𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 71: Family Problems Part 1

384 12 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** 3rd Person

After ng Pasko ay bumiyahe ulit pabalik sa Manila sina Aiola at Xerces dahil sa importanteng bagay na dapat nilang asikasuhin kasabay sina Graecious at Xenon, ganon din Ang mag kapatid na Coud at Athrone kasama ang pinsan nilang si Orphen. Si Megan naman ay umalis na rin sa tahanan ng mga Salcedo. Nagpaka busy naman sina Moon, Janus, Arabella at Kierr sa Farm.

*****Jenas

Nasa Frontyard kami lahat nakatambay kung saan nakatayo ang 100 years old na puno ng acacia. Habang naka higa ako sa duyan, Sina Cerrah at Serene ay nakaupo sa papag at nag babalat ng indian mango na sinusngkit naman nina Raph, Adonis at Eugene sa katapat na puno. Sina Alyza at Summer ang taga deliver ng mangga. Sina Aluza at Mierr ay gumagawa ng sawsawan, sweet soy, spicy soy at nagluluto naman si Nieves sa tapat namin gamit ang magic kalan nya 😂🤣 ng sweet and spicy pork bagoong nya.

"Ang alam ko tuwing May lang ang pag bubunga ng mangga" wika ni Cerrah habang nang hihiwa

"May magic ang kamay ni Ammang Janus" sagot ni Serene

"Huh?" nagtatakang tanong ni Cerrah

"Si Ammang ang nagtanim ng ibang mga puno dito nuong bata pa sila ni Abuelo Kiel" kwento ni Nieves. Nakikinig lang ako sa kanila habang dinuduyan ng paa ko ang hinihigaan ko.

"Ikaw Jenas? hindi mo kami tutulungan?" tanong ni Cerrah, nagkatinginan kaming dalawa

"Ha?" tanong ko

"Wag mo akong ma ha, ha jan" wika ni Cerrah "Di purket ikaw lang ang may christmas gift sa ating dalawa ay maghahayahay ka na jan" di ko alam kung nagbibiro ba si Cerrah o nag rereklamo dahil sa pagiging unproductive ko ngayong araw.

"Matanong ko nga lang" nagulat kaming lahat nang sumulpot bigla sa ulunan ko si Sapphira

"Parang kabute ka talaga bigla bigla kang sumusulpot" reklamo ni Alyza habang nilalapag ang mga mangga na napitas nila Adonis. Padabog na umupo sa espasyo ng duyan si Sapphira kaya tila nag bounce kami, napakapit ako ng mahigpit sa takot na malaglag

"Ang bigat mo pala Saph" reklamo ko

"Bigat bigat tapos hilig mandagan" sabat ni Nieves

"Oy! di kita ililibre" tinuro ni Sapphira si Nieves kaya nag peace sign ang kapatid ko

"Joke lang" nakangiting wika ni Nieves

"Ano bang itatanong mo babae?" tanong ni Aluza

"Babae ba yan?" tanong ni Mierr

"Bakit walang endearment sina kuya at Cerrah?" tanong ni Sapphira kaya 😳 pareho kaming dalawa ni Cerrah na nasamid bigla.

"Oo nga no?" tanong ni Serene

tsss! pahamak talaga tong si Sapphira 😒😒😒 ang bright bright na bata

"Kaya nga! hindi ko man lang marinig na nag lambingan ng derleng, bebe, lebs, heney pey ang boring ni kuya" reklamo ni Alyza, napapatingin lang ako sa palitan ng usapan ng mga pinsan ko habang nag pipigil ng tawa ang dalawa kong kapatid "Buti nga di nagagalit si Cerrah dahil walang kalatoy latoy si kuya"

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon