𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 18 : Intrams

544 18 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** CERRAH

One month after nang nangyaring quarel sa pagitan namin ni Jenas ay hindi na nya ako kinikibo, kakausapin lang nya ako sa school pag may meeting pero kapag nasa sasakyan kami o sa bahay ay parang hindi kami magkakilala. Grabe, sobrang O.A nya magalit inabot hanggang Intrams. Oo,  Intrams na namin ngayon at isang linggo kaming walang klase dahil maglalaban laban ang bawat course ng sports. Ang Course na may pinaka maraming napanalunang  sport ay magiging OverAll Champion ng School na ilalaban naman sa ibang school sa darating na SportsFestival. Bukod sa OverAll champion team ay kukuha pa ang school ng iba pang magagaling na estudyante mula sa iba pang course para maging reserve.

Habang nagwa warm up ako kasama ang mga ka grupo ko sa Cheering ay may nag abot sa amin ng mga flyers

"What's this?" tanong ko at tumayo, nagtayuan din ang ibang mga kasama ko para tingnan ang hawak nilang flyers

"Flyers tungkol sa HotBoys" sagot nang nag didistribute

"Diba sa foundation day gaganapin ang HotBoys? Sa February pa to ah, bakit ang aga namang mag distribute ng flyers?" tanong ko

"Para daw mapaghandaan ng mga girls at mapag ipunan" nakangiting sagot ng babae "I hope maki join kayo ah, mahaba pa ang time nyo para pag isipan kung sinong gusto nyong ka date sa Valentines" iniwan ako ng babae at nagpamigay syang muli ng mga papel.

Tiningnan ko ang nakalagay sa Flyers. Nakita ko na nakalagay ang letrato ng mga palaging kasama ni Astrid na lalaki, Flare Coldblood and Chase Tracker, yun pala ang mga pangalan nila, pero kakaiba naman ang surnames parang codename ang dating pero infairness mga gwapo rin naman talaga sila. Isa pang kalahok ng BsCrim ay ang lalaking palaging kasama ni Jenah Meyer,
"Saenz Saenz" basa ko sa pangalan "Ang weird naman ng mga pangalan ng taga BSCrim" gumala pa ang mata ko at nakita ko naman ang pangalan ng BF kong si Argz. Kailangan ko nga talagang mag ipon para ako ang makabili ng oras ng boyfriend ko sa darating na valentines. Nakakainis ang student council na ito, alam nang may jowa ang tao basta kumita lang sila ay ipag pa participate-in parin nila sa event ng compulsory.
Na curious pa ako sa ibang mga kasali, how about sa cOurse namin? Napataas ang kilay ko nang makita ko na kasali sina Jenas Rivaii, Mhar Thomas, Zaolo Malvar, Jofer Capriano at pamilyar yung tatlong lalaki? iginala ko ang mata ko. Sabi ko na eh, kasamahan ko sa cheering tong tatlong bata na to walang patawad talaga ang council. Tinawag ko sila "Gab, Nhel, Jay" tumakbo ang tatlo palapit sa akin

"Bakit po?" tanong nila. Mga totoy pa tong mga to pero... haaayyy

"Kasali pala kayo sa HotBoys?" tanong ko. Pare parehong freshman ang tatlo at magkakaklase kaya wala silang ideya tungkol sa kalakaran ng HotBoys. Yung mga gwapong BSCS mula sa second at third year ay nadala na kaya umiiwas sila kapag nilalapitan sila ng Student Council ng wala naman silang atraso dahil alam na nila ang mangyayari

"Opo, Nang makasalubong po nila kami ay bigla lang po nila kaming tinawag at pinag photoshoot tapos ayan na po pinakalat na yung mukha namin sa buong campus" paliwanag ni Gab

"Hmmm, Kung sabagay mga gwapo rin kayo. Goodluck sa Valentines ah, galingan nyo" pamamlastic ko. They have no idea kung anong mangyayari sa kanila sa Valentines napaka abusado talaga ng council ni hindi nila sineminar ang mga pobreng bata tungkol sa pambubugaw na gagawin nila. I just hope na magaganda ang babaeng magkakainteres sa kanila na makipag date. Sa ngayon hindi ko muna pwedeng sabihin ang mangyayari dahil baka mawala ang focus nila sa laban mamaya.

Speaking of laban, next na kaming mag pe perform pero nasaan na kaya si Argz, He promised me na manonood sya. Natameme ako, hindi pala sya nag promise, pinilit ko nga pala syang manuod. Iginala ko ang paningin ko to search for him pero wala sya sa crowd. Imposible namang may laban sila ng basketball ngayon dahil kung meron bakit nandito sa crowd ang mga team mates nya sa basketball na sina Flare, Chase at Saenz na nanonood ng sayaw nila Astrid at Jenah? Wala rin dito ang mga kaibigan nyang sina Roiuie, Rej, Mae, Vivyd at Czacarly I'm sure magkakasama nanaman sila.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon