🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸******Jenas
Pasukan nanaman... kumusta na kaya mga tropa namin? hindi man lang kami nakapag usap usap nang buong bakasyon dahil busy kami sa mga trip namin sa buhay, sana nag bagong buhay na yung tatlo (Mhar, Jofer, Zaolo)
"Jenas baka mabangga tayo" napatingin ako kay Cerrah nang marinig ko syang nag salita
"Bakit?" tanong ko, ngumuso sya sa harap at nang tumingin ako ay muntik ko nang mabangga ang barrier sa parking lot
"See?" tanong nya "Nakatulala ka habang nagda drive"
"How did you know?" tanong ko
"Hindi ka kumukurap" sagot ni Cerrah
"So, pinagmamasdan mo ako?" nakangiti kong tanong
"Sinong di titingin sayo ngumingiti ka mag isa" sagot ni Cerrah "Ano bang iniisip mo?"
"Sina Mhar" sagot ko "Ano kayang new years resolution nung tatlo?"
"I'm sure ang new years resolution nila ay i a upgrade ang ka hyperan nilang tatlo" sagot ni Cerrah "Ayun sila oh!tanungin mo" tiningnan namin sina Mhar na nasa harapan ng ATM Machine, sabay kaming bumaba ni Cerrah sa kotse at naglakad palapit kina Mhar, unti unting napakunot ang nuo ko nang marinig kong kinakantahan at sinasayawan nila ang ATM Machine
"Kaya't Ibigay mo na, ang monthly allowance ni Zaolo!" parang nangangaroling ang tatlo, tinapik ko si Mhar sa balikat
"Hoy! ginagawa nyo jan!" di ko sila tinatanong
"Jusme kapag may napadaang tao dito sasabihin ko talagang di ko kayo kilala" naka facepalm na wika ni Cerrah.
"Kinakantahan namin yung ATM ni Zaolo ayaw iluwa ng Machine" sagot ni Mhar
"First day of class ngayong bagong taon minalas agad" reklamo ni Zaolo
"Iwan mo nalang yan ma le late na tayo dre" wika ni Jofer
"Sira! allowance ko sa buong buwan nakasalalay jan" sagot ni Zaolo
" Sa tingin nyo ba iluluwa ng machine yan kung riritwalan nyo? i report nyo nalang sa bank yung nangyari" sagot ni Cerrah.
"Tara na dre!" hinila ni Jofer ang leeg ni Zaolo gamit ang braso nya napahinto kami nang tumunog ang machine kaya sabay sabay kaming tumingin. Biglang lumabas ang ATM
"Yes!" sabay sabay na sigaw ng tatlo, haaayyy... grabe, ang aga aga nilang maging wild. Hinalik halikan ni Zaolo ang ATM nya
"Nag dadalawang isip talaga ako kung papayag akong maging bayaw ka o hindi" wika ni Mhar
"Alam ko namang hinahadlangan mo yung planong pag sagot ni Yvone sa pag ibig ko sa kanya" sagot ni Zaolo, huminga ng malalim si Cerrah
"10 minutes nalang late na tayo" wika ni ni Cerrah
"Uy! tara na dre ang bagal bagal nyong mag lakad, ma le late na tayo" biglang pag iiba ni Zaolo at naunang maglakad samin, sumunod si Jofer at Mhar
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
Teen FictionBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...