Epilogue

540 11 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

*****Saenz

Nakatingala ako ngayon sa isang private building na ino operate ng Bureau, bitbit ko ang isang basket ng prutas at brown envelope. Huminga ako ng malalim habang naglalakad papasok sa loob.

"Good Morning Sir Saenz" bati sa akin ng janitor na nag ma mop ng sahig

"Good Morning" nakangiting sagot ko at dumiretso sa 2nd floor. Tinungo ko ang isang kwarto at pumasok ako duon. Ipinatong ko ang basket sa mesa at pumunta sa isang side table ng kama. Inilapag ko ang brown envelope at dumiretso sa washroom para maghugas at mag dry ng kamay. Pagkatapos ay bumalik ako sa side table at dinampot ko ang isang malinis na platito, nilagyan ng kaunting tubig mula sa babasaging pitsel at kumuha ng malinis na cotton balls sinawsaw ko ang cotton balls sa tubig at bahagyang piniga.

"Kumusta ka na?" tanong ko... sa isang lalaki na nakaratay sa kama, naka suwero ito. Dinampi ko ang basang bulak sa labi ng taong nakaratay para mabasa at hindi magbalat. Huminga ako ng malalim "Bakit wala paring improvement ang katawan mo?" tanong ko "Jenas" tinitigan ko ang kalagayan nya, Comatose parin hanggang ngayon si Jenas pero hindi naman sya nangailangan ng kung anu anong aparatos para mabuhay dahil hindi naman sya kritikal, para lang syang nasa malalim at mahimbing na pagkakatulog. "It's been 2 years simula nang dalhin ka namin dito"

*****Flashback

Nag mamadali ngunit maingat kaming sumugod sa hide out ng school dean namin, sino bang mag aakalang sya ang traydor sa bureau? sinong mag aakalang kaya nyang patayin ang asawa ng kapatid nya? Baliw na sya, hindi na makatwiran ang tumatakbo sa utak nya. Habang tinatahak namin ang madumi, mabaho at madilim na daan sa sirang gusali ay nakikipag barilan kami sa mga sumasalubong sa aming kalaban. Nang makarating kami sa isang kwarto ay narinig namin ang boses ni Mhar na sumisigaw at humihingi ng tulong kaya naman ay pwersahan naming sinira ang pinto, tumambad samin sina Mhar at Yvone, pareho silang nakatali pero magkatabi

"Mhar" wika ni Jofer at tumakbo para kalasin ang tali

"Yvone" Lumapit si Zaolo kay Yvone at kinakalasan din ang tali ni Yvone nang makita ko sa kabilang sulok sina Cerrah at Jenas na magkayakap pero walang malay, nang mapansin ko ang dugo sa buong katawan ni Jenas ay nataranta ako

"Jenas!" sigaw ko at lumapit sa kanila, sumunod sakin sina Flare at Chase habang ang ibang kasamahan namin sa Civet at mga back up sa bureau ay nakikipag bakbakan sa kalaban at nakakalat sa buong building, nag babantay naman sa pinto sina Gertrude at Sendo. Pinulsuhan ko si Cerrah, buhay pa sya pero bakit si Jenas?
"Anong nangyari kay Jenas?!" tanong ko kay Mhar

" May tinurok si Ma'am sa leeg ni Jenas tapos lumipas lang ang ilang oras biglang may tumulong dugo sa mata, ilong at bibig nya" nag aalalang sagot ni Mhar at lumapit samin pero pinigilan sya ni Jofer

"Kailangan nyo nang mailikas, masyadong delikado kung macorner tayo, dead end na ang kwarto na to" paliwanag ni Jofer

"May tinurok si Jenas kay Cerrah kaya nakatulog sya bago pa mag suka ng dugo si Jenas" naiiyak na sagot ni Yvone "Okay lang sila diba?" tanong nya. "Okay lang si Jenas" Hindi kami nakasagot kaya humagulhol ng iyak si Yvone

"Jofer, mauna na kayo para ma i cover kayo nila Gertrude at Sendo" utos ko

"Pano Si Cerrah?" tanong ni Jofer

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon