🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸***** CERRAH
Nasa hangganan na ng discussion si Ma'am nang bigla syang napahinto sa pag sasalita, tumingin kaming lahat sa direksyon kung saan sya nakatingin. Naglakad si Jenas palapit kay Ma'am Bakit kaya nandito nanaman tong lalaki na to? may iniabot syang papel at nang basahin ni Ma'am ang papel ay tumungo sya senyales na nag agree sya
"Kindly Introduce yourself Mr. Jenas Dranrebb Rivaii" utos ni Ma'am
"Good Day everyone, I'm Jenas Dranrebb Rivaii, I am quote as Jenas, I'm 24, Graduate na ako ng business course and I'm a businessman. Nag enroll ako ng course nyo kasi trip ko lang" pakilala nya, What? nag enroll ulit sya kasi trip nya lang? anong klaseng trip yun!, nag hiyawan at nag palakpakan ang mga classmates ko sa sinabi nya, napa face palm na lang ako. May nagtaas ng kamay
"Anong business mo?" tanong ni Mae, napatingin ako sa kanya, Is she interested to Jenas? napailing-iling ako you've got to be kidding me Mae.
"I'm a dealer" sagot nya nagulat kaming lahat sa kanya
"Of drugs!?" gulat na tanong ni Mae. Oh my gosh! really Mae? sino bang sira ang tuktok ng ulo ang mag re reveal na dealer sya ng drugs! shongabells?
"Of fruits and vegetables sa isang malaking resort, I own a Mango orchard na ine export at ginagawang candies ang iba sa sarili kong factory, I have my own piggery and poultry at may sarili rin akong distillery" paliwanag nya, totoo ba yung sinabi nya? sa mga business na yon paanong na handle nya lahat iyon? sa batang edad nya paano sya naging youngest billionaire? Kailan sya nag start mag negosyo?
"Paano mo nagawang pag sabay sabayin ang negosyo mo?" tanong ni Rej
"I have siblings na tumutulong sa akin ng full time together with my parents and grand parents" sagot nya. He still have a family yet pinag sisiksikan nya ang sarili nya sa buhay ko puf!, I rolled my eyes.
"Beside sa trip mo lang ano pang nagtulak sayo na mag aral ulit na iba sa course na tinapos mo?" biglang tanong ni Czacarly, nagtinginan sila ni Jenas sa mata "Do you have a girlfriend here? You're a successful businessman bakit kailangan mo pang mag aral ulit at iba pa ang course? I'm sure you have a girlfriend na gusto mong bantayan"
"Nangalawang na kasi yung utak ko" poker face na sagot nya, hayst! parang hindi businessman mag salita tong lalaki na to parang taga jan lang sa tabi tabi. Grabe parang wala syang emosyon mag salita, tapos straight body pa, So? type mo nga yung mga ganong katawan Cerrah diba? yung stiff hindi parang lantutay, geezz, shut up my inner me! Biglang nag ring ang bell
"May lahi ka?" tanong ni Champ. Kumamot sa leeg si Jenas at nag isip pa ng kaunti
"Hmm? Oo" sagot nya "Lahing Manas" Nagtawanan ang mga sira ulo kong kaklase. tss!
"Okay class mukhang inubos nyo ang oras sa pagtatanong kay Mr. Rivaii" wika ni Ma'am habang nag liligpit ng gamit para pumunta sa next class nya. Lumapit si Jenas sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ano nanamang ginagawa mo dito?" tanong ko
"Didn't you hear?" tanong ni Jenas
"I heard you, nag enroll ka sa course namin kasi trip mo lang" inis kong sagot! talaga lang huh! hirap na hirap ako sa course ko tapos lalaruin lang nya?
"RRRRight" talagang inEmphasize nya ang R sa right.
"Alam mo ba ang course ko?" tanong ko
"ComSci?" sagot nya. umirap ako. haaayy parang di nya sigurado inenrollan nya.
"Pambihira, nag enroll ka pero parang di mo alam ang course na inenrollan mo? Nag first year ka ba sa course na to? paano ka naging fourth year?" Nagtataka ako.
"Ladderize" casual nyang sagot
"From what course? Business?" tanong ko, ladderize from business to ComSci?
"YuPPP!" this time inEmphasize nya naman ang P. I smirk, Wow! what the hell
"Liar, Anong subjects ba ang acreditted sayo?" tanong ko
"Math?" parang di sya sigurado sa sinagot nya sakin halatang nanghuhula lang eii
"Like?" tanong ko, hinila ko ang assessment nya "How come regular ka? walang logic design and switching, System Analysis and Design, Computer Programming, WebProgramming et cetera, et cetera sa business course Jenas" nakataas kilay kong tanong "Now tell me, how come regular ka?"
"Nah, enough with the interrogation, di naman criminology course mo para tanungin mo ako ng tanungin" pamimilosopo nya
"Bakit si Ma'am tanong ng tanong sa klase hindi naman pulis?" tanong ko, funny ba? parang corny kasi, ngumisi sa akin si Jenas ng nakakaloko
"May future kang maging joker ah" natatawa nyang sagot
"You don't even have a pen and a notebook" sita ko, nabigla ako nang sinuksukan nya ng panyo ang bibig ko kaya padabog kong hinila ang panyo sa loob ng bibig ko at hinagis sa floor "What the hell?"
"Di ba pwedeng witty lang ako kaya I don't need to jot down notes? kaya nga nag eenroll lang ako sa kung anu anong course dahil alam kong kakayanin ko" pag mamayabang nya. "If you think dahil sayo kaya nandito ako ngayon, well better think twice Young Lady, don't assume too much because this is not the first time na pumasok ako sa school at nag aral ng ibang course dahil trip ko lang" kinindatan nya ako wow hellboy! ang ganda ng mata nya promiseeee!
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
Teen FictionBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...