaban" tumayo si Carl at ngumiti. Lumapit sya sa akin at umakbay.
"Talaga?" mahinahong tanong nya "Kaya na pala ng anak ko na protektahan ang sarili nya, Ngayon ayos na sakin kung bigla akong mamatay" tumingin ako ng masama kay Carl
"May usapan tayo Carl" wika ko "Ibibigay mo sakin ang ledger at wi witness ka laban sa sindikato kapalit ng proteksyon nyo ni Cerrah" tumingin sakin si Carl "Kapag mamatay ka i pu pull out ng bureau ang order na proteksyonan si Cerrah" Tumawa sa akin si Carl kaya nagtaka ako
"Alam ko namang kahit tanggalin ng bureau ang proteksyon kay Cerrah ay hindi mo tatalikuran ang responsibilidad mo sa kanya" sagot ni Carl "Hindi ka na bodyguard ng anak ko, Nobyo ka na nya JENAS ANAK" ay! inemphazise pa talaga yung Jenas anak! ,😣😣 "Anak na rin kita,magagawa mo bang abandonahin ang asawa mo?" matalino si Carl, na corner nya ako. Teka..
"Asawa?" tanong ko
"Balita ko nagpakasal kayo sa Tanza" sagot ni Carl at muling umupo sa upuan, lumakad ako kasunod nya
"Biruan lang yun" sagot ko "Trip ng mga kaibigan namin, Kasal kasalan lang"
"Alam ko" bagot na sagot ni Carl "Legal man o hindi nag sumpaan kayo ng anak ko, nagpalitan ng vows at singsing at ang pinaka importante sa lahat, Nagmamahalan kayong dalawa" patuloy ni Carl "Kung ano't ano man ang mangyari sa anak ko, ipinapaubaya ko na sya sa iyo. Masama man akong tao pero hindi ako masamang ama, bilang magulang responsibilidad kong masiguro na nasa ligtas na paligid ang anak ko bago ako mamatay"
"Kaya ba hindi ka humahadlang na magkaroon kami ng relasyon ni Cerrah?" tanong ko. Nakadama ako ng galit kay Carl, ginamit nya ang nararamdaman ko para sa anak nya
"Hindi" sagot ni Carl "Nang makita ko kung paano mo i handle ang anak ko sa katigasan ng ulo nya, dun ko naisip na bagay kayong dalawa, yung chemistry nyo na away at bati, away at lambingan, yun ang hinangaan ko sa inyo kaya sigurado akong ikaw ang napipisil ko bilang karapat dapat na tao sa anak ko" paliwanag ni Carl, kumalma ako sa sinabi nya "Hindi ko inabuso ang nararamdaman nyo sa isa't isa"
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
Genç KurguBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...