𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 3 : Jenas Vs. Cerrah

1.1K 25 1
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Habang hindi pa dumadating ang araw nang plano ng bureau na pekeng pagkamatay ni Carl ay sinukat ko muna kung hanggang saan aabot ang trabaho ko kay Cerrah. Dito na rin ako tumira pinalabas naming akin na ang bahay nila kaya wala silang magagawa kung titira ako dito o hindi at talagang galit na galit si Cerrah sa ginawa ko. Haha! bahala sya sa buhay nya. Trabaho kong protektahan siya kaya obligado akong sundan sya kahit saan pa pumunta kaya naman sineryoso ni Salvador na mag aral akong ulit para kahit sa paaralan ay mabantayan ko ang sinasabi nilang 'PRINSESA'.

Pero wala akong dapat ikabahala, nag pasok ng mga undercover agents ang bureau sa loob ng school kung saan na briefing ang mga importanteng tao na maiinvolve sa presensya ko tungkol sa misyon ko.

ღ(¯'◕‿◕'¯) ♫ ♪ ♫  ♫ ♪ ♫ (¯'◕‿◕'¯)ღ

***** Narrator

Kinabukasan late nang gumising si Cerrah, dali dali syang naligo at bumaba papunta sa dining area para mag almusal. Napa taas ng kilay si Cerrah nang makita nyang kumakain na si Jenas kasabay ang daddy nya. Pabalibag na hinagis ni Cerrah ang bag nya sa tabi ng upuan na inuupuan ni Jenas at umupo sa kabilang gilid.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Galit na tanong ni Cerrah sa katulong nila na nag se serve ng pagkain. Nilingon ni Jenas ang dalaga.

"Hindi mo naman sya alarm clock" sagot ni Jenas. Sarcastic na natawa si Cerrah.

"Bakit ba nakikialam ka? Yaya namin sya it's her job" wika ni Cerrah.

"Cerrah yung manners mo naiwan pa yata sa kwarto mo" puna ni Jenas kay Cerrah.
"Kasambahay nyo sya so you must treat her like a part of your family" sagot ni Jenas.

"I don't need family, especially you" inis na wika ni Cerrah at masamang tumingin sa Ama nya. Kumuha sya ng sandwich at tumayo. "Dalhin mo yung bag ko" utos nya sa kasambahay

"Jenas, pag pasensyahan mo na ang anak ko. Hindi ko sya nagabayan ng tama kaya ganyan ang ugali nya. Tulungan mo na lang ako na putulin ang sungay nya habang maaga pa" pakiusap ng Daddy ni Cerrah.

"Kahit di mo sabihin yan ay plano kong patinuin ang anak mo, ang ayaw na ayaw ko sa lahat bukod sa mapangmatang tao ay walang galang sa magulang" sagot ni Jenas at tumayo para sumunod kay Cerrah.

Sa labas habang nag hihintay si Cerrah ng magda-drive ng kotse ay napansin nyang walang katulong na nagdala ng bag nya.

"Nasaan ang,  si yaya?" tanong ni Cerrah. "Royal yung bag ko!" pasigaw na utos ni Cerrah sa kasambahay.

"May katulong ka ba?" tanong ni Jenas.

"Ha?" tanong ni Cerrah.

"May katulong ka ba?" tanong ni Jenas. Huminga ng malalim si Cerrah na halatang dismayado, nilingon nya ang isa pang kasambahay nila na nag wawalis sa garden.

"Manang kuhain mo nga ang-" hindi tapos na salita ni Cerrah dahil tinakpan ni Jenas ng hintuturo ng daliri nya ang bibig ng dalaga.

"Personal katulong mo ba si Manang?" tanong ni Jenas.

"Katulong namin sya" sagot ni Cerrah

"katulong nyo sya sa pag aayos ng bahay, hindi mo sya personal alalay" sagot ni Jenas. "Go inside and get your own bag, wala kang personal yaya" Seryosong utos ni Jenas sa dalaga. Masamang nakatitig si Cerrah kay Jenas.

"Ano bang problema mo?" tanong ni Cerrah.

"Ikaw, masyado ka kasing bossy.  Kung mag uutos ka nalang din dapat sana may please na kasama, hindi yung parang aso lang yung inuutusan mo" panenermon ni Jenas.

"I don't want to hear your sermon okay" sagot ni Cerrah at binuksan ang pinto ng kotse para sumakay pero hinila sya palabas ni Jenas at pabalibag na isinara ang pinto ng kotse. "What's the matter with you!!!" sigaw ni Cerrah na talagang napipikon na.

"Get your own bag inside" tonong galit na si Jenas.

"Okay fine! Weirdo!" inis na sagot ni Cerrah at padabog na pumasok sa bahay nila. Naabutan nya ang daddy nya na kumakain at pinag buntunan ng inis ang daddy nya. "You know what Dad, I really hate Jenas! Itaga mo yan sa bato!" sigaw ni Cerrah at padabog na kinuha ang bag nya. "I hate Him!" inis na wika nya sa ama nya "And also you!" at nag walk out. Lalong nainis si Cerrah nang makita nyang naka abang sa pinto ng kotse si Jenas. "Oh! Ako na ang kumuha, ngayon pwede na ba akong pumasok sa kotse?" tanong ni Cerrah. Binuksan ni Jenas ang pinto ng kotse sa tabi ng driver's seat.

"Masunurin ka rin naman pala ., kung ganyan ka at mag papakabait pa mag kakasundo talaga tayo" pang aasar ni Jenas sabay ngiti sa dalaga.

"Shut up!" inis na sigaw ni Cerrah at pabalibag na sinarhan ng pinto si Jenas. Nabigla si Cerrah nang pumasok na sa kotse si Jenas. "Ikaw ang mag da drive? Nasan si Manong?" tanong ni Cerrah.

"Pinag day off ko si Manong and Yes Young Lady, ako ang mag da-drive" sagot ni Jenas. Umirap si Cerrah at nagulat sya nang bigla syang yayakapin ni Jenas.

"O! O! ano! Cha tsansingan mo ko?" gulat na wika ni Cerrah pero napahiya sya nang kinuha lang pala ni Jenas ang seat belt para ikabit kay Cerrah.

"Assuming" sagot ni Jenas at napa ngiti na tila nang aasar.

Habang nasa biyahe ay biglang nag salita si Cerrah ng patungkol kay Jenas.

"May saltik ka ba?" tanong ni Cerrah.

"Pinag sasabi mo?" parang na-a-annoy si Jenas sa bawat kilos at salita ni Cerrah.

" Ang init kasi ng dugo mo sakin kagabi lang tayo nag kita at nagkakilala pero ang sama na ng ugali mo" sagot ni Cerrah

"Yung ugali ko bumabase sa ugali ng nakakasalamuha ko, kung mabait ka edi mabait din ako sayo pero kung pangit ang ugali mo asahan mong mas pangit ang ugali ko sayo" paliwanag ni Jenas. "I hate your attitude when it comes to your Dad at sa mga kasambahay nyo"

"Pakialam mo ba?" tanong ni Cerrah, hindi na sya sinagot ni Jenas hanggang sa makarating sila sa school.

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon