🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸*****Cerrah
Tatlong araw din naming minadali ang pag pa practice at pag gawa ng props and costumes para sa Rama at Sita stage play namin. Nabigla kaming lahat dahil sa hindi lang pala simpleng stage play ang gagawin namin, may mga audience kami gosh! 🙀🙀🙀🙀🙀 bigla akong nakadama ng kaba dahil akala ko course lang namin ang manunuod yun pala ay buong school at faculty members. Regalo pala ito sa mag re retire na head ng literature subject
"Ilang batalyon pala ang manonood satin bakit hinayaan lang ni Ma'am na tayo tayo lang ang kikilos?" inis na tanong ni Khim. Nabigla kami nang pag check namin sa stage ay naka ready na ang nag gagandahan at makatitohanang background at props "Wow!" bilib na sigaw ni Khim.
Tumambad samin ang iba't ibang estudyante mula sa iba't ibang course na gumawa ng props. Sila pala ang mag a adlib na extra
"Hindi kasama sa script tong mga nilalang na to" tinuro ni Khim ang mga estudyanteng naka costume na.
"Don't worry about us Ms. Khim, mula kami sa theater arts club kaya alam namin kung saan kami mag aadlib. You need a lot of extra lalo na sa war kaya hindi na malalaman ng audience na on the spot lang kaming gaganap, just do your lines kami na ang bahalang mag adjust" nakangiting paliwanag ng President ng Theater arts club.
"Ok, thanks sa help" sagot ni Khim. 3rd year palang ang president ng club mula sa MasCom Course
"May kuya ka Bhe?" tanong ni Ivy. Napatingin kami sa kanya sa bigla
"Bakit? gwapo sya eh, I'm sure gwapo rin kapatid neto" tinuro nya ang President ng club na namumula sa hiya
"Reto kita ate?" tanong nya "I'm sure bagay kayo" Nang makapag palitan sila ng number ay nagkumpulan ang mga kaibigan ko para makipag usyosohan kay Ivy samantalang ako ay humabol sa binata
"Ahm, Mr!" tawag ko. Hinarap nya ako.
"Sereidan" sagot nya, natigilan ako ano daw? "I'm Sereidan Villaluz" pakilala nya "And you're the famous Campus Crush Cerrah Jane BuenaVista" ngumiti ako
"Cerrah nalang" pa humble ko
"Ms. Cerrah" pag uulit nya "What can I do for you?" tanong nya dahil tinawag ko sya
"Sure ka bang ire reto mo yung kuya mo sa kaibigan ko?" pag sisigurado ko, ayaw ko namang i prank nya ang kaibigan ko no.
"Oo naman, baka si Ms. Ivy na ang magpatino sa kuya ko" nakangiti nyang sagot. Tumaas ang kilay ko
"Play boy ba ang kuya mo?" tanong ko. Natawa sya bigla
"Hindi ah! Silahis yun" nanlaki mata ko sa narinig ko "Mukha namang strong si Ms. Ivy alam kong mapapatuwid nya si Kuya" natigilan lang talaga ako "Sige na Ms. Cerrah, mag ayos ka na at malapit nang mag simula ang play"
Nang palapit ako sa mga kaibigan ko, iniisip ko kung sasabihin ko ang nalaman ko kay Ivy o hindi pero... kung sila ang naka destined sa isa't isa bakit ako makikisawsaw right? It's better si Ivy na ang maka discover non atleast malinis ang konsensya ko.
********At the Scene
So far, so good and smooth naman ang takbo ng play namin. May mga pagkakataong nagkakalat ang ibang characters pero hindi nahahalata ng mga audience at iniisip na hinaluan namin ng comedy ang script pero ang totoo? ginulo ng mga extra ang script namin kaya halos kalbuhin na ni Khim kakasabunot ang ulo nya sa inis. Kitang kita ko sya sa gilid ng stage habang nakakulong ako sa props na kulungan. Nasa scene na pala kami na pinadukot ako ng kalaban at hinihintay ang pag rescue sakin ng dearest Rama ko. 🥰🥰🥰. Maganda ang fight scenes ng mga characters in fairness makatotohanan nga hanggang sa ang natira na lang sa stage ay ako, Si Jenas at si Flare.
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
Genç KurguBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...